7

10 0 0
                                    

Carlos P.O.V.


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana . Ngayon ang alis namin ni dad papuntang ibang bansa , di ko alam kung bakit kami pupunta pa dun .



Naisip ko nanaman si Reina , miss na miss ko sya , ung ngiti nya , luha nya , expression ng mukha nya , yung pag-aalala nya sakin , ang inosente nyang mga mata at ang boses nyang parang anghel .



"Dad punta tayo kayna Tito alfredo , please"sabi ko kay dad . Tatanggi sana sya ng nagplease ulit ako . Tumango nalang sya at sinabi kay mang leo na dumaan muna kayna tito alfredo .



"Nandito na tayo"sabi ni Mang leo . Tinapik ako ni Dad kaya napabalik ako sa realidad .



"Anak nandito na tayo , magpaalam kana sa tito mo"sabi nya  . Tumango lang ako at lumabas , pumasok ako sa gate at dun bumungad sakin ang garden kung saan aamin na ako sa kanya . Nakakalungkot lang na di ko nasabi , pero okay narin yun dahil masasaktan lang sya .



Pumasok ako music room , natanaw ko agad ang piano kung san nakilala ko pa sya lalo . Umupo ako sa tapat ng piano at sinimulang magpiano , yung lagi kong pinapiano gone by jin . Nakakarelate ako sa mv nito , dahil parang ako yung lalaki dun at si reina ang babae . Halos lahat ng pangyayari dun ay nangyayari sakin ngayon .



Di ko alam kung bakit bigla akong nanghihina , at naramdaman ko ang pag-atake ng sakit ko . Napapikit ako at napaub-ob sa piano na nagbigay ingay sa buong silid . Unti unting nawalan ako malay pero nasa isip ko si reina , yung mukha nya at mga ngiti nya sa labi .




"Jusko !!! Carlos !!! Mang leo tulong"rinig ko na sabi ni dad . Naramdaman ko na binuhat ako .

GONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon