5

10 0 0
                                    

Carlos P.O.V.


"Layuin mo si reina , at pinapakuha ko narin ang gamit mo kayna tito alfredo mo"sabi ni dad . Nagising nalang ako nandito na sa bahay namin . May pinaamoy kasi sila sakin bago ako dalhin sa kotse namin .



"Dad bakit ???? bakit kailangan kong lumayo kay Reina at bkit ako aalis kayna tito alfredo ??? dad mahal ko si reina"sabi ko . Di nya sinagot ang tanong ko at nakita kong tumulo ang mga luha nya . Nagtataka akong lumapit sa kanya .



"Dad please answer me"pagmamakaawa ko . Umiling iling ito at niyakap ako .



"anak i'm sorry please understand me , para sayo ito at gusto lang kitang makasama"sabi nya .Medyo natawa ako , dad really miss me and i know it base sa pagyakap nya sakin .



"Dad ano kaba , pwede mo naman ako ipasundo kay Mang leo para pumunta dito at makapagbonding tayo . Pero dad wag mo akong ilayo kay reina"sabi ko .Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at seryosong tumingin sakin .



"Di yun ang dahilan anak"sabi nya .



"Anong ibig nyo pong sabihin ????"kinakabahan kong tanong sa kanya .



"Nung araw na naospital ka , binigyan ka na ng taning dahil hanggang ngyon wala parin nagdodonate , mas lumaki ang butas ng puso mo kaya binigyan ka ng gamot ng doctor na pampawala ng sakit na nadarama mo . I'm so sorry anak dahil di ko sinabi sayo , ginawa ko yun para lang di ka masyadong mag-isip at mastress"lumuluhang sabi ni dad . Alam kong mangyayari talaga ito , ito ang buhay na binigay sakin ng diyos kaya tanggap ko na . Ngumiti ako kay dad .



"Dad ok lang . Alam kong dadating ito"sabi ko .

GONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon