Sa loob ng ilang araw, biglang tumahimik ang mundo ni Ferdie. Hindi dahil sa pag-ibig o sa kung anu-anong bagay. Kundi, ito ay dahil sa nabalitaang lilipat siya next year kung sakaling hindi magustuhan.
At hindi rin maiiwasang mang-snob sa mga kaklase at tinanong nila sa kanya: "Hindi ka ba sasagot? Silence means yes, Ferdie..." Tinanong ito sa kanya kung lilipat siya next year.
Kung sakaling lilipat siya sa St. Francis de Sales Academy, isa sa mga famous Catholic schools, magkakaroon ng pagbabago, as in malaking pagbabago. Una, nagustuhan niya ito dahil sa magaling at matatalino ang mga estudyante nito. Kabilang na rito si Justin Salvador, isa sa mga close friends niya. At pangalawa, kilala siya doon dahil siya ay madalas bumisita doon.
Pero, kapag nanatili siya sa dati niyang school, malamang, guguluhin siya ni Lilay at magpapanggap bilang Berna.
Hanggang ngayon, nag-iisip siya kung saan niya gustong mag-aral...
Hindi rin natin maiiwasang tumahimik para lamang sumagot sa isang tanong. Ang katahimikang iyon ay nagpapalalim ng ating pinag-iisipan.
BINABASA MO ANG
Mr. Right meets Ms. Independent
Novela JuvenilMeron ngang Mr. Right at Ms. Independent sa ating buhay. Nandyan lang sila pero hindi pa handang magparamdam. Dito sa kwento, makikita natin ang isang high school boy na sobrang talino na makikipagkita sa isang high school flirty girl na crush ng ba...