Blue shirt, black coat and tie, slacks at bagong sapatos... Yan ang formal tuxedo outfit ni Ferdie sa JS Prom nila. Hindi rin mawawala ang blue evening gown ni Lilay na nagpaganda rin para lamang sa gabing iyon. "Red Carpet" ang theme ng JS nila, yung tipong mga artista na rumarampa sa red carpet para sa awards night, premier night ng isang movie... Parang ganon na yon..
Nang simula na ang entrance, hindi talaga maalis ang "ngiting tagumpay" ng dalawa dahil excited na sila, pero hanggang doon lang muna at hihintayin pa muna ang tinatawag nilang "dance of the night"... Oo, yung slow dance na inaabangan.
At nagsimula na nga ito..
Mula sa pagdarasal....
pag-awit ng Lupang Hinirang.....
isang maikling mensahe.....
yung "bequeathal ceremony" na tinatawag....
mga dance presentations ng Grade 9 at Grade 10.....
.... at nang sila ay kumakain na ng hapunan. Hindi magkamayaw ang mga kaklase sa pagkuha ng kanin, ulam at iba pa para lang makakain.
Lahat naman ay nakakain at nakatikim rin ng mga dessert nila. Punong-puno na ang kanilang tiyan pero hindi pa rin napupuno ang kanilang JS dahil may presentation pa ng mga Grade 9 at 10 na napili ng mga judges sa entrance pa lang...
Oo!! Sa entrance pa lamang nila, tinitingnan na agad sila.. On-the-spot na yon....
BINABASA MO ANG
Mr. Right meets Ms. Independent
Novela JuvenilMeron ngang Mr. Right at Ms. Independent sa ating buhay. Nandyan lang sila pero hindi pa handang magparamdam. Dito sa kwento, makikita natin ang isang high school boy na sobrang talino na makikipagkita sa isang high school flirty girl na crush ng ba...