"Kapag tumibok ang puso,
wala ka nang magagawa
kundi sundin ito.
Kapag tumibok ang puso,
lagot ka na,
siguradong huli ka..."
Ito ang mga linya sa kantang "Kapag Tumibok Ang Puso" ni Donna Cruz, na ngayon ay pinapakinggan ngayon ni Ferdie at isa ito sa kanyang paboritong kantahin.
Kinakabahan ngayon siya dahil sa maraming tao, at ito ay ang CAT graduation. Oo, isa siya sa mga COTC na makikisali sa graduation. Hindi ito ang kanilang commissionship o pagiging CAT officers, pero may rank naman sila, Probationary 2nd Lieutenant.
Kahit ganoon lamang ang tingin sa kanila, malaking bagay na iyon dahil sa kanilang determinasyon na makatapos ng COTC.
....
.....
......
TIKAS..... NGA!!!
TANGHAL..... TA!!!
BABA.... TA!!!
PASULONG..... KAD!!
Puro sigawan ng commands ang maririnig mo sa Arrival Honors, Silent Drill at Testimonial Parade.
Sanay naman siya doon dahil lagi naman silang ginaganon ng mga officers nila. Hindi naman ito sigawan lagi-lagi dahil alam nilang nakakasakit sa kanila ito.
Sa pagpapatuloy....
At nang magtapos ang CAT graduation, nag-picture ang mga officers at mga COTC para sumaya ang lahat.
Pagkatapos, lumapit si Berna at nagsabi: "Congrats, Ferdie my loves!! I love you talaga!!!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ferdie at kanyang sinagot: "I love you din Bernadette Ann Desiderio Alcaraz!!"
At doon sa paglakad nila palabas, kumanta silang dalawa ng Kapag Tumibok Ang Puso para pampalipas-pagod sa kanila.....
May mga pagkakataong hindi maiwasang bumilis ang tibok ng ating mga puso. Ang iba ay kinakabahan, kinikilig, kinikilabutan, at marami pang iba. Pero isa lang ang gustong maipakita dito, na kapag tumibok ang ating mga puso, wala na tayong magagawa kundi sundin ito....
BINABASA MO ANG
Mr. Right meets Ms. Independent
Novela JuvenilMeron ngang Mr. Right at Ms. Independent sa ating buhay. Nandyan lang sila pero hindi pa handang magparamdam. Dito sa kwento, makikita natin ang isang high school boy na sobrang talino na makikipagkita sa isang high school flirty girl na crush ng ba...