CHAPTER 2

31 1 0
                                    


PAKIRAMDAM niya ay umusok palabas ang inis niya sa lalaki. Nagawa talaga ng lalaki na ibigay ang pangalan kay Petski. Teka, pangalan ba talaga ni Mang Go, iyon?

Baka naman pinagti-tripan ka lang nitong damuho na 'to?

"Niloloko mo ba ako?"

Bumuntong-hininga ang lalaking nagpakilalang Dylan bago may kinuha sa bulsa mula sa likuran ng pantalon nito. Tumambad sa kanya ang isang itim na pitaka na medyo bago pa ang hitsura. Binuksan nito iyon ng nakatingin siya at hinila ang isang ID. Naalarma siya kaya pinigilan niya ito agad.

"Stop."

"What?" Tiningnan siya nito. "I'll just show you my ID."

"Napepeke ang ID," sagot niya rito. "Isa pa, kung totoo man yang ID mo, hindi mo iyan dapat ipinapakita sa kung sinu-sino. Mamaya kriminal pala ako, pwede na kitang nakawan sa inyo o kaya kidnapin for ransom."

Napaisip ito. "You have a point. Pero hindi ka naman naniniwala na iyon talaga ang pangalan ko."

Muli ay naalala niya kung bakit siya inis dito. "That's not the point. Isa pa, you shouldn't give out sensitive information to strangers like me. Again, mamaya kriminal pala ako, pwede na kitang nakawan sa inyo o kaya kidnapin for ransom."

Sa sinabi niyang iyon ay nakita niyang ngumiti ito sa kanya. "You won't do that."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Paano naman ito nakakasiguro na hindi niya iyon magagawa?

Mukhang bakas sa kanyang mukha ang tanong niya dahil bigla itong sumagot.

"Hindi ka naman kasi mukhang goon para kidnapin ako. But pretty sure I know you could kidnap hearts. Not people."

Anak ng tinapa, tumirada pa ng linya ang mokong. Hindi rin niya maintindihan kung bakit may kakaibang kaba siyang nadama sa sinabi nito.

Hay naku, Moppette, ginogoyo ka lang nitong mamang 'to. Aniya sa sarili. Hindi niya na dapat pinag-aaksayahan pa ito ng oras. Ilang minuto rin ang nasasayang niya sa pahinga.

"Anyway, lumilihis na tayo sa pinag-uusapan natin. Ulit, ako nga pala si Dylan Venturina. Yan talaga ang pangalan ko kahit itanong mo pa sa kundoktor." Muli ay lumingon siya dito. Bakit nasama pa ang kundoktor sa kalokohan nito? "Baka naman pwedeng malaman ko rin ang pangalan mo? Para kahit paano alam ko pangalan ng possible kidnapper ko."

"Hindi kita kikidnapin." Asa naman itong kikidnapin niya ito.

"Bakit? Hindi ba ako kidnap material?" Tanong ni Dylan sa kanya. Bumuntong-hininga na lang siya sa usapan nilang dalawa. "Sige ganito na lang, mananahimik ako kung pagbibigyan mo na lang ako sa pangalan mo."

"Hindi ko pwede ibigay sa'yo ang pangalan ko." Sagot ni Petski. "May pangalan ka na. 'Wag ka gahaman sa pangalan." Nang makita niya itong napakamot sa likod ng ulo nito ay nagdagdag pa siya. "'Pag binigay ko sayo pangalan ko, ano na gagamitin ko?"

"Sigurado ka bang gusto mo marinig ang isasagot ko diyan? Baka mahiya ka sa isasagot ko." Umangat ang gilid ng labi nito,

"Bakit ano ba isasagot mo? Iyong apelido mo?" Tiningnan lang siya ni Dylan, kung iyon nga ang totoong pangalan ng lalaki. Mukhang tama nga ang hula niya sa iniisip nito. "No, thanks. Iyo na lang 'yan. Ang pangit din kung apelyido mo lang ang matitira sa akin. At isa pa, mahal na mahal ko ang pangalan ko." Kahit ba gusto niya talaga papalitan iyon.

"You really are something, huh?" umiiling-iling ito. Mukhang nag-uumpisa na itong sumuko sa kanya. "O sige, kung hindi mo ibibigay ang pangalan mo, tatawagin na lang kita sa kung anong maisip kong pangalan. Sa halip na makipagpilitan pa ako sa'yo. Mahal na lang?"

"Mahal?" Mukhang nabuhay na naman ang kilay niya dahil tumaas na naman ito dahil sa sinabi ni Dylan. "Bakit? Magkasintahan ba tayo?"

"Mahal lang kasintahan agad ang nasa isip mo?" Ginaya nito ang turan niya. "Yung tinutukoy ko yung maliit na babaeng dating artista. Yung ka-tandem si Mura."

Mauubusan yata siya ng buhok sa kakulitan nito.

"Ano, di mo pa rin ibibigay? Pwede naman nating palitan ng Mu--"

"Oo na! Oo na!" Sagot niya rito bago pa siya nito bigyan ng kung anumang kalokohan na pangalan. "Moppette. Ayan. Pwede mo na ba ako patahimikin?"

"Oo naman, madali naman akong kausap eh." Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Hayun na naman at tila humulas pababa sa sistema niya ang inis niya rito. She took note of that smile. It was dangerous.

Ilang puso na kaya ang nabiktima ng ngiting iyon?

"Pwede naman akong manahimik..." mayamaya ay sagot ni Dylan habang nag-iiisip. "Kaso medyo boring 'yun, don't you think?"

"Ay ewan ko sa'yo!" 

Ipinasak na lang ni Petski ang earpiece ng headset niya sa kanyang tenga at nilakasan ang volume ng pinatutugtog niya sa kaniyang cellphone upang tuluyan ay huwag nang pansinin ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey to Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon