Expectations. Dreams. Fantasy. Reality. Yan ang mga salitang umiikot sa isipan ko habang sinusubukan kong magising. Nanatili akong tulala sa hangin hanggang sa tumunog yung alarm clock ko. Ayaw ko man tumayo , pero kailangan ko. First day of class to. Di ako pwede umabsent. Mga ilang minuto pa at nagising na ako sa katotohanan. Pagbaba ko nakita ko sa may center table ng kusina namin na may letter. Probably kay dad galing yun. Sabi niya lang naman dun ,
"Good luck on your first day , don't forget to meet new friends , appeal to everyone , and always remember. First impressions are important."
Yun lang naman ang sinabi nya. Nothing more important. Instead of slacking around , tumunganga at magpa-late , binilisan ko na at ginawa ko ang dapat kong gawin. Habang on the way ako sa school , mas nararamdaman ko ang kaba sa dib-dib ko. Ewan ko ba naman kase kung bakit kailangan kong lumipat ng school. And ng country. Okay na nga yung buhay ko nung nasa U.S ako kasama si mommy eh. Kaso ganun talaga. Habang parami ng parami ang mga topic na pumapasok sa isip ko , palapit din ako ng palapit sa destination ko. At nang hindi ko inaasahan , ayan na nga. Tumambad sa harapan ko ang malaking signage ng "West Burry High". Isang napakalaki at napakagandang high school. Kaysa mag-stay sa labas at ma-late , pumasok na ako kaagad sa loob at hinanap ko ang room ko. Habang naglalakad ako papunta sa classroom , nakita ko ang iba't ibang mga design ng mga pader. Maganda yung garden , and yung park. Di ko alam kung saan yung canteen eh. Kaya dumiretso nalang ako sa classroom. Bago ako makapasok sa classroom , may nakasabay akong pumasok na guy kasama yung tatay niya. Siguro transferee din siya. Kase kung hindi siya transferee at ihahatid pa siya ng tatay niya , napaka-loser naman niya.
"Um , miss? Dito ka din?" sabi nung tatay ng guy.
"Uh , yes po. " Sagot ko. Wala naman akong ibang masabe. Nung sumagot ako sa kanya , tumingin siya sa anak niya at narinig kong sinabi niya sa anak niya na "oh , ayan. May kasabay ka na ah.".
"Miss , sabay na kayo ha. Aalis na ako." Sabi nung tatay ng guy. Di na ako sumagot. There's no point . At least may kasabay ako pag pasok. Kaysa naman pumasok ako sa loob ng classroom at pagtinginan ako ng lahat dahil mag-isa lang ako. Pag pasok ko sa classroom , may isang bakanteng upuan sa harap at isang bakanteng upuan sa likod. Dun ako umupo sa harapan kase ayokong ma-miss out lahat ng sasabihin ng magiging teacher namin. Wala pa yung teacher namin pero i'm pretty sure parating na yun. Then a few moments later , dumating na nga.
"Hello Senior Students. I am Ms. Carter. I will be your class adviser for your whole senior year. " sabi ng adviser namin. Serious tone. Pero wala sa kilos , itsura , at boses niya ang pagiging terror. Umupo siya sa office chair na nasa teacher's table at may kinuhang mga papel. Maybe students list yung or something. Tinignan niya kami isa-isa habang hawak-hawak niya yung papel. Para bang hinuhulaan niya kung anong pangalan namin. Then bigla nalang siyang nag-blurt out.
"Okay. Since alam niyo na naman yung pangalan ko , let's go ahead and know more about yourselves , shall we?" Nakaka-intimidate yung straight english niya. Parang yung accent nung mga teachers ko sa U.S . Since nasa unahan ako , side , tinuro niya ako and it means , ako ang unang magpapakilala.
"Um , my name is Margo Oberlin , 15 years old. I live in "West Town Village" , and i am a transferee from Santa Barbara High. " Medyo mahaba yung sinabi ko. Fully detailed. Para wala nang questions. Bumalik na ako agad sa upuan ko pagkatapos kong mag-introduce. Hindi ako nakinig sa mga introduction ng mga classmate ko. I don't really care. Para bang nag fade in the background yung mga boses nila na patuloy na nag e-echo sa isipan ko. Siguro , yung whole self-introductory part ng first day of school ay tumagal ng halos 60 minutes. Kase yung iba sa kanila , halos monologue at talambuhay ang sinabi. Pagkatapos ng introduction , nagsalita na ulit si Ms.Carter.
"Okay class , Just fill out these forms . Once you're finished , you're good to go. " Sabi ni Ms. Carter. I filled out the forms. Parang halos lahat ng detalye ng buhay mo gusto nilang malaman , sa dating ng forms na yun. After kong ma-fill out yung forms , nag bell na at pina-uwi na kami ni Ms. Carter . Habang palabas ako ng gates sa school , sumunod yung guy na nakasabay ko kanina.
"Um , hi. Margo right? " tanong niya sa akin. I looked at him. Staring at his hazel eyes , encountering my shadows within.
"Uh , yes. Um , ano nga name mo? Sorry. Hindi kase ako nakinig sa mga introduction kanina eh. " sagot ko sa kanya.
"I'm Jacob. Jacob Basilad. Sorry sa dad ko kanina ah. Medyo paranoid kase siya kapag first day of school and transferee pa ako. " sabi niya.
"Okay lang yun. I understand. Transferee ka din pala. " sagot ko kay Jacob , still staring at his beautiful eyes.
"Um nag lunch ka na ba? I was thinking maybe pwede tayo mag lunch. Don't worry. Friendly lunch lang. Hindi landian lunch. " sabi ni Jacob. He must be joking. I can sense his humour.
"Okay. Sure. Pero saan? I don't like fast foods eh. You know , Mcdo , Jollibee, im so sick of those. " sabi ko kay Jacob . Pa hard to get.
"Okay. Ayoko din dun eh. How about vikings? " sabi ni Jacob. I was shocked that he insisted Vikings. Pero i'm pretty sure may discount naman sila for students. And what's the point of receiving one thousand pesos for daily pocket money from dad kung hindi ko naman gagastsin?
"Okay , game!" sagot ko kay Jacob. Pumunta kami sa Vikings ang nagbook ng lunch. Two years lang ako nag stay sa U.S pero it feels like ang daming nag bago sa Philippines. Then we get into reality. Sat down on our seats and started eating.
"I don't eat like a viking pero i just missed eating here. " sabi ko kay Jacob. Hindi siya nag-reply. He just smiled. The whole lunch was not totally a meeting. It was indeed a friendly lunch. Eat lang. And very small talks. After namin mag lunch , we billed out , and got out of the place. Sumakay kami sa taxi. Both on the backseat . Kahit hindi ako nakatingin sa kanya , i can feel him smiling. The whole car ride was silent. Pero may music. Then there came my destination. Bumaba na ako ng taxi and nag-bye kay Jacob. The taxi left. I can feel him looking at me as the taxi drives out. His smile. It was unexplainable.
