Last night , the stars filled my dreams. Dahan-dahan akong dumilat at unti-unti akong nagising sa tunog ng alarm clock. Maliwanag , at maaraw. A pleasant ambiance. Tumayo ako agad ng kama , then i did my daily routinary activities. Maayos yung simula ng araw ko. Walang panira ng umaga , at walang bad trip. Pagdating ko sa school , ganun pa rin. Students in and out. Maingay. Pero hindi yung ingay na nakakarindi. Then i found myself staring in awe at the beauty of my surroundings. I'm slowly getting used to this place. Pag pasok ko sa classroom , hindi pa start. Yes. Di pa ko late. Dun ulit ako umupo sa seat ko kahapon. I suppose yun na yung permanent seat namin. After a few moments later , dumating na si Ms. Carter. Hindi naman kami maingay pero mukang galit siya. Pero hindi yung sobrang galit.
"Okay class. You have another classmate. He was absent yesterday. I suppose some of you already know him. He is Joseph Delos Angeles." In-introduce ni Ms. Carter yung student. Nung narinig ko yung pangalan ng student , nagulat ako. Classmate ko nung elementary si Joseph. Dito din sa Philippines. Pero hindi kami close. We are somehow in the middle of being friends and acquaintances. Umupo siya sa tabi ni Jacob. Since backseat naman yun , pwede pa maglagay ng extra chair. Nagsimula na yung class after mag settle down ng lahat. On that day , na meet na namin lahat ng subject teachers namin. From first up to the last period , wala kaming ibang ginawa kundi mag introduce ng sarili namin. Hindi naman sa tinatamad ako or anything. Pero yan pa rin naman yung mga classmate ko from first period up to the last. And puro introduction lang ang naririnig nila. Nakakasawa naman yata yun. Anyways , at least i am able to learn more names of my classmates. When the last bell ring came up , tuwang tuwa yung mga students na para bang baboy na nakawala sa kulungan. Tinitignan ko ang lahat ng ginagawa nila. Yung iba nagre-retouch , yung iba sumisigaw , yung iba tumatalon , and yung iba , sadyang walang pakielam. Tulad ko. As i was looking at everyone , i noticed. Looks like someone found a new friend. Nakita ko si Jacob at si Joseph na magkausap. Mukang malalim yung pinag - uusapan nila. And mukang enjoy na enjoy sila sa topic nila. I'm happy for Jacob. Kase kahit transferee siya , he managed to find a new friend. Pero kahit todo usapan sila ni Joseph , he still approached me. Of course , sabay kaming umuwi. Pero this time , kasama si Joseph. Hindi ako nagseselos dahil one , friends lang kami ni Jacob. Two , wala akong feelings para kay Jacob. And three , oo medyo cute si Jacob pero sadyang wala lang talaga akong interest sa relationship kaya walang reason para mag selos ako. Pero kinaiinisan ko talaga si Joseph. Si Joseph na ang laging bukang bibig ay basketball. Basketball dito , basketball dun , basketball everywhere. Ewan ko lang kung hindi ka marindi kapag kasama mo siya. At wala akong hilig sa kahit anong sports , ever. Lalo na sa "basketball". Buti na nga lang hindi ko katabi si Joseph sa seating arrangement. Kase pag nangyari yun , mas gugustuhin ko pa sa detention kaysa makatabi ang tulad ni Joseph. For the whole trip home , basketball lang ang topic ni Jacob at ni Joseph. Buti hindi nababagot si Jacob. Siguro mahilig din siya sa basketball. Siguro baka pag nagtagal , katulad din siya ni Joseph na mukang basketball. Buti nalang hindi ko siya naging close. As soon as makarating sa bahay yung taxi , bumaba na ako agad without saying goodbye to them. Nagbayad na naman ako eh. And i cannot stay any longer sa torture chamber na yun. Pag bukas ko ng pinto , walang tao sa sala. Siguro nasa taas na si dad. Dun na siguro nanood ng TV yun. Kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung Ipod , pressed shuffle , then "The Moment i Knew" played. Hay nako. Ang drama naman. Pero okay lang. Basta may music. Pagkatapos ko magbihis , humiga ako sa kama. I looked back on what happened yesterday. Dun sa "Friendly Non-landian Lunch". Masyado akong assuming. Malandi. Feelingera. Then it hit me. Tama si Jacob. Friendly lunch lang yun. Na realize ko na pala yan kahapon. Kahapon pa. Then it hit me again. Tugma yung kanta sa kung anong nangyayari ngayon. A moment of realization. A moment when you realize that you don't have something but you thought you have it. And that was the moment i knew..
