"Margo are you awake?" may narinig akong boses na tumatawag sakin. Pag dilat ko , nakita ko si mom sa may doorframe ng kwarto ko. I smiled at the sight of her. Linapitan ko siya at niyakap ko siya.
"Mom , I miss you so much." Sabi ko kay mom. She was speechless. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin at naka smile. Yung tipong para kaming naglalaro ng staring contest. Then I broke the silence.
"Mom , okay na kayo ni daddy?" tanong ko kay mom. Hindi siya kumibo. Then I heard my alarm clock ringing. Nanikip ang dib dib ko at parang di ako makahinga. Then suddenly my surroundings faded away.
I was awake. Panaginip lang pala yun. Kala ko pa naman bati na si mommy at si daddy. Miss ko na talaga si mom. So much. But I brushed it off. I need to get through the day without facing too much drama. So I did what I need to do.
Brush my teeth , take a bath , eat breakfast , and pick my outfit. Hindi ako masyadong maarte sa outfit ko. Ayoko ng sobrang classy. Basta casual okay na. Then I headed to my daily schedule. Pasok sa school , punta sa classroom , at umupo sa same seat na pinagupuan ko mula nung first day. Pag dating ko sa classroom , di pa ganun kadami yung tao. Then ang unang tumambad sa mga mata ko sa school day na to. Nag uusap pa rin si Jacob at Joseph. Ano? Forever? Sus. Mababagot ka din diyan. Umupo na lang ako at nag antay na dumating si Ms. Carter. Siya kase ang first period naming lagi. Di naman siya nale-late. Sadyang maaga lang talaga ako dumating. Pag dating niya andito na lahat ng classmates ko. Complete na. Nag start na ng lesson.
I survived the first four subjects without getting bored. Mabuti nga yun eh. At least nakapag focus ako sa lessons. Then the bell rang for recess. Pumunta ako sa canteen. Bumili ng food at naghanap ng mauupuan. Pero fully occupied na lahat ng seats. Nakita ko nga si Jacob at si Joseph. Kasama nila yung mga varsity ng school. Hay nako. Basketball. So wala akong choice kundi kumain sa park. Im used to being alone. Mag isa nga akong natutulog eh. I consumed all my food before heading back to the classroom. Pag balik ko sa classroom , dalawa lang yung tao sa loob. Kaya umupo nalang ako sa seat ko. Kinuha ko yung phone ko and the I browsed my Twitter feed. Nakita ko yung tweet ng student problems. "School was our second house. But where's the TV?" sabi sa tweet nila. Natawa ako dun. Haha. Pero ang corny. About few more browse , nag bell na. Kaya tinabi ko na yung phone ko sa bag. Then pumasok na yung teacher naming.
Last four subjects bago mag uwian. The last four subjects was okay. Di pa naman heavy yung lessons. Obviously kase start palang naman eh. Pero im pretty sure kapag nag tagal , mahirap na yan. Then the final bell rang. Same situation. Same scenario. Sigaw , magwala , magretouch , magdaldalan. Hindi sila napapagod diyan. Well I kept all my things on the bag and decided to go home right away. Di na ako sumabay kila Jacob. Besides , hindi naman ako makakarelate dun. Kaya mas better pang mauna na ako. Hindi ako sa taxi sumakay. Sa UV express ako sumakay. Kase siyempre gabi yun. And mag isa ako. Mamaya kung san pa ko dalin nung driver.
When I got home I headed straight to my room. Quickly changed my clothes and went to the kitched. May nakita akong take out ng Big Better Burgers sa ref. Ininit ko sa microwave yung burger and ate it as my dinner. Then pumunta na ulit ako sa kwarto ko at dun na ako nanood ng TV. Tulog na si dad kaya hininaan ko yung volume. Kase kahit sa kabilang room siya natutulog , rinig na rinig yung ingay dun. And alam kong pagod si dad sa whole day of work. And ayaw ko siyang ma disturb. Nilipat ko sa HBO yung channel. "Paper Towns" yung palabas. Okay na din. Ang ganda nung story ng movie na yun. Sinet ko yung sleep timer ng TV kase baka makatulog ako. As the movie progresses , I felt my self slowly drifting away. And the night started to fill my mind.