2: The Meeting

326 11 13
                                    

"What?!  No way!"

"You can't do anything.  Pumayag na ang kabilang family."

"Bakit di niyo man lang inalam yung opinyon ko?"

"Hindi ka rin naman papayag."

"Alam niyo naman pala eh!  Bakit tinuloy niyo pa?"

"It's for your own good."

"Lagi namang ganyan eh!  Di por que magulang kayo eh may karapatan na kayong patakbuhin ang buhay ko!"

 "I'm not running your life.  I'm just making things easy for you.  At saka, bakit ba galit na galit ka?"

"Si Amy.  Anong gagawin ko kay Amy?"

"Break up with her."

"No!"  I sighed.  Nakakafrustrate naman.  "I love her."

"You have no choice.  It's either you break up with her or we'll break the two of you apart."

"You can't do that."

"You know I can."

Frustrated na naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko.  Bakit ba bigla na lang naging ganito ang mga pangyayari?

"Ano bang pinakain nila sa inyo?  We are rich enough to support ourselves.  We don't need them!"

"But I like them.  And she's perfect for you."

"Eh di kayo ang magpakasal!"

Nag-walk out na ako.  Nakakapanggigil talaga.  If I'll stay there, baka kung ano na ang nagawa ko.  Tama bang itakda na ang future mo nang hindi mo man lang nalalaman?  Ayoko pa namang pinakikialaman ako.  The hell with them!  Ni hindi ko nga kilala ang babaeng yon.  How does he expect me to react with that?

By the way, I'm Zion Kei Lee at dad ko ang kausap ko kanina.  Pinagtransfer pa niya ako ng school para makilala at magkalapit kami ng fianceé ko.  Nasisiraan na talaga siya ng ulo.

Sabi niya ok na daw sa kabilang family.  Does it mean pumayag na yung girl?  Hell!  Baka naman na-inlove yun sa picture ko kaya pumayag siya?  Tsk.  Mukhang mahihirapan akong makalusot dito.

Kung hindi um-ok ang family na yun, ibig sabihin, hindi matutuloy ang arranged marriage na 'to?  Then all I have to do is paatrasin yung girl sa kasunduan.  Whew.  Sisiw.  Haha.  Ang talino ko talaga.  Excited na akong simulan ang plano ko.

............................................................................................................

ARIS's POV

Nandito kami ngayon ng tatlong kaibigan ko sa favorite hang-out namin, ang school rooftop.  Mahangin kasi dito at tahimik pa.  Solong-solo namin ang lugar na 'to dahil mahirap pumunta dito.  Maaga pa naman bago ang first class namin.  Mukhang hindi maganda ang mood ni Wy.

"Bakit sabay kayong dumating ni Drake?"

Ah... kaya naman pala.  Nagseselos na naman.  Anyway, kaming dalawa lang naman ang nag-uusap dahil mukhang busy sa assignment sila Ez at Al.

"Sa amin siya natulog kaya sabay na kaming pumasok."

"Saan siya natulog?"

"Sa kuwarto ko."

"Sa kuwarto mo?!"  Tiningnan niya ako ng masama.  I love teasing her.  Ang cute niya kasi.  "Ano ba talagang meron sa inyo?"

"Wala.  Mag-isa lang kasi siya kahapon sa bahay nila kaya ayun, pumunta siya sa'min."

Marry You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon