Kabanata 3: Pagtakas tungo sa Kapahamakan

271 4 0
                                    

"Patawad!"

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Paano kita mapapatawad? Sampung taon ako magiging manok! Sino ang hindi magagalit? Habang buhay, hindi kita makakalimutan. At habang buhay hindi rin kita mapapatawad.) Halos kuyugin na ng manok si Luna at tinutuka nito ang kamay na nakahawak dito.

Umiiwas si Luna sa paghahampas ng manok sa kanya. Nabitawan niya nga ito para iharang lang ang braso sa panghahampas ng pakpak nito sa kanya.

"Patawarin mo na ako! Lahat gagawin ko para mapatawad mo na ako." Sabi ni Luna habang nakaharang pa rin ang braso niya sa mukha.

Napatigil naman ang manok sa panunugod. Naramdaman ni Luna ito at unti-unti binaba niya ang kamay habang inaangat ang ulo. Nakita niya na nakatingin lang sa kanya ang manok.

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Anong pangalan mo?)

Nagulat si Luna sa tinanong ng manok. Hindi pa pala sila magkakilala. "Ang pangalan ko ay Luna Burgess."

Sumunod naman ang manok, "Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Ako si Maria Glenda Salvan. Glenda na lang ang itawag mo sa akin.)

"Glenda?"

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Tama. Glenda ang itawag mo sa akin. Di ba kasasabi mo lang na gagawin mo lahat para mapatawad kita?)

"Oo!" mabilis na tugon ni Luna, "Gagawin ko."

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Kung gayon, tulungan mo ako sa aking misyon. Pupunta tayo sa Macrae para kausapin ang isang opisyales. At ikaw ang magpapanggap na ako.)

"Huh? Bakit ako?"

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Di ba nga manok ako! Paano siya maniniwala na ako si Glenda sa kalagayan ko ngayon?)

"Pero hindi ako pwedeng umalis ng bahay kasi magagalit ang kuya ko."

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Ang akala ko ay gagawin mo ang lahat para sa akin?)

"Pero,---"

"Booook! Bok-bok-bok... Bokokok!" (Wag ka nang magpero-pero! May misyon akong kailangan gawin. Hindi talaga kita mapapatawag kapag hindi ko ito matatapos.)

Magsasalita sana si Luna nang biglang dumating ang pinsan niya si Jenny.

"Luna!" hinanap kaagad ni Jenny ang pinsan, buti nasa kusina lang ito kaya mabilis niya itong nakita. Nilapitan niya kaagad.

"Bakit, Ate Jenny?" Nagtataka si Luna dahil sa nag-aalalang hitsura ni Jenny.

"May naghahanap sa'yo na mga kawal."

"Huh?" naalarma si Luna, pati na rin si Glenda.

"Tungkol sa nangyari sa inyo kahapon. Hinahanap nila ang itim na salamangkera na nanumpa ng isang inosente at ginawang manok. Kalat na ang balita sa labas. At may nagsumbong sa mga kawal. May nakakita pa sa iyo na pumasok ka sa gubat. Kaya pumunta sila ngayon dito. Nakasalubong ko sila sa papunta rito. Tinanong nila ako, pero sinabi ko na wala akong alam na may nakatira sa loob ng gubat."

"Anong gagawin ko? Mananatili na lang ako dito sa bahay siguro. Hindi naman nila siguro ito makikita dahil sa ginawang mahika na nakapalibot sa bahay."

"Mali, Luna. Mas lalo kang makikita nila. Hindi ba ang mekanismo ng mahika ni George ay kapag gustung makita, makikita nila ang bahay. Kung alam nilang walang bahay rito, hindi nila ito makikita at ligtas ka rito. Kaso, hindi lang itim na salamangkero ang hinahanap nila, kung hindi bahay sa loob ng gubat. Siguradong hinahanap rin nila ang bahay ng itim na salamangkero."

"Akala ko hindi nila makikita ang bahay na ito." Panlulumo ni Luna.

"Kung hindi nila ito makikita, hindi ko na rin sana makikita ang bahay na ito."

Mika ZukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon