Kabanata 4: Ang bayan ng Macrae

290 4 0
                                    

Bumaba si Luna sa karitela kasama si Prince habang nasa basket pa rin si Glenda.

Nagpasalamat si Luna sa nagpasabay sa kanila hanggang sa Malvina Lake. Buti na lang at may nakausap sina Luna na pwedeng magpasakay sa kanila kapalit ng kaunting prutas. Mga dalawampung minuto pa bago sila nakahanap ng masasakyan, pero kung wala silang nahanap ay hindi na talaga tutuloy si Luna sa balak ni Glenda.

Walang nagawa si Luna noong nagsabi si Glenda na pupunta sila sa kapital. Makipagtalo man siya ay hindi pa rin siya mananalo sa kasama dahil sa kasalanan niya. Kung hindi siya susunod ay nagbanta ito na ipapahamak sa mga naghahanap na kawal at ituturo siya.

Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na biyahe niya ay nakarating sila sa hangganan ng Taggart. Namangha si Luna sa nakikitang tanawin. Ibinaba sila malapit sa lawa na walang tao.

Maganda ang pagka-asul na may halong berde ang kulay ng lawa. Naghahalo naman ang kulay dalandan, dilaw, puti at lila dahil sa dami ng mga nakapalibot na mga bulaklak doon. May mangilan-ngilang puno doon na malalaki at makakapal ang korona. Mahangin din doon kaya naman masarap magpahinga. May nakita rin si Luna na mangilan-ngilan na ibon sa malayo. At sa paglibot pa niya ay may natanaw siyang istraktura. Dahil malayo kaya maliit lang ito tingnan.

"Glenda, ano 'yun?" tanong ni Luna sa kasama.

Napatingin naman si Glenda sa tinuturo nito. "Booook! Bok-bok-bok! Bokokok!" (Ah, iyon ang Ridgell Castle, tirahan ng kasalukuyang Hari at nang pamilya niya.

"Talaga? Pupunta ba tayo diyan?" nananabik na tanong ni Luna.

"Booook! Bok-bok-bok! Bokokok!" (Hindi pero malapit diyan ang pupuntahan natin.)

"Sino ba ang pupuntahan natin?"

"Booook! Bok-bok-bok! Bokokok!" (Isang nobel na nag-atas sa akin sa misyon ko.)

"Ahh." Tango-tangong sabi ni Luna.

Katulad kanina, naghanap sila ng pwede nilang masakyan para makatawid sa lawa. Pero hindi naging mabilis ang paghanap nila. Inabot sila ng mahigit isang oras dahil madalang ang bangka na pwedeng maglayag dito. Saka lang sila nagtanghalian nang makahanap na nang masasakyan. Habang naglalayag ay unti-unti nilang nakita ang palasyo na nakita ni Luna kanina. Hindi niya inaasahan na napakalaki ng palasyo. Nakatingala siya habang tinitingnan ito nang malapit na sila.

Nasa isang burol na naliligiran ng tubig ito. Nasa taas ang palasyo at sa ibaba nito ay maraming butas na nilalabasan ng malinis na tubig. Nagmistulang talon ito at sa ibaba ay nagkaroon ng bula, hamog at natatalsikan na mga patak ng tubig. Maingay sa lugar na iyon dahil sa tubig.

Sa itaas naman ay ang mga gusali na magagara ang desinyo. Stained glass ang ibang bintana na kung hindi kulay puti ay ginto ang iba at simple lang ang disenyo. Kulay cream ang katawan nito at may iilan na kulay ginto. Patusok ang mga kulay ochre na bubong ng ibang gusali. May mga estatwa ng malalaking agila sa tuktok ng bubong ng ibang gusali. Meron ding doon na mga hagdanan palabas ng gusali at tulay na nagdudugtong sa ibang gusali. May mga puno rin sa lugar na iyon at may mga gumagapang na halaman na malinis tingnan.

Sa gitna naman ng palasyo ay makikita ang pinakamalaking gusali na ayon kay Glenda ay doon namamahay ang Hari. Mataas ang pader na nakaharang dito, kalahati nang buong gusali. Sa tapat naman ng palasyo, sa taas ng gusali na pasukan ay may malaking estatwa ng matandang lalaki. May hawak na espada ito na nakababa sa gitna. Malayo ang tingin nito na para bang nagbabantay. Ayon naman kay Glenda ay estatwa ito ng unang hari. Bago makapasok naman ay may mahabang hagdan na kailangang akyatin. Walang hawakan dito at pero mahaba naman ang lawak nito. Sa baba ng hagdan ay ang tulay na nagdudugtong sa bayan at palasyo.

Mika ZukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon