My Song Presents 3: Denny( This I Promise You by Nsync)

275 10 24
                                    

Hi. I’m Denny Alvarez.

Danica Nicole Grace Alvarez for long. Oh di ba masyado akong mahal na mahal ng magulang ko kaya pinahirapan

nila ako sa pagsusulat ng pangalan ko. Imaginin niyo na lang nung elementary ako kapag magsusulat ako ng pangalan para sa exam namin..nagsisimula na magsagot ang mga kaklase ko samantalang ako hindi pa tapos sa pangalan ko...so sweet.

Mas preferred ko ang name na Denny for two simple reasons.

Una, mas madaling tandaan kesa sa name kong sing haba ng San Juanico Bridge.

Second, masyadong girly ang name ko.

Well as you can see my dear friends, i’m not your typical girl.

Hindi ako girly, hindi ako babaeng-babae, hindi ako mahilig sa manika at lalong hindi ako mahilig sa mga shirts at dress. Mas preferred ko ang loose shirts, toy guns at ang pinakafavoite sport ko...ang basketball.

Pero hindi ako tomboy. I know to myself that i’m still a girl. Babae pa rin naman ang puso kong marunong magkagusto sa lalaki. Hindi nga lang talaga ako kumportable na maging “Maria Clara”.

Honestly speaking hindi ko naman kasi kasalanan na maging ganito ako eh. Kasalanan ng parents ko. Akala yata nila si “Crisostomo Ibarra” ako kaya ayun lahat ng laruan ko at mga damit nung bata pa ako puro panglalake.

Ang sabi kasi ni Mommy nung pinaultrasoud daw nila ako ang akala nung doctor eh lalake ako.. hindi ko alam kung paano nangyare yun? Saan nanggaling ang “bird” ko???

Uso na ba noon ang sex change at kahit nasa tyan palang ako eh napalitan na ang kasarian ko?? Kaya ayun lahat ng binili nilang gamit for me eh puro panlalaki. Siguro kung hindi nakita ng daddy ko na inilabas ako ni Mommy sa tummy niya iisipin nun na napalitan ako sa hospital. Pero kahit na medyo dissapointed sila mommy na hindi pala lalaki ang anak nila eh wala naman silang naging reklamo.

Helloooo??? Ang gandang bata ko kaya..hehe.. teka kumikidlat na dito. Change topic na nga tayo.

“Denny, basketball tayo” yaya sakin ng kapit-bahay ko sa village na tinitirhan ko since birth.

“Sige, papaalam lang ako kay Mommy”

“Okay. Sunod ka nalang sa court”

“Geh!”

Dali-dali na akong pumasok sa bahay para magpaalam kay Mommy.

“My! Basketball lang kami nila Joepert ah” naabutan ko sa kusina si Mommy. Nagtatakal ng asukal.

“Basketball na naman? Nagiging negra ka na sa kakalaro mo eh.” Sita ni Mommy sakin.

“My, covered court yun kaya hindi ako mangingitim” katwiran ko naman.

“kahit na ba! Aba naman Danica umayos ayos ka na nga sa buhay mo. Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ka na bata. Highschool ka na kaya dapat umasta ka ng babae noh!”

My Song PresentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon