“Hay naku Em.. sinasabi ko naman kasi sayo tigilan mo ang masyadong pagkausap dyan sa mga pasyente mo at nahahawa ka na sa kanila eh.” Sermon sa kanya ng kapatid na si Celine.
“Ate...kung hindi ko sila kakausapin sino ang kakausap sa kanila?” katwiran naman niya.
“Alam kong may sayad ka talaga sa utak noon pa man Empress pero I can’t believe na pipiliin mong magtrabaho sa isang Mental Hospital? Come on Empress.. you graduated with flying colors.. maraming hospital kang pwedeng pagtrabahuhan but why did you choose Mental Hospital?”
“Simply because they need me”
Siya, si Emily Presea Ibaviosa o mas kilala sa tawag na Empress, 28 years old, single
and very much available ay isang nurse sa isang Mental hospital. Maraming nagtataka sa desisyon niyang doon magtrabaho after she graduate. Pero hindi nalang niya pinapansin ang mga ito. Noong college kasi sila ay nagkaroon sila ng tour sa hospital na iyon at doon niya nasaksihan ang kakulangan ng mga nurses na nag-aalaga sa mga pasyente dahil karamihan sa mga ito ay nangingibang bansa upang kumita ng malaking pera. Well, she didnt need money that much. Mayaman ang pamilyang pinagmulan nilang magkapatid. Dalawa lang silang magkapatid ng ate Celine niya. Kung tutuusin ay mabubuhay sila kahit hindi na sila magtrabaho. But she love her job. Kaya nga after niyang grumaduate at makapasa sa board exam ay nag-apply na agad siya sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Ngayon nga ay tatlong taon na siyang resident nurse ng ospital.
“Ate.. ang tagal ng issue iyan ah.. just leave me alone.. sina Mommy at daddy nga di ako kinuwestyon sa desisyon ko eh.”
“Bakit kaya hindi ka nalang sumunod kina Mommy sa Canada? I heard nangangailangan sila ng nurse dun?”
Their parents are now living in abroad. May ari ng ospital sa Canada ang parents nila.
“Eh bakit kaya hindi mo nalang patahimikin ang buhay ko ate?”
“Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko sayong bata ka” suko ng kapatid niya.
“Ate naman kasi masyado mong pinapahirapan ang sarili mo sa pag-intindi sakin eh..besides bakit ka ba nandito ngayon? Wala ka bang pasok?”
May sariling business ang ate niya. Pero kabaligtaran niya, her sister Celine hobby na yata nito ang magpayaman kaya naman at the age of 32 ay wala pa din itong asawa. Pero may boyfriend naman ito. Thankfully. She’s afraid na tumandang dalaga ang ate niya.
“Gosh! Oo nga pala. Supposed to be i had an appointment with one of our clients. Okay sis.. i’ve got to go.. take care of yourself okay?” at humalik ito sa pisngi niya’t niyakap siya
“I will ate.. thanks sa pagdalaw”
Hanggang sa makalabas ang ate niya ay nanatili pa din siyang nakatitig sa pintuan. It’s been two years since she decided na bumukod ng bahay. At first ay hindi pumayag ang ate niya dahil dalawa na nga lng silang magkapatid at sila nalang ang nandito sa Pilipinas since their parents are now living in Canada. Pero dala ng natural na pagiging persuasive ay napapayag na din niya ang ate niya na bumukod siya.
BINABASA MO ANG
My Song Presents
NouvellesA collection of one shot stories that based or related to songs that will touch your hearts..