OKATOKAT SA OPISINA

3K 28 3
                                    

*OPISINA*

10pm to 2am ang duty ko dito sa opisina.Bale dalawa kaming duty dito.Dito ako sa kaliwang dulo nakapwesto at s'ya naman ay nasa kanang dulo.

Yung ibang ilaw ay inoff na kaya dito na lang sa parte namin ang maliwanag.

Mga 20 minutes pa nun bago mag 1:00 ng madaling araw ng lumapit sakin ang kasama kong duty dito.

" Pre,pwede bang mauna na akong bumalik sa barracks?! Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko."  paalam n'ya sakin.

" Sige pre mauna kana total mahigit isang oras na lang naman at matatapos na din ang duty natin dito." 

" Okey sige..Salamat pre!"  Tumango lang ako sa kanya at tinapik n'ya naman ako sa balikat bago s'ya naglakad palabas ng building.

Dahil sa mag-isa na lang ako dito naboring ako kaya nakaramdam ako ng antok.Umupo ako sa upuan at ipinikit ang mata ko habang yakap yakap ng mahigpit ang baril ko.Medyo nakaidlip na ako nun ng may tumabing ng kaliwang binti ko.Napamulat ako.Pagmulat ko ng mata wala naman tao.Hindi ko na lang pinansin yun baka kasi imaginasyon ko lang.Pumikit ulit ako.Maya maya pa'y may tumabing na naman sa binti ko.

" Bakit pre?!" sabi ko habang nakapikit.Naisip ko kasing baka may naiwanang gamit yung kasama ko kaya s'ya bumalik.

 Iminulat ko na lang ang mga mata ko dahil wala akong naririnig na tugon mula sa kanya.

Pagmulat ko?! Hindi ko naman nakita mukha ng kasamahan ko.Wala naman s'ya.

Tumingin ako sa kaliwa,kanan,harap at likod ko.

WALANG TAO?!!

Sino yung tumabing sa kaliwang binti ko?!

Bigla akong nakaramdam ng takot nun pero pilit ko itong nilalabanan.

After 10 minutes nakarinig akong mga kaluskos na nagmumula sa labas nitong opisina kaya dali dali akong lumabas dala ang baril at flashlight ko.Nag ikot ikot ako pero wala din naman akong nakitang tao kaya bumalik na ulit ako sa loob at naupo ulit.Tinignan ko wristwatch ko.Natuwa ako dahil 15 minutes na lang mag aalas dos na.Matatapos na din ang duty ko!

"Mga Kwentong OKATOKAT" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon