Part 3 - Laro (tagu-taguan)

1.9K 20 1
                                    

" LARO "

[ SAM ]

" Oy! tara laro tayong taguan!" - yaya ni Lala samin.Kalalabas nya lang sa bahay nila kasama ang pinsan nyang si Abby.

Pito kaming magkakaibigan.Si Lala,Abby,Thea,Mico,Enzo,Dandi at ako (Sam).Nasa probinsya si Thea kaya wala sya dito.Dahil sa bakasyon ngayon kaya madalas kaming maglaro.Maggi-grade six na kaming lahat sa pasukan pero hindi namin kaschoolmates si Thea at Mico.Sa private school kasi sila pumapasok eh!

" Sige ba! kaya lang hindi tayo pwede dito sa bahay ni lola maglaro baka kasi mapagalitan tayo." Sabi ko naman.

" Sam,hindi problema yun noh.. Dun na lang tayo sa bahay namin,walang tao dun ngayon!" nakangiting saad ni Abby.Napasimangot tuloy ako.hmp! Kainis din 'tong babaeng to,kala mo kung sinong mabait..tseh!

" Wag na lang sainyo Abs,wala namang masyadong mapagtataguan dun!" Sabat naman ni Dandi.

" Aha! alam ko na *ngiti* follow the leader." Naglakad na si Enzo habang kami namang lima ay nakasunod lang.

Huminto kami sa tapat ng abandonadong bahay.Luma na ito at giba giba na ang ibang bintana at pinto.

" Tara na pasok na tayo.Tiyak na maraming pwedeng pagtaguan jan!" si Enzo na tuwang tuwa at nauna ng maglakad papasok.Nagsipasok na din kaming lima.

" Mag jack en poy na tayo para malaman na natin kong sino ang taya." - Mico

Nag jack en poy kami.Hindi lumaon ay merun ng taya.Si Enzo. "Kung minamalas ka nga naman talaga oo" nakabusangot nyang sabi habang nagkakamot ng ulo.Nakakatawa sya! Kanina lang masaya tapos ngayon nakabusangot na..haha

" Game na." Sigaw naming lima.

Nakita ko pang sumandig sa pader si Enzo habang natatakpan ang mata ng braso nya pagkatapos ay nagsimula na syang magbilang, isa hanggang sampu.

Kanya kanya kami ng takbo para maghanap ng mapagtataguan.Pumasok ako sa isang kwartong walang pinto.Luminga linga ako sa paligid at napangiti ako ng may makita akong closet na kasing tangkad ko kaya binuksan ko ito at dali daling pumasok sa loob at sinara ang pinto.Maya-maya pa ay may humawak sa kamay ko kaya nabigla ako.

" Psssh..wag kang maingay.Andyan na s'ya..Andyan na sya!" Halos pabulong nyang sabi sa taenga ko.Ewan ko ba pero habang sinasabi nya yan e tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan.

Dahil sa madilim dito sa loob kaya hindi ko makita ang batang katabi ko pero kasi kaboses nya si Abby kaya medjo nainis ako.Ang dami dami namang pwedeng pagtaguan tapos dito pa talaga sya napadpad sa napili kong pwesto.

Lalabas sana ako kaya lang may narinig akong mga yabag ng paa kaya nanatili na lang ako sa pwesto ko at hindi na kumibo o nagsalita pa.Baka si Enzo na yan tapos makita pa ako! Ayoko ngang maging taya.

Maya maya pa'y hindi ko na narinig ang mga yabag kaya naisip kong lumabas na.Parang hindi na kasi ako makahinga dito sa loob.Itutulak ko na sana ang pinto ng closet ng biglang may nagbukas nito.Napasigaw ako dahil sa nakita kong lalaking mukhang galit na galit.

" Kahit saan ka magtago..mahahanap kita Misha." sabay hablot sa batang katabi ko.Napatingin ako sa tinawag na Misha ng lalaki at nakita kong nanginginig ang katawan nya sa takot. Akala ko sya si Abby pero hindi pala. Magkaboses lang pala sila.Pero bakit ganun parang hindi nila ako nakikita?!Baka hindi lang nila ako napansin. Dahil sa takot na makita ako nung lalaki kaya nagtago ako sa likod ng lumang upuan.

" Ang galing galing ko talaga sa hide and seek..diba anak?!" sabi nya sa pagitan ng pagtawa.Nakita kong iyak lang ng iyak ang batang babae.Biglang nagbago ang hitsura ng lalaki.Sa tingin ko ay nasisiraan na ito ng bait!

" Pero hindi nyo ako pwedeng iwan ng mama mo..dito lang kayo! dito lang!!" Sigaw nito na nanlilisik ang mga mata habang mabilis na tinalian ang bata.Lumabas ang lalaki at laking gulat ko ng makita ko ang bata na nakatingin sakin at nagsalita sya.

" Tu-tulungan mo ako..tulong..tulu-ngan mooo ako.." Umiiyak nyang sabi.Tutulungan ko sana ang bata pero nakita kong papasok na ulit ang lalaki kaya bumalik ulit ako sa pinagtataguan ko. Lumaki ang mata ko ng makita kong may dala itong baril.

"Magiging masaya na ulit tayo ng mama mo anak." Lumuluhang sabi ng lalaki at itinutok ang baril sa dibdib ng bata at ipinutok ito.Pagkatapos barilin ang bata ay itinutok nya din ang baril sa ulo nya.

Bang..

Putok ng baril ang huli kong narinig at sobrang nanginginig ang tuhod ko sa dalawang taong duguan na nasa harapan ko.

" Waaaaaaaahhh." Sigaw ko.Nagising ako dahil sa pagkakabagsak ko sa semento.Nakatulog pala ako sa loob ng closet ng nakaupo lang.Basang basa ang mukha at damit ko sa pawis.Panaginip lang pala ang lahat.Tumayo at naglakad na ako palabas.Medjo madilim na pala sa labas.Tinawag ko ang mga pangalan ng mga kaibigan ko pero walang sumasagot.

"Ang dadaya naman ng mga yun..iniwanan ba naman ako dito!" Sabi ko sa sarili ko habang mabilis ang mga hakbang palabas.

"Psst..pssst.." Tumigil ako sa paglalakad at unti unting lumingon.Nagsitayuan ang balahibo ko ng makita ko ang bata sa panaginip ko. Papalapit sya sa direksyon ko. Kitang kita kong duguan sya at sobrang maputla din ang mukha nya.Halos himatayin na ako sa takot na nararamdaman ko.

" Sam,kanina kapa namin hinahanap..Sam! *yugyog sa balikat ko*HOY! Bakit ka namumutla?!" -Lala

" Na-na-ki-ta nyo ba yung ba-tang ba-bae?! Du-duguan sya.. A-ayon oh.." nanenerbiyos kong sabi sabay turo sa batang nakatingin lang sakin.

" Anong batang babae?! Oi wag ka namang manakot Sam." - Dandi

" Uwi na nga tayo..bilis!" - Enzo sabay kuripas ng takbo.Tumakbo na din kami at umuwi sa kanya kanya naming mga bahay.

To be continued. . .

"Mga Kwentong OKATOKAT" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon