Continuation- Lumang bahay

2.3K 24 6
                                    

[High four's Point of View]

Mukhang okey naman itong bahay na titirhan namin.Kahit luma na maayos at malinis parin naman.Sabi nila pag luma na daw ang bahay at kapag walang tumitira pinamamahayan daw ito ng mga multo.Naniniwala kayo dun?Pwes ako hindi.

Pangatlong araw na namin dito sa bahay ng magkwento si Lanie ng nangyari sa kanya sa banyo kagabi.Dahil nga sa hindi ako naniniwala sa mga multo multo na iyan kaya pinagtawan ko lang siya at paminsan-minsan ay tinatakot ko siya ng pabiro.Multo?Hindi ako naniniwala diyan.Sa laki kong ito, baka multo pa ang matakot sa akin,pero nagbago ang paniniwala ko dahil sa nakakatakot na karanasang hinding-hindi ko makakalimutan.

Isang gabi bumangon ako sa higaan para bumaba at umihi.Pumipikit pikit pa ako noon dahil sa kaantukan.Pabalik na ako sa kwarto nang makita ko si Lagring na nakatayo sa may bintana at animo'y may sinisilip-silip doon.Hindi niya ako nakita dahil sa nakatalikod siya sa akin.

" Lagring,bakit ka naman andiyan?" Aniya ko pero parang hindi niya naman ako narinig.

" Halika na dito Lagring matulog na tayo." Hindi parin siya tumugon,ni kumibo nga hindi niya magawa.Bakit kaya?

Naglakad ako palapit sa kanya.Hinawakan ko ang balikat niya at unti-unting iniharap sa akin." Ano ba ang nang--"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi si Lagring ang nasa harapan ko ngayon.Nawala ang nararamdaman kong antok at dahil iyon sa nakikita ng mga mata ko sa aking harapan.Naisip kong baka namamalikmata lamang ako kaya ilang beses kong ikinurap-kurap ang mga mata ko pero hindi siya nawawala sa paningin ko!

Lumaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.Nasa harap ko.Nasa harapan ko ang isang babaeng may duguang mukha at may malaking hiwa ang kaliwang pisngi niya.Nanlilisik ang kanyang mga mata at maitim din ang palibot nito.May hiwa din ang leeg niya na maraming dugo ang umaagos.Pagtingin ko sa parteng dibdib niya ay may nakatarak na kutsilyo doon.Bumaba pa lalo ang tingin ko.Mas lalo akong natakot nang masaksihan kong hindi nakasayad sa sahig ang kanyang dalawang mga paa.

Hindi ko alam ang aking gagawin.Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa.Lalo pa siyang lumapit sa akin kaya mas lalo akong natakot.Hinawakan niya ang mukha ko ang hinaplos ito.Nanginig ang buo kong katawan dahil sa takot na nararamdaman hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo at tuluyan ng dumilim ang aking paningin.

Kinabukasan nagising na lang ako sa malakas na pagyugyog sa balikat ko.Maya maya pa'y dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang asawa kong si Lagring.

"High four,bakit dito ka natulog sa may tapat ng bintana?"Nakatulala lamang akong nakatitig sa kanya.."Ano ba ang nangyayari saiyo?"Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.Natamik ako saglit at napaisip.Sasabihin ko ba sa asawa ko o huwag na lang?

" W-wala namang nangyari.Napagkamalan ko lang sigurong higaan ko iyan,"palusot ko sabay turo sa sahig.Umiling-iling na lang si Lagring sa sinabi ko.Napag desisyunan ko kasing huwag na lamang sabihin dahil ayoko namang matakot silang lahat dito.

"Mga Kwentong OKATOKAT" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon