Part 4 - Maligno

2.1K 22 5
                                    

Bonjour..Thank you so much to ilovemywynn sa pag-aantay nitong sunod na story ko.Para po sayo eto..Thank you also to Joshua Lee (Jze1812) sa walang sawang pagra-rate ng mga stories ko..Billion thanks to all of you guys sa pagta-tyagang basahin ang mga horror stories ko! I LOVE YOU all. .*huge hug* XDD

" MALIGNO "

 [ Essa ]

Hingal na hingal ako sa kakatakbo sa masukal na lugar at pawis na pawis na rin ang aking buong katawan.Hinahabol ako ng isang nakakatakot at nakakadiring nilalang.

Hindi ko alam kung anong lugar ba ito kaya hindi ko rin alam kung saan ako tutungo.

"TULONG..TULUNGAN N'YO AKOO.." sigaw ko habang umi-echo pa ang mga sinasabi ko.Parang wala man lang atang tao dito.Wala man lang akong makitang bahay.

Tumigil ako saglit sa malaking puno at nagtago sa malaking ugat nito.Sobrang lakas ng pintig na puso ko dulot ng mabilis na pagtakbong ginawa ko kanina..Maya maya pa'y lumabas na ako sa pinagtataguan ko para tumakbo ulit.Nagbabakasakali kasi akong may makikita din akong bahay na pwede kong mapagstay-an..

Hindi pa ako nakakalayo sa puno ng biglang may humarang sa harapan ko.Isang napakalaking bulto ng isang lalaki.Nakakatakot at nakakadiri ang hitsura n'ya.May malalim at maitim na mga mata,parang nabubulok ang kanyang balat,matatalas ang kanyang ngipin at humahaba din ang kanyang dila.Mayroon din s'yang matatalas at mahahabang mga kuko.

Napaatras ako " Eeeehh...w-wag k-kang lalapit." nanginginig kong sabi habang nagfo-form ako ng krus sa pamamagitan ng aking dalawang braso.Pero laking gulat ko ng hindi man lang s'ya natakot sa ginawa ko kaya patuloy parin s'ya sa paglapit saken..

Tatakbo na sana ako pero mabilis nyang naharangan ang daraanan ko.

Dahil sa sobrang takot nanginginig na ang buong katawan ko kaya napaupo na lang ako sa damuhan.

"TULUNGAN NYO AKO. " paulit-ulit kong sambit.Nilapitan nya ako at dinaganan kaya napahiga ako sa damuhan.Isa isa nyang iniaalis ang saplot ko sa katawan sa pamamagitan ng kanyang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa dalawa kong kamay. " Ahhhhhhhhh" patuloy parin ako sa pag sigaw.

Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko at bahagyang iniyuyugyog ang aking balikat.

" Essa..Essa,gumising ka!" Bigla akong bumangon sa katre.Umupo ako at ikinurap kurap ang aking mga mata.Ang asawa kong si Lito ang nakita ko sa harapan ko.Panaginip lang pala ang lahat?! Pero bakit pakiramdam ko e totoong totoo ang mga pangyayari?!

"Mga Kwentong OKATOKAT" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon