Axs POV.
Andito na kami ngayon sa room. Pero maaga kami pumasok, kasi may test kami mamaya. Mahirap na ayaw namin ng mababang grades. Grade conscious kami kahit puro tulog lang ginagawa ko. Sa bagay kahit di ako mag aaral masasagot ko to. Sus sisiw. Hahahaha!
Andito na si mam...
Pero may kasama sya, not just one but two. Lahat naman kami nakatuon ang atensyon sa harapan.
"Good morning diamond. I want to introduce to all. Your new classmates.....
Guys introduce yourself."Nagpunta naman sila isa-isa sa harapan.
"Hi! I'm Leona Fontanilla. Sana mating mag kaibigan tayo!" Masiglang bati ng dalaga..
"Liander Fontanilla. San kami mauupo ng kapatid ko Mam?"
Woah? Ang sungit naman ng isang to. Tsaka mag kapatid pala sila. Sus di man lang mapamahigaan ni Leena si Liander ng kasiglahan ha. Masahol pa to Kay Steven, eto ata yelo eh. Ang cold ng personality. At least si Steven ngumingiti kahit minsan. Eto Ewan ko....
Nausad naman yung exam namin bukas kasi nga may meeting si mam. Saglit lang kami imemeet.
Pinaupo naman na ni mam si Leona tabi ni Kacie. At mukhang nagkakasundo na sila kasi kanina pa sila nagtatawanan at dahil matanda na yung mam namin di na nya napapansin hanggang makaalis Ito. Habang yung kapatid nya, nasa likod namin katabi si Steven. Kami naman ni Sky nasa harap nila.At tutal maaga naman umalis si Mam. Umalis muna ako sa kinauupuan ko at nagpunta kila Kacie na kasalukuyang nakikipag kwentuhan Kay Leona. Since di pa naman ako inaantok eh, makipag kwentuhan muna ako. Hahahaha
"Uy Axs anjan ka pala. Here upo ka, malalate daw si Mam eh. Mag kwentuhan muna tayo." -Kacie
"Hi! I'm Leona. Your Axs rut? Watta a cool name. Hahahaha"
"Hello! Leona, oo ako yun. Uy Hindi naman! Nickname ko lang yun.hehehehe" mahiya hiya Kong sagot.
"Hahaha. Leona. Her true name is, Alex Xei Sienna aka Axs. Siguro naman gets mo kung bakit Axs?Hahaha " lukaret talaga tong si Myka eh ang harsh, pero dapat Masanay na kayo sa kanya. Hahaha
"Yeah, alam mo ur so cute... Ang sarap kurutin ng pisngi mo. Hehehehe" at talaga naman pisngi agad. Oo alam ko naman na mataba ko.
" Hahahaha. Sana pisngi na lang ako no?"
Nagtawanan na lang kami hanggang sa mapansin ko na yung kapatid nya nakatingin lang sa bintana. Loner? Samantalang ang mga lalaki Kong kaibigan pinapanuod yung nilalaro ni Sky sa phone nya. Mga nagsisigawan pa ang mga Loko. Pero bakit kaya ganun yung kapatid ni Leona? Nakakaawa naman.
Lumipas ang oras. Lunch break na. At heto papunta na kami ngayon doon sa canteen para kumain. Kasama naman namin si Leona. Nang nakarating kami sa canteen agad naman nag prisinta si Sky na sya na lang daw at ang Kambal nya ang oorder kasi may titingnan din daw sila.
"Leona, San nga pala yung kapatid mo? Bakit di mo sya pinasama satin?" Ani ni Myka.
"Oo nga mukhang wala syang kasama" sabi naman ni Jake
"Eh? Ganun talaga yun guys masanay na kayo." Sabi naman ni Leona..
Talaga ba eh, dapat sya ang company Neto dahil kapatidkapatid sya. Di ko naiwasang magtanong..
"Is he a loner?"
Timingin naman silang lahat sakin. Oo alam Kong nagjump to conclusion ako, kasi naman bakit ganun? Nakita ko naman yumuko si Leona.
"Just asking? Kung ayaw mong sagutin Leona. Its Ok to me" sabay ngiti ko...
Mahabang katahimikan, ang tagal naman kasi nila langit. Gutom na rin ako, dapat pala di ko tinanong yun, nagging awkward tuloy yung moment. Tsk...
"Before my brother is not a loner Axs. But nung pagbalik nya galing Canada nung summer vacation nya doon bago kami mag first year. Naging ganon na sya, lagi ko naman tinatanong sila Mom and Dad pero lagi ni lang sinabi na intindihin ko na lang Liander. I keep asking him too kaso lagi lang nyang sinasabi na his ok, na wala daw akong dapat ipag alala. People change lang daw. Pero I'm badly miss my old bro. My little bro na makulit, masiyahin, maharot at higit sa lahat yung bro ko na tinatawag akong Ate." Kita mo naman sa mukha nya bakas ang lungkot.
At nalaman namin na 2 years ang tanda ni Leona Kay Liander. Kaya sila magkabatch ngayon ay dahil nag accelerate si Liander, nung elementary sila. Matalino daw na bata si Liander at masigla. Pero di ko naman na nakikita yung masigla ngayon, ang alam ko lang loner sya.
Dumating na yung Kambal, dala yung order namin. Ayun kumain naman na kami after pumunta na kami sa room. Habang papunta kaming room. May nahagip ang aking mata sa garden.
Si Liander nakaupo sa damuhan, nakasandal sa may puno... Habang naka earphone, nakapikit din sya ...
Di ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya at nawala na din yung mga kasama ko..
Pero mad kinagulat ko nung minulat nya ang mata nya at timingin sa akin....
Shit! Nakakahiya, tumakbo na lang ako... Pero habang tumatakbo ako may sinabi ako sa sarili ko....
"I want that loner to be my friend" sabay ngiti ko..