Axs POV
After 245789years andito na silang lahat. At andito kami ngayon sa sala namin. Nanonood ng movie sabay kain na rin ng mga chicha na dala nila. And guess what itong katabi ko? Kulang na lang makipagpalit ng mukha sa unan. Hahaha
"Axs naman next time dadalhin ko na yung USB ko ha?Magaganda movie dun. Di puro patayan at horror andun, di katulad sayo" ani ni Sky pasilip silip sa Insidious2 na pinapanuod namin.
"Shut up! Di ko maintindihan yung pinapanuod natin eh. Sky umuwi kana nga!" -Myka
Kawawa naman tong si Langit. Hahaha
"Ok, next time na pagpunta nyo dito. Bring ur USB, but be sure that the movie na papanuodin natin is not a Love story. Ok!?" Pagsasalita ko.
"Ok ok axs! :)"
Nagulat naman ako ng biglang nagsalita ang kakambal nya.
"You really hate Love stories huh?"-Steven
Ewan ko dito lagging seryoso, kahit na nagbibiro sya. Poker face pa rin. Pero ngungiti naman sya. Once in a blue moon nga lang. Sanay na kami.
" Yes, u know NBSB here. Hahahaha!" I replied. And I saw in my peripheral vision, na nagsmirk sya. He's quite mysterious huh. Unlike yung Kambal nya, childish hahaha, pero mas to tell u frankly saming tatlong babae Kay Sky kami mas close. Steven? Mas close sya kila Jake and Pat. Pero don't get me wrong friends kami nyan since 1st year. Ganyan lang talaga sya. Hahaha
Natapos na yung movie. Napagdesisyon naman na umakyat na sila sa taas. The Girls nilagay nila ang gamit nila sa room ko, dun sila matutulog eh. While, the boys sa room ni Kuya, nagpaalam naman na ako sa kanya eh. He already knew them especially Steven,nakakalaro nya kasi yun sa basketball dati eh, kaya close din sila. Believe me or not sa kanilang lahat si Steven ang pinaka close nya. Unbelievable ryt? Pero buti pa sila hahahh!
Habang nagaayos sila sa taas.Nagpunta naman na muna ako Kay manang, sya ang nagaalaga samin ni Kuya since nasa abroad sila mama. Uwian lang siya, umaga punta sya dito, tapos before maggabi uuwi din yan, kasi yung pamilya nya naman aasikasuhin nya. Ang bait nya kaya... Kaso yun nga lang konti lang panahon namin magbonding kasi umuwi sya. Close din si Kuya sa kanya.
"Manang! Kamusta po? Medyo marami po ang niluluto nyo ha?" Pansin ko kasi kahit na dito sila kakain,eh marami pa din talaga.
"Kasi nak, wala ako dito ng sabado at linggo kasi dadalawin ko yung kapatid ko sa probinsya eh. Wag ka magalala nak, mga ready to eat na to. Iinitin nyo na lang. Nagpaalam narin ako sa mama at papa mo, nilabhan ko na rin ang damit nyo ng Kuya mo. Kaya wala ka ng aalahanin. " tsaka sya ngumiti sa akin na sinuklian ko naman.
"Ok lang po.Tulungan ko na po kayo manang maghiwa..." Pag priprisinta ko para maaga sya mauuwi.
"Hindi na nak, may mga bisita ka pa sa taas ako na.kaya ko Ito nak" Pag pigil nya. Kahit kailan talaga si manang oh.
"Osige po, pero manang maaga po kayo umuwi ha. Wag nyo na po damihan masyado, marunong naman po yung mga kaibigan ko magluto eh, sila na lang pi paglulutuin ko bukas. Hehehehe"
"Ikaw talaga Axs, napaka pilya mong bata ka." Hahahaha, sabi nya at umalis na rin ako. Pumunta ng taas. Paniguradong nagjajam na yun.
At tama nga ang instinct ko. Niyaya na nila ako, at pumwesto na ako sa aking trono. Ang drumset .bata pa lang ako marunong na ako, Ito ang una Kong napagaralan na instrument eh. Pumwesto naman si Jake sa Bass guitar, patrick sa Lead guitar. At ang aming vocalist na si Steven. At tumugtog naman na kami. Ang 3 Kong natitirang kaibigan, tila'y nagging Audience, sumasabay sa pagkanta ni Steven. Mga loko talaga eh, mga nakataas pa kamay...
Marami-rami din kaminf natugtog. Kaya ang ending eto, 8pm na ngayon pa lang kami kakain. Umuwi na rin si Manang kanina pa. At ang mga bugok sarap na sarap, sa luto ni manang. Maiingit sila, sa manang ko. Hahahaha!
"Sarap talaga magluluto ni Manang"-Jake sabay hawak sa tyan. Busog na busog ha.
" Sana ganyan din yung katulong namin, puro panlalandi lang alam nun eh"-Patrick, bata pa kasi ng katulong nila. If I know type nun si Pat eh, poging lalaki ng mga kaibigan ko na to. Hahahaha
Nagprisinta naman na si Kacie at Myka ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Paakyat na sana kami sa taas ng biglang nagsalita si Kacie....
"Guys, wag muna matutulog ha?!!! We're going to play a game. Masaya to!!!"
Huh? Kacie naman eh, alam ko na naisip mo eh.. May magagawa pa ba ako? One thing I said to my self.....
Valderama's residence, prepare to lose your cleanliness......