#Lolo'sFault

172 16 0
                                    


Ronnie POV.

"Wala naman sgurong masama don diba?" Hindi naka sagot si Lime kaya ako nalang ang sumagot.

"Sandali lang Ryle ha?" Paalam ni Lime kay Ryle.

Naka kunot lang ang noo ni Ryle ng lumapit sakin si Lime, Sina Luke naman nagugulohan.

"Bat mo sinabi kay Ryle?" Mahina pero pa diin ang pag kasabing iyon ni Lime nang makalayo na kami sa kanilang tatlo.

"Ayaw kong maglihim. Tsaka mabuti ng aware sila no!" Preskong sabi ko.

"Sasabihin mo ba sa kanilang nag papanggap lang tayo?" Tanong ni Lime sakin.

"Sa tingin mo pag nalaman ni Ryle na Fake lang ang pagiging mag on natin, papayagan ka nya? Alam ni Ryle na kahit ano mang oras pwede kang ma fall sakin. Dahil lovable naman talaga ako. At baka masaktan ka lang kaya for sure di yun papayag." Pag explain ko sa kanya.

"Yabang talaga!" Narinig kong bulong nya.

"Ano yun?" Tanong ko para klaro.

"Anong-Ano? Wala akong sinasabi no." Pag deny nya.

"Narinig ko yun" Sure naman talagang may sinabi sya.

"Narinig mo pala bat kapa nag tatanong?" Pamemelosopo nya.

"So ganun?" Unti unti tin akong natatawa nong pinipigilan na nyang matawa sya. Cute naman pala talaga si Lime.

"So pano na yung pag papanggap natin?" Sabi ni Lime habang sumusulyap pa sa kinaroroonan nina Ryle.

"Kailangan natin ipakita sa kanila na mahal natin ang isat-isa. Dapat sweet lang tayo. Pag kasama ko sila ikaw lagi ang bukang bibig ko. At dapat ganun karin. Para di nila tayo pag dudahan." Turo ko sa kanya.

"Acting skills! Check na yan!" Sabi nya habang tumatawa parin.

"Loka loka!" Pati ako napapatawa narin.


Mccoy POV.

Pinapanood ko ang reaksyon ngayon ni Ryle. Sobra syang galit na naka tingin kay Lime at R2. Si Luke naman ngayon ang tinitignan ko. Halatang kinikilig na naka tingin kina Lime.

"Ryle! Kung nakakamatay lang ang ganyang tingin pinag lalamayan na ngayon si R2." Pag pukaw ko sa kanya.

"Grabi naman kabilis. Nasa Morgue pa!" Pang babara ni Luke.

"tumigil nga kayo." Salubong parin ang kilay ni Ryle.

"Ano bang ikinapuputok ng butche mo jan? Muka naman silang masaya ha?" Tugon ko kay Ryle. At sakin na lipat ang tingin nyang nakaka matay.

"Kilala mo yang kaibigan mo diba? Tsaka ano bang feeling ni Lime ngayon? Di ba sya nadadala sa ginawa sa kanya ni Nikko?" Pagalit na ang boses nya.

"Ryle Relax! Mag kaiba naman si nikko at R2." Pag sang'ayon naman Luke sakin.

"Relax? Oo mag kaiba sila, si Nikko Bad! Si R2 Worst!" Galit na sabi nya kay Luke at bumalik agad ang tingin nya kay R2 at Lime, na ngayon ay papalapit na samin.

"Ayan na sila, lumalapit na dito" sabi naman ni Luke tapos ay umopo ng maayos at iniwas ang tingin kina R2. Pero si Ryle na katotok lang sa kanila na galit pa ang tingin.

"Ano Lime, sagotin mo ako? Boyfriend mo ba yan." Ma diin na tanong ni Ryle kay Lime.

"Teka lang naman insan, Cool ka lang. Kala mo naman kriminal yung boyfriend ni Lime" pag bibiro pa ni R2.

Truth and DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon