#TADForgetTheDare

130 13 2
                                    

                                                                                      CHAPTER 13



Lime POV.

Nagising ako kanina na kasama si Ryle.

Sweet talaga ng pinsan ko. One of his fact kasi lumaki syang independent. at ayaw
nyang may ka share. Sanay matulog mag isa, kaya nga di ako makapaniwalang tatabi sya sakin.
Ginising ko na sya at sabay kaming na nananghalian. Na kwento na din namin kay kita at Tito ang nangyari sakin sa School at kung ka ano ano nila si R2.

"So.. sya si Shinzo, ang nawawala kung pamangkin?" tanong ni Tito samin ni Ryle.

"Opo dad" sagot ni Ryle.

"May balak kayong sabihin sa kanya ngayon ito? or nasabi nya na ba?" tanong uli ni Tito.

"Ngayon po Tito, sasabihin po namin ni Ryle, alam na din naman po ng mga Alonte yun."
sagot ko.

"Gusto nyo bang samahan ko kayo?" tanong ni Tito.

"No thanks Tito, okay lang po, kami nalang po ni Ryle" sagot ko

"okay sige, mag ingat kayo dun. May aasekasohin din ako sa Company eh." sabi ni tito at umalis din sya agad.

Matapos namin mag bihis ay pinuntahan agad namin si Ronnie sa Hospital. pero wala
na sya don.

"sa tingin ko nasa bahay na sila Lime" sabi ni Ryle sakin, na nag pa kunot ng noo ko.

"Alam mo Ryle, sa sobrang talino ko di ko naisip yun. Ano kaba syempre alam kung nasa bahay na sila no! San ba didiritso yun?" Natawa lang sya at pumasok na sa kotse niya. sumunod din naman ako. pero di ako tumabi sa kanya. nasa likod ako. Passenger seat.

"Bat ka nandyan Lime?" tanong nya pero sa salamin sya naka tingin.

"Why is there any problem? Feel ko maging boss ngayon eh. at gusto kita gawing driver" pang iinis ko sa kanya pero imbis na umimik at nag maniho nalang sya.

"Bilis mo rin mapapayag ha?" Natatawa kong sabi.

"Hindi koto gagawin kung wala along kasalanan sayo. Di pa ako nakakabawi sayo. kaya hahayaan muna kita dyan" naiinis nyang sabi. Natawa nalang ako ng palihim.

After ng kwentohan at tawanan at narating din namin ang bahay nila. Pinapasok naman kami ng Maid dahil kilala nya kami.

"andito ba kayo para kunin si R2?" Si tita na nakatayo sa likoran namin.

"No tita, Hindi po, andito po kami para kausapin siya" sagot ko.

"Oh! may bisita pala tayo?" sakto din naman ang pagdating ni Lolo.

"Lo," sabay na sabi at tayo namin ni Ryle.

"Ma upo kayo, si R2 nag papahinga pa siya." sabi ni Lolo at tumabi kay tita.

"anong gusto nyo?" tanong ni lolo.

"okay lang po kami" sagot ni Ryle.

"So nandito kayo para sabihin kay R2 ang totoo?" tanong ni Lolo.

"opo sana" matapang Kong sagot.

"Lime, alam ko kung ano yung gusto mong mangyari, naiintindihan kita dahil kapatid mo sya. Alam ko gusto mo na syang makasama bilang kuya mo. pero Lime pakiusap wag ngayon." seryosong sabi ni Lolo.

Truth and DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon