TADTheEnding

200 15 2
                                    

AN: this is just the ending of Truth and Dare pero di ng kwento nila. 



Lime POV.

*Nikko Calling*

"Hello, Nikko may gusto akong sabihin sayo" panguna ko sa kanya.

"Lime makinig ka. Nag txt sakin si R2 last text na daw nya yun. Nasa Airport na sya. Isang oras nalang at sasakay na sila ng eroplano. Sabi nya mahal na mahal ka daw nya at babalikan ka daw nya. Tinext ko sya pero di sya nag reply. Tinawagan ko ng ilang beses. Naka patay na ang phone nya." Napa luha na pala ako sa sinasabi ni Nikko.

"Nikko please. Puntahan mo sya sabihin mo. May dapat syang malaman. Sa tingin ko di kami totoong mag kapatid. Haay ewan. Dyos ko di ko alam ang totoo." Na tataranta kong sabi. Habang na luluha na.

"Lime anong sinasabi mo?" Natataranta na rin si Nikko.

"Hindi ko pa alam basta puntahan mo sya. Susunod ako." Yun lang at binaba ko na ang phone ko.

"Lime okay ra ka?" Tanong ni tyang. Tinatanong nya kung okay lang ba ako.

"Tyang. Tinuod ba kung anak ni Mama? (Totoo ba akong anak ni Mama?)" Na gulat sya.

"O dai oy! Tinoud kang anak sa imong mama nganong naka pa ngutana man ka bahin ana? (Oo naman totoo kang anak ng mama mo. Bakit mo naman na tanong yan?)" Di nalang ako nag salita at umalis nalang don. Kailangan kong ma abotan si R2.

kakarating ko lang sa manila ng tumawag si Ryle.

"Lime, di na namin sya naabotan. Naka alis na sila." Halos bagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi ni Ryle.

"Ryle." Yun lang ang nasambit ko. Di ko talaga masabi dahil hindi naman ako sigurado.

"Lime. Okay ka lang ba nasan ka?" Yun lang ang huli kong narinig at agad na nawala ang aking paningin.

Pag ka buka ko ng aking mata nasa loob na ako ng isang kwarto. Kwarto pala to ni Ryle. Na pa upo naman ako. Medyo masakit pa ang ulo ko.

"Lime gising kana pala. Kumusta ang paki ramdam mo. Okay ka na ba?" Tanong nya habang kinakapa ang aking muka.

"Medyo masakit pa ang ulo ko" sagot ko sa kanya. Napa iling naman sya.

"Paano di sasakit ang ulo mo. Eh alas 5 na ng hapon di kapa kumain ng tanghalian! Sandali kukuha lang ako ng makakain natin" sabi ni Ryle pero hinawakan ko agad ang kamay niya.

"Ryle. Si R2, sa tingin ko di kami totoong mag kapatid." Napa lunok naman si Ryle sa sinabi ko.

"Anong pinag sasabi mo Lime?" Naka ngiti pa sya na akala moy nag bibiro ako.

"Itong kwentas" kinuha ko yun sa bag ko. At pinakita sa kanya.

"Anong meron dito sa kwentas? Lime. Sayo to. Ngayon ko lang yan nakita ah." Bat naman ang Liit? Di yata kasya sayo." Sabi nya.

"Naka usap ko ang mama ni R2 dati. Ang sabi niya kamuka ko daw siguro si Ahmber kung nabubuhay pa to. Ang sabi naman ni Lolo. Kamuka ko daw ang asawa niya, ang lola ni R2 nung daw una pa nyang nakita ito nung dalaga pa ito. Kamuka ko daw ang lola ni R2. Tapos sabi ng mama nya nawala daw si Ahmber sa mall. Suot nya ang kwentas na pinagawa pa ng lola nya. Gold na Moon na nag sisilbing letter L. Tapos may star tas i-m-e. Ito yung kwentas na yun. Nakita ko ito sa baol ng mama ko. Sa mga alahas nya." Natulala naman si Ryle sa sanabi ko.

Truth and DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon