14 - Sakripisyo

256 11 2
                                    

Dahil nagrereklamo na ang ilan sa mga kasama ko, napilitang tumawag si Lorraine kay Almira para ihatid ang kanyang minamanehong van sa simbahan ng Santa Cruz, kung saan ngayon kami nakatambay.

"Yaay! Makakalibre kami! Hehehe!" Wika ni Shaira.

Unang beses naman sila nakakapagbisita-iglesia kaya pagbibigyan ko sila. Pero sa susunod...hehehe!!!

Dumaan ang aming van sa Chinatown, ang balwarte sa karamihan na mga Chinoy sa Maynila. Kapansin-pansin na malinis ang kalsada at halos walang katao-tao sa lugar. Sarado din ang mga makalalaking tindahan at establishimyento.

"Pag mga ordinaryong mga araw na dumadaan ako dito, maraming tao ang bumibisita sa mga tindahan na iyan." Paliwanag ni Almira. "Minsan nga di na nakakadaan ang mga sasakyan eh."

Sa gitna ng aming biyahe, napadaan kami sa isang nakabukas na tindahan ng mga pasalubong.

"Uy! Uy! May tindahan doon oh! Pakitigil muna, Almira-senpai." Wika ni Dianne. "Yung mga kasama ko kasi sa bahay, humihingi sa amin ng pasalubong."

Kaya nagdesisyon si Almira na iparada na muna ang aming van sa harapan ng tindahang iyon. Agad na lumabas ang sina Jen, Ruby at Dianne. Sumunod sina Cherry, Kristine at Shaira. Hindi sila magkaugaga sa pagpili ng mga pasalubong, iyan ang obserbasyon ko mula sa malayo. Nagpaiwan kasi ako kasama sina Almira, Oscar at Lorraine.

"Yumi-chan, may ipapabili ka ba sa amin ni Oscar?"

"Ako? Watashi? Etoo....wala naman akong kailangan bilhin, Lorraine-chan."

"Sigurado ka?" Magugutom ka niyan pag wala kang makain."

"Heki! Heki! Kumalma ka lang. Hehehe! Kakayanin ko ito. Di na pag-Semana Santa, nagtitika tayo, ne?" Hindi na pumalag si Lorraine sa paliwanag ko.

Maya-maya ay nakabalik na sa van ang mga bumili. Bale sampung plastik ng pasalubong ang nabili nila. PASALUBONG nga di ba? Pero...hehehe...kinakain na nila ilan sa dapat na iuuwi nila. Hehehe!

Ilang metro lang ang pagitan ng tindahan at ang simbahan ng Binondo kaya ilang sandali lang ang biyahe namin papunta roon. Sa labas pa lang, mukhang matanda na ang simbahang ito. Medyo kita ang mga brick na ginamit sa pagpapagawa nito.

Pero iba pag nasa loob ka, nasa may bubong ang mga obra na nagpapakita ng mga pangyayari sa buhay ng Panginoon. Parang pinapanood ka talaga mula sa itaas. Tapos yung itsura ng altar ay parang replika ng simbahan ng Santo Papa sa Roma. Atsaka nandoon din yung unang santo ng Pilipinas, si San Lorenzo Ruiz. Si Ruby ang nagbasa ng istasyon ng krus sa lugar na iyon.

"Minna, humanda na kayo. Kasi sa susunod na mga simbahan, baka mapanganga kayo sa ganda!" Babala ko sa mga kaibigan ko pagkabalik sa van.

"Nande? Anong mangyayari doon?"

"Secret iyon! Hehehe! Dapat marunong kang maghintay, Oscar-kun!"

Mula sa simbahan ng Binondo, dumaan ang sinasakyan naming van sa iilang maliliit na lagusan na papunta sa pangunahing kalsada. At pagkatapos naming makalabas sa makasaysayang Jones Bridge ay kumanan kami. Sa aming tanawin doon ay makikita ang malawak na damuhan sa kaliwa at mga gusali naman sa kanan. Di nagtagal ay nakapasok kami sa isang gate na may karatulang "Intramuros" hanggang matanaw na namin ang mga simbahan, mga monumento at mga kabahayang sumasalamin sa silang kommunidad na nandito na sa loob ng limang daang taon.

"Wow! Ang ganda!" Nabighani ang mga kaibigan kong sina Kristine, Cherry at Shaira.

Napatigil kami sa harapan ng higanteng kathedral, ang sentro ng simbahang Pilipino. Sa loob makikita ang mga elemento na nagpapatunay siguro ng sinasabi ko. Nandyan ang higanteng kampanaryo na nagpapatugtog ng mga magagandang musika tuwing dalawang oras. Marami ding siyang mga kapilya sa loob, maliban sa mismong simbahan. Atsaka malawak ang kanilang altar, may pintuan pa at ang sentro ng altar na iyon ay isang istatwa ng Birhen. Oo nga pala, ang tayog at ang itaas ng bubong nito, mas mataas pa yata kaysa sa simbahan ng Binondo o San Sebastian.

Yume no Yume: Panaginip Ng Mga Pangarap (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon