40 - Pangako

262 10 3
                                    

"Pitong taon ang nakakaraan, nagtatrabaho ako ng part-time sa ospital..."

Sinimulan ni Oscar ang kanyang kuwento...para patunayan niya sa akin...kung siya nga...ang taong nagligtas ng buhay ko...

"Katulong ako ng isang physical therapist, buong maghapon ko siya tinutulungan. Alam mo, ang dami-daming pasyente namin, na nangangailangan na ipagalaw ang mga kamay at paa, magpagulong ng paralisadong katawan at makalakad ulit, kapalit ng perang sasapat sa aming tatlo ng mga magulang ko..."

"Isang gabi, malalim na ang gabi noong makauwi na ako...at nakita ko...ang aksidenteng pinagsangkutan mo..." Hindi na ako umimik habang isinasalaysay niya ang pangyayari. "Hinihintay ko ang senyas ng stoplight para makatawid ako nang mapansin ko ang sasakyan niyo, siya lang ang tumatahak sa kalsadang iyon noong mga oras na iyon. Nakagreen light naman ang sa inyo...pero...pumasok sa eksena ang isang malaking trak...humaharurot...parang nawalan yata ng preno. Bumangga Siya sa may dulong tagiliran ng kotse, napakalakas na nagpaikot-ikot ng ilang beses hanggang Bumangga ulit kayo, doon naman sa Isang poste sa gitna ng daan. Doon, tumalsik ka mula sa likod ng kotse at bumagsak na nakatihaya sa kalsada..."

"...nasaksihan ko ang lahat...kaya di ko na hinintay ang senyas ng stoplight na tumawid...at napatakbo ako sa iyo...nadatnan kita na bumubulwak ang dugo mula sa inyong ulo...umiiyak ka at naghihingalo...tumingin ka sa akin at sinabi mo...'Ayokojg mamatay! Tulungan mo ako! tulungan...mo...ako...' "

"Nawalan ka ng malay pero hindi ka na humihinga, tumigil ang tibok ng puso mo, at mahina na ang inyong pulso...nataranta ako dahil ako lang ang nandoon sa lugar sa disoras ng gabi. Wala na akong ginawa kundi...iCPR kita...buong pwersa kong itinulak ang dibdib mo para makahinga ka...dahil hindi ako papayag...na sa lahat ng aking natulungan sa aking trabaho...may isa akong mapapatay...dahil sa kapabayaan ko..."

Itinuloy ni Oscar ang kanyang pagkukuwento. "Mabuti't may tumawag ng ambulansya at dinala sa lugar...kahit tumatakbo ito pabalik ng ospital na pinagtatrabahuan ko, Itinuloy ko sa pagCPR ko sa iyo. Pagdating sa ospital, sinusubukan ka naming irevive...pero...walang nangyari...nangilid ang luha ko...nang isusulat na nila ang death certificate mo na 'dead on arrival'...pero...biglang nagsimula muli ang pagtibok ng puso mo."

"Inobserbahan ka ng mga doktor at dineklara na comatose ka...sumailalim ka rin sa surgery...dahil nabili ang ribcage mo...muntikan ka na nga rin mamatay doon eh...pero mabuti't naagapan."

"Nilagay ka sa isang kuwarto...pero wala nagbabantay sa iyo dahil namatay ang mga magulang mo...kaya nagboluntir ako...para bantayan ka...kalapit ng pagbawas sa suweldo ko...dahil responsibildad ko...na obserbahan ang pasyente tinulungan...at niligtas ko..."

"Sa loob ng apatnapung araw, nandoon ako mula umaga hanggang gabi, doon na rin ako natutulog kaya binibisita ako ni inay palagi...inaalok kita ng mga masasarap na pagkain, yung mga binabasa kong mga nobela, kinukwento ko sa iyo...hindi man tayo nagkakilala...noong mga panahong iyon...pakiramdam ko...malapit ka sa akin..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yume no Yume: Panaginip Ng Mga Pangarap (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon