18 - Bulaklak

233 11 4
                                    

"Wow...Yumika...napaka...ganda mo..."

Kakaibang Clarissa Yumika ang nakita ni Oscar ngayong araw: nabalutan ang mukha ko ng kaputian...makulay na kimono at kaakibat nitong parang jacket. O sige, hayaan kong ikuwento sa iyo ang nangyari..

Araw na ng flower festival sa Kyoto...

"Yumi-chan! Yumi-chan! Gumising ka na!" Ang boses ni Oscar ang una kong narinig noong umagang iyon.

"Yaaawwwnnn...mou! Inaantok pa ako....pwede na muna ba akong matulog ng kahit konti lang? Zzzz...." Babad na babad pa rin kasi ako sa kama eh...hehehe!

"Pasensya na sa abala, Yumi-chan pero ngayong araw ang flower festival. At di ba ikaw ang magiging bida ng parada mamaya?"

"Eeek! Sige na nga!" Bigla akong nagising sa narinig kong babala ni Oscar. "Oscar-kun, alam mo na ang protocol!"

"Hai! Masusunod, Yumi-sama!"

Ano nga ba ang protocol na pinagsasabi ko? Well...bubuhatin muna ako ni Oscar papunta sa banyo, tapos habang naliligo ako, inihahanda na rin ni Oscar ang mga damit ko sa labas. Sesenyasan ko siya sa pamamagitan ng pagkatok sa pintuan ng banyo para sunduin niya ako. At pagkatapos niya akong bihisan, viola! Kain lang ng almusal at lalarga na kami! Hehehe!

Nakalabas na kami pagkatapos ng bahay, kasama sina Oscar at Hikari papunta sa kalapit na shrine, kung saan magsisimula at magtatapos ang parada. Masaya kong pinagmamasdan ang pagaspas ng mga puno sa dinadaanan namin habang tinutulak ni Oscar ang sinasakyan kong wheelchair.

"O Yumi-chan! Ang saya-saya ng mood mo ngayon ah!"

"Aba, syempre, Oscar-kun! Excited na excited na ako sa parada! Hehehe!" Sabak kaming nagtawanan ni Oscar habang papasok kami sa shrine. "Pero alam mo, Oscar-kun, sumasaya din ang pakiramdam ko kapag pinagmamasdan ko ang mga cherry blossoms dito sa Kyoto."

"Bakit naman?" Nakangiting tanong ni Oscar.

Kasi natatandaan ko ang pagkabata ko eh..." Nagkuwento ako ng konti sa kanya." Alam mo, noong nagbabakasyon kami nina Oka-san at Oto-san dito, hindi ako makapagpigil na umakyat sa mga punong ito para makapitas ako ng cherry blossoms. Ang gaganda talaga kasi eh!  Pero naku! Palagi akong pinaggagalitan, lalo na't muntikan na akong mahulog! Ang kulit ko no? Hehehe!!!"

Sabay kaming nagtawanan ni Oscar sa aking kwento habang papasok kami ng shrine. Pero nang makapasok na kami...naku...kailangan ko munang maghiwalay kina Hikari at Oscar...kasi maghahanda na ako, magbibihis na ako para sa parada...magbibihis ako bilang isang geisha. Hinihintay na ako ng mga shrine maiden sa may bakuran nito...

"Hikari-san, Oscar-kun, I will go now with the shrine maidens. Just wait me outside, OK?"

"OK, good luck! Ganbatte!"

"Hai! Hehehe! Tumugon ako kina Oscar at Hikari habang sinasamahan ako ng mga shrine maidens papasok sa loob ng templo.

Habang papunta kami sa dressing room ng templo, nakatingin palagi sa akin ang iba pang mga shrine maidens. Naririnig ko sa kanila: "Siya ba ang anak ni Ayumi-san? Wow! Ang ganda niya! Siguro mas gaganda pa siya pag nilagyan na iyan ng make-up at bibihisan..."

Dumating kami sa dressing room, well in Japanese setting: mayroon isang kurtinang puti na kung saan doon talaga ako magbibihis. Nandoon na rin ang lahat ng kinakailangang damit at make-up.

Yosh! Heto na! Nilipat nila muna ako sa isang higaan tapos tinali san nila ako ng damit. Pinalitan nila Ito ng kimono...nilagyan nila ng tali sa may beywang ko...sinuotan pa nila ako ng parang jacket pang-ibabaw. Bibigyan na dapat ako ng make-up, pero lumapit ang isang shrine maiden at nagtanong sa akin...

"Yumi-sama, would you like to invite your friends here?"

"Yes, if it is alright to you..."

Agad na umalis ang shrine maiden habang sinisimulan na akong lagyan ng makapal na make-up. Ilang sandali pa ay dumating na si Oscar sa kwarto.

"Konnichiwa, Yumi-sama!" Bati niya sa akin. "Si Hikari eh...may makalimutan siya sa bahay kaya umuwi muna..."

"Hehehe...Oscar-kun, siguradong magugulat ka sa itsura ko mamaya paglabas ko." Paniniguro ko sa kanya.

"Oo, siguro nga..." Tugon ni Oscar. "Pero alam mo, gusto kong magpasalamat sa iyo..."

"Ha? Hehehe...bakit ka naman magpapasalamat...sa ganitong sitwasyon?"

"Kasi napakapalad ko na makasama kita dito sa Japan. Ina namin ko na kinakabahan ako noong papunta na tayo...kasi...alam mo naman...yung karanasan ko dati sa una kong girlfriend. Pero habang tumagal tayo dito, natutuhan ko na ring makisama sa iyo saan ka man pumunta." Testimonya ni Oscar.

"Ganun ba? Hehehe...Yutaka! Pero isang bagay ang sasabihin ko sa iyo...kalimutan mo na nga yung dati mong syota! Ako na nga ang girlfriend mo di ba?"

"Oo nga pala! Hehehe!" Sabay na naman kaming nagtawanan nina Oscar...demo...

"Achoo!!!"

"Yumi-chan, ayos ka lang ba?"

"OK lang ako! Daijobu! Hehehe!" Wika ko kay Oscar. "Medyo nasobrahan yata ako sa make-up! Hehehe! Hintayin mo na lang ako sa labas. Patapos na ako eh."

"Sige, hihintayin kita." Tumayo na si Oscar at lumabas ng kwarto.

Tapos na ang pagbabagong-anyo, handa na ang lahat, binuhat na nila ako sa isang plataporma na bubuhatin ng mga kalalakihan... magugulat kayo ngayon sa bagong Clarissa Yumika na inyong makikita bilang isang geisha na nagkukulayang sa kanyang kimono, dagdag iyan sa kyut kong mukha! Hehehe!!!

Umarangkada na ang parada...at ang lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Binaba muna ang plataporma para maisakay si Oscar, na siyang papaypay sa akin sa likod. Iikot ang parada sa buong downtown Kyoto, kaya matatagalan siguro kami. Kung sa bagay, ako ang bida ngayon! Hehehe!!!

Mas pinagkakaguluhan pala ako dito sa parada kaysa noong nagtrabaho ako sa maid cafe...pinaguusapan, kinakawayan, pinipikturan. Ako naman, di naman siguro pwede na hindi ngumiti at kumaway di ba? Hehehe! Ganito siguro ang ginagawa ni nanay ko noon. Kung ganun, nasisiyahan din siguro si nanay ngayon. Oka-san...tignan mo ako! Magkasingganda ko na kayo! Hehehe!!!

Gabi na nang matapos namin ang parada at nakabalik na sa shrine, kung saan naghihintay si Hikari dala-dala ang mga damit ko, pati ang wheelchair ko. Binaba na ang plataporma at inaalalayan na ako ni Oscar. Pero...medyo tumagilid ang sinasakyan namin kaya...napayakap ako sa kanya...medyo namula ang mukha ko pero si Oscar...halatang hindi. Sa katunayan...

"Wow...Yumika...napaka...ganda mo..." Tinulak niya ako palayo sa kanya, pero hawak-hawak niya ang balikat ko habang nalulutang siya sa katititig sa akin.

"Hehehe...arigatou!" Nilabas ka ang pinakamagandang kong ngiti sa kanya. "Uy! Huwag natutulala ha? Baka mahulog ako!"

"Hai! Hai!" Masayang tugon ni Oscar habang binababa at inupo na ako sa wheelchair. "Dapat magpicture muna tayo bago mawala ang makeup mo..."

"Hehehe...sige. Gusto mo siguro itong itsura ko ba? Ayee!!! Hehehe!!!"

Mabuti't nasa bulsa ng jacket ang smartphone ko at pinalapit ko ang isang shrine maiden para makalitrato. Pero bago nito...

"Onee-chan, chotto mate desu."

"Bakit? Anong problema, Yumi...kaah!!!" Hehehe!!! Sumakay ako sa likod niya, parang human pyramid.

"Ang bigat mo!" Reklamo ni Oscar.

"Urusai! Ayan na nga yung litrato o! Konting tiis na lang."

"Say cheese!"

"Cheese!!!"

"Hehehe!!! You both are such a lovey-dovey! Hehehe!!!" Reakayon ni Hikari sa mga takbo ng pangyayari sa shrine.

Ayan! Ang una naming litrato bilang magkasingtahan. Siguradong pagpipiyestahan kami, lalo na sina Shaira at Lorraine pag nakita nila ito pagkabalik namin. Ang sasabihin siguro nila: "Sabi ko na ba eh! Nagdadate kayo!" Hehehe! Oo, nagdate nga kami pero ang mas mahalaga...marami kaming mga magagandang kuwento na di namin makakalimutan. Yaay! Hehehe!!!

Yume no Yume: Panaginip Ng Mga Pangarap (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon