21 - Sideline

221 11 1
                                    

Mou! Ang lakas ng ulan! Hindi lang man ako makalabas at makalaro kahit sa bakuran o sa pool! Brrr!!! Giniginaw pa ako! Nangangatal na nga ang mga balikat ko eh...

"Mou! Lorraine-chan! Anong gagawin natin ngayon? Gusto kong maglaro? Dou suru no desu ka?"

"Wala kang magagawa, Yumi-chan. Sobrang lakas na ng ulan mula kaninang umaga..." Tugon ni Lorraine habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.

"Atsaka, sabi sa balita, magtatagal pa ito hanggang next week." Dagdag ni Ruby na kasama namin.

"Mou!" Nilobo ko ng hangin ang bibig ko bilang protesta...sa panahong hindi ko mapapatawad! Hehehe!

Sa mga sandaling iyon, nanaig ang katahimikan...tanging ang ingay ng ulan na humahaplos sa kahit anong bagay na sinasagasaan niya. Haay...

"Aha!!!"

"Eeek!" Ginulat naman ako ni Ruby! "Ano ba naman iyon, Ruby-chan? Dushde desu ka?"

"Di ba magaling na ang mga balikat't braso mo?"

"Hai...Nande?"

"Ayun! Pwede ka na palang maglaro ng tennis!" Masayang wika ni Ruby. "Tuturuan kita kung paano laruin. OK lang ba sa iyo?"

"Aba! Sige! Gusto ko iyan! Hehehe!!!"

Tanda niyo ba yung basement na pinakita ko sa inyo noon? Yung punong-puno ng mga sports equipment at may court pa? Ha! Hindi ko inakala na magagamit ko ito dahil sa pagkabaldado ko. Salamat sa patuloy na ginagawang therapy ni Oscar sa akin. Pero teka...chotto mate...nasaan na pala si Oscar? Di ko pa siya nakikita simula noong nagalmusal kami sa kwarto kanina...anyway...

"Bago ang lahat, Yumi-sama, isanay mo muna yung mga braso mo." Unang payo ni Ruby. "Dapat iswing mo ang mga braso ng ilang beses..."

"Tulad nito?" Pinakita ko kat Ruby ang pagikot ng mga braso ko: paikot-ikot at pakaliwa-kanan pa!

"Wow! Sugoi! Ang lakas-lakas na pala niyan!"

"Hehehe!!! Syempre naman!" Pagmamalaki ko sa aking kaibigang katulong. "Excited na ako! Anong susunod?"

Binigay naman sa akin ni Ruby ang isang raketa...

"Ngayon...kailangan mong gamitin ang lakas ng mga braso mo sa mga pagsasanay at pagsusulit na ibibigay ko sa iyo..."

Hindi ko pala alam na bihasa sa tennis itong si Ruby! Kabisado niya kung anong klaseng mga ensayo ang gagamitin para sa akin:

Ang unang tinuro sa akin ay yung tamang tyempo sa pagtama ng bola, lalo na sa service. Tapos sunod ay yung saktong pagsalo ng bola gamit ang raketa mula sa isang direksyon. Pero yung pangatlo ang pinakamahirap: kailangang mabilis ang reaksyon ko sa bola para makagalaw ang sinasakyan kong wheelchair at kayamanan ang bola. Maraming beses kaya akong namintisan ang bola...o...kung mas malala pa...

"O heto, saluhin mo!" Binato ni Ruby ang Nola papunta sa bandang kanan ko.

"Opo!" Mabilis talaga ang reaksyon ko sa bola...demo...ang problema...palaging natatalisod ang gulong ng wheelchair ko at...

"Ah...ah...aah!!! Umph!!! Aruuuy!!!" Tumatagilid ang sinasakyan kong wheelchair. Hindi naman ako makagalaw dahil sa mga straps ko...

"Ano ba naman iyan, Yumi-sama!!! Ayusin mo!!! Hmph!!!" Eeek! Di ko rin alam na nakakatakot si Ruby pag dinidisiplinahan ako!

"Ha-hai!" Wala akong magawa...dito sa nilalaro namin...si Ruby ang boss ko... "Ruby-chan, hidoi yo! (Grabe ka naman!)"

"Wala akong magagawa, Yumi-sama. Hangga't hindi pa tumitila ang ulan sa labas, kailangan mong maranasan ito, kahit mauntog ka!"

Yume no Yume: Panaginip Ng Mga Pangarap (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon