Earthen Hotel, Room 1034
*telephone ringing*
“Grabe ah, natutulog na yung tao.” Pagmamasungit ko sabay baba ng telepono. Aba! Sarap sarap na ng tulog ko e. Maaga pa kami bukas at puyat na ko kagabi kaya I need all the sleep that I can get. Malapit na ulit ako sa dreamland nung maalala ko na…
“Shit! Di pa nga pala ko pwede matulog dahil wala pa sa kwarto si Kat!” Pagtingin ko sa cellphone ko, ayun, puro texts (re: buksan ko daw ang pinto) at missed calls. Kaso wala akong load pangreply at pangtawag. T.T Dali-dali kong binuksan yung pinto pero wala sa labas si Kat. Hala, nasaan na yun? Pano ko maco-contact si Kat? Kung bumalik yun sa room nila Ica, di ko din matatawagan gamit yung telephone kasi di ko kabisado room number nila. Argh! Di ko pa kasi natanong tapos di naman kami sabay dumating. Sila tanghali nandito na kami halos pagabi na nagcheck in.
Nawala antok ko ah. Nagbasa ko ng iba pang texts, galit si Kat dahil kanina pa daw siya naghihintay na buksan ko yung pinto. Err. After ilang minutes, may kumatok kaya naman binuksan ko yung pinto. Tuloy tuloy na pumasok si Kat di man lang ako pinansin. Aww.
“Kat, sorry naidlip ako. Di ko sinasadya, pagod e.”
Wala pa din. Galit ata talaga. Di bale, baka bukas maganda na mood nito. Makatulog na din.
*telephone ringing*
Aba! Aba! May tumatawag na naman. Si Kat tulog na ata, di man lang pinansin yung telephone kaya no choice ako na sumagot. Ayun, sila Ica lang pala. Punta daw kami dun at may importante daw na sasabihin. Alam mo yung 9:30 pm na kasi? Dapat nasa dreamland na ko talaga. Ginigising ko si Kat para samahan ako pero wala, bagsak na. -.- Buti nalang tinanong ko yung room number nila Ica nung kausap ko kanina.
Pumunta ko sa kwarto nila Ica wearing my bagong gising look. Haha. Nakakatamad na mag-ayos pa. Gabi na naman, tulog na siguro yung mga tao dito. Wala naman na siguro kong makikita sakin.
Room 1046
“Oh ano ba yung importanteng sasabihin at di makapaghintay ng pagsikat ng araw?”
“Init ng ulo. Meron ka ba?” Banat ni Lex, ang effeminate naming kaibigan na kashare ni Ica sa room.
“Wala! Pagod ako at inaantok na. Ano ba kasi yun?” Sabi ko sabay upo dun sa may couch. Parang gusto ko na ngang humiga dun. Tempting.
“Kakatext lang ni Mam Almasco, may mga kailangan daw tayong materials bukas. Tapos we need to submit an output tomorrow na din kahit via e-mail ‘til 7pm. At sorry daw sa late announcement.” Sabi ni Ica.
“WHAT?!”
“You heard it right, girl.”
“Grabeeee! As in! Gabing-gabi tapos materials daw for tom?! Saan tayo kukuha nun e maaga pa bukas. Sheez.”
“Sabi nga pala instead of 7:30 am we’ll meet at 8:30 am so we have extra time.”
“Okaaay, that’ll have to do. Gawa na muna tayo ng plan para lahat ng kailangan mabili tapos mag-aasign ng task para sa output.” Sumasakit ulo ko ng wala sa oras. -.- Tapos goodbye long hours of sleep na talagaaaa.
Tapos na kaming magplano at nag-uusap usap nalang ng may nag door bell. Dahil ako yung pinakamalapit sa pinto, I volunteered na ako na magbubukas. Siguro classmate lang din namin ‘to na magtatanong about dun sa activity tom. Nangarag din siguro sila. Haha.
Kaso mali pala ako ng akala…
Kasi pagbukas ko ng pinto may gwapong tumambad sakin.