Sa isip isip ko, “Parang model OMG!!” Matangkad, maputi, chinito, at may dimples! Yun kasi yung weakness kooooo. Tapos nginitian pa ko.. Pwedeng mahimatay?!
Matapos ko siyang titigan for about 7.5 seconds, narealize ko na nakakahiya pala ko. Bigla nalang akong walang nasabi at tumitig nalang. Kailangang bumawi kaya ayun, ngumiti na lang din ako. Kasi di ko pa din nahahanap yung boses ko. Rawr.
Mag-ngingitian at magtitigan nalang ba kami? :”>
“Good evening, ma’am. Sorry for the disruption at this hour. I’m one of the hotel’s receptionist.”
“Okaay.. so what do you need?” Sabi ko habang pinapapasok siya sa room, sabay tingin kay Lex at Ica kasi ano ba ang nangyayari? Ba’t nandito yung receptionist na not mention ang gwapo? Hihi.
“Naayos na po ba yung naging problem sa rooms?” Tanong ni Ica habang lapit samin.
“Yes, ma’am. That’s why I’m here to personally apologize dahil nagkaroon ng gulo sa reservation ng rooms. I’m really sorry and I can assure you that it won’t happen again.”
“It’s fine. Just make sure wala na ulit bigla biglang papasok at magtataray samin.” Tapos natawa ng konti si Ica. Ako na talaga walang alam sa nangyayari.
“No worries, ma’am. Again, my sincerest apology. I’ll go ahead po.”
Tapos ito ang naging eksena paglabas nung receptionist. Humarap ako kila Ica at Lex sabay sabing, “Crush ko na si Mr. Receptionist!! Those eyes, that smile…” Nagpunta ko sa may vanity table tapos…
“Argh! Ang gulo ng buhok ko! Sana pala nakapagsuklay man langgg!” Inayos ayos ko pa yung buhok ko ng konti pati yung damit ko. Bakit wala man lang pasabi o kaya sign na may makikita kong ganun kagwapo?! Tawa ng tawa si Lex sakin. Aba! Mas matindi pa kaya yan sakin pag may type siyang lalaki.
“Girl, grabe ah, tinamaan ka dun sa receptionist? Bilisan mo kilos, type ko din e! HAHAHA.”
“Tse! Aagawan mo pa ko. Akin si Mr. Receptionist!”
“Di ka naman mabiro. Pagbibigyan na kita dun.” At kumindat pa! Yung bruhang yun talaga. Haha. “Sige na, matutulog na ko, beauty rest para magandang maganda ko bukas ng marami akong makuhang boys. HAHA.” Nag-good night ako kay Lex perohindi pa din ako umaalis ng kwarto nila dahil may mga itatanong pa ko kay Ica.
“Wala ako masyadong naintindihan sa usapan kanina. Ano ba nangyari?”
“Ahh, kasi kanina may babae na sumugod dito. Nagulat nga kami kasi nakapasok siya meaning may susi siya nitong room. Tapos dito daw kwarto niya at tinaray tarayan kami ni Lex.”
“Hala, e ba’t nagkaganun?”
“Nagkamali daw sa reservation. Nareserve yung room na ‘to sa dalawang tao. Yung susi na naibigay dun sa isa pang client yung spare.”
“E bakit naman gabing gabi na ngayon pa nag-apologize si Mr. Receptionist?”
“Nahiya siguro. Yung client kasi na yun nagdedemand na dito niya gusto sa room na ‘to. Kaya kinausap pa kami na baka pwede kaming lumipat pag di napapayag na sa ibang room nalang siya. Basta magulo dito kanina. Buti nga ayos na. ”
“Ahh. Grabe naman kasi yung babae na talagang gusto pa dito?”
“Oo. Natawa na lang kami ni Lex e. Haha.”
“Saka at least dahil sa kanya nakita ko si Mr. Receptionist.” :”>
“Ikaw talaga!”
Nginitian ko nalang siya tapos naghikab ako. Ano ba yan, ng dahil kay Mr. Receptionist napatagal na ko lalo dito kila Ica. “Ica, balik na ko samin ah? Antok na. Good night. See yah tom!”
Yun ang unang pagkikita namin ni Mr. Receptionist. Habang naglalakad ako pabalik ng kwarto, talaga namang.. di mawala ang ngiti sa labi ko.