Class 11

9 1 0
                                    

Narrator 's POV

Saka Lang pumasok si Grayson at Kira sa Auditorium ilang minuto pagkaalis ng grupo nila Kaye kasama si Riley

"Riley, Riley."dirediretso sa pagpasok si Kira at agad hinanap ang kaibigan

"Nasan si Riley?" Baling ni Kira sa dalawang Guro na malapit lang sa pintuan ng auditorium

"Pumunta sya sa Washroom." Sagot ni Ms.Choi

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Mr.Kim

"Pinapatay sila by... Ranking. At si... Riley ang next." Sagot ni Grayson.

Biglang kinabahan ang dalawang Guro. May dumaloy na takot sa dib dib ng dalawa at hindi naman mawawala ang pag aalala sakanila.

Bumuntong hininga ng malalim si Mr.Kim sa stress saka pumameywang at nagsalita
"Gather around, kids!" Nagsilapitan ang mga Special Class ng marinig ang maawtoridad na boses na iyon ni Mr.Kim "Hurry!"

Nang makalapit na ang lahat "Mahahati tayo sa Dalawang Grupo."

...

"Amoy Pangbabae Talaga dito." Sabi ni Jonas ng nakahawak pa sa Ilong

Nakapasok na ang lahat sa siyang Dorm nila Riley, doon nila naisipang magtago.

"Tingnan nyo, sabi sainyo eh. Ligtas tayo dito." Ang kaninang naka Cross ang kamay ngayon ay nasa dalawang bewang at nakapamaywang at tila binibida ang suhestiyon.

"I was Wondering..... Pwede bang manatili ang babae at lalake sa magkaibang kwarto." Mahihimigan ang pag aalinlangan sa Tonong iyon ni Riley.

"Magpapalit ako ng Damit." Kakamot kamot nitong dagdag.

"Hindi mo ba kuha, Stupid! We gotta stick together." Sabi ni Kaye at pinag dikit pa ang dalawang daliri
"Turn around boys!" Utos ni Kaye sa dalawang lalake.

"Magpalit ka lang, who cares!..." Sabi ni Sean inambahan naman ni Kaye ng sapok ito para manahimik."why you.."

"Kalimutan nyo nalang." Tila nahihiyang sabi pa ni Riley.

"Just Changes. Nakita ko yung skirt mo basa." Naasar na si Kaye.

"No, i didnt." Pag dedepensa naman ni Riley sa sarili.

Hindi nila alam naroon si Coby sa harap ng pinto ng Dorm at naririnig ang mga usapan nila

"Saan kami uupo, Kaye?"

"Kahit saan!"

Naka harap si Coby sa Pintong iyon.

"What about us?"

"The floor."

"Oh man!"

Biglang namang tumawa si Coby ng mahina na hindi maririnig na mga tao sa loob ng pintong kahar niya ngayon.

....

Nasa isang kwarto ang Gwardiya at tinitingnan ang bawat kableng putol putol.

.....

Nauuna si Grayson sa paglalakad kasunod si Kira at ang mga estudyanteng kasama sa Grupo nila Ms.Choi ang guro naman ay nasa huli at pumulot ng plywood sa isang nadaanan.

Si Mr.Kim naman ang nauuna sa kanyang Grupo at dahan dahan at maingat ang kanilang paglalakad pababa sa Hagdan.

Nagulat si Mr.Kim at napabalikwas ng tingin sa likod dahil nagkagulo ang mga ito dahilang nadulas ang isa nilang kamagaral.

"Be careful." Sabi ni Mr.Kim ng makatayo ang babae.

Paulit ulit na binubuksan ni Kira ang bawat Locker.

"Anong ginagawa mo?" Tanong sakanya ni Grayson ng makalapit sakanya ito.

"Looking for a Cell Phone." Patuloy na naghanap si Kira ng Cell Phone, kahit kaninong locker ang kanyang binuksan.

"Wag kang umalis ng ikaw lang magisa." Nakahawak sa braso ni Kira si Grayson.

"What you Doing? Come on. Hurry!" Baling sakanila ni Ms.Choi na may hawak na Kahoy.

"Lets go." Kinuha ni Grayson ang kamay ni Kira at naglakad na.

Nasa isang Rooftop si Mr.Kim at may napansin siya na kung ano sa isang pinto na lock.

Binuksan niya iyon.



Nahuhuli sa Pag akyat si Ms.Choi sa Hagdanan. Napahinton siya ng mapansin niyang bumukas ng dahan dahan ang isang pinto malapIt sa Hagdan.



Nakapasok na si Mr.Kim sa kwartong iyon at wala siyang makita gundi ang mga papel na kalat at kung anong mga gamit.


Kinakabahang si Ms.Choi habang papalapit sa nakabukas na Pinto, mahigpit ang hawak nya sa Kahoy.
Nagulat siya ng biglang bumukas iyon.

"Kyahhh!!!!" Walang anu ano'y nahampas niya ang hawak na kahoy.




Biglang napatid si Mr.Kim sa isang bagay na naroon sa Kwartong kinalalagyan nya dahilan ng pagkatumba niya.





Nakangiwing tinatanggal ng Gwardiya ang may pakong kahoy sa kanyang kamay na nakatusok pa sakanyang palad. MaSakit man ngunit kailangang hugitin ang kahoy na iyon, ng makuha na ay walang tigil na pag dugo ang bumalantay sakanila, tumutulo pa iyon.

"Ginawa mo yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kira.

Nagulat din ang iba dahil nga sa walang tigil na pagtulo ng dugo sa kamay ng Gwardiya.

Kagat kagat lamang ang daliri at hindi alam ang gagawin ni Ms.Choi Hindi niya nasagot ang tanong na iyon ni Kira.

Ang Gwardiya naman ay walang magawa kundi tiisin ang sakit na dumadaloy mula sakanyang palad.

"Bakit ka bigla biglang lumalabas diyan." Imbis na paumanhin ayon ang lumabas sa bibig ng Guro, kinakabahan kasi ito at baka may kung anong mangyari sa gwardiya.

"Tinitingnan ko lang po yung mga kable ng telepono....... lahat yun ay Putol." Hirap man ay nagawa namang sumagot ng maayos ang gwardiya

"Pasensya na ah." Sinserong paumanhin ng Guro

"Okay lang po, sino nga ba ang pupunta kundi ang kagaya ko lang. Nag aalala lang po samga Estudyante." Sagot ng Gwardiya. Hindi nito mapigilang ngumiwi dahil masakit na ang kanyang palad.




Kinuha ni Mr.Kim ang nakitang bakal sa sahig. Nag masid masid ito sa paligid na may takot dahil may kung ano siyang naramdamang kakaiba.




7:35 Pm. 6 hours since Dy, Jackson Disappearance


Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon