Class 5

37 3 0
                                    

Narrator's POV

:Saturday, May 24th
Start of a Special Class:

Welcome to Paeton High

Mababasa sa itaas ng Gate na Isinara ng Guwardiya.

"Ilabas niyo na ang mga Cellphone niyo Kokolektahin ko na"

maririnig sa buong klase ang tinig ni Giro. Ang pangalawa sa Ranking.

"Special Class to, kailangan ba talaga?" Wika ni Cassandra kay Giro.

"Sabi sakin ni Devil's Breath" Sabi nalang ni Giro.

Inilabas ni Kira ang Cellphone niya at inilapag sa lamesa habang may hawak na libro.

Dumating si Mr.Kim

"Good morning Sir!" Bati ng lahat na nakaupo at tumango sa Guro bilang pag bigay galang.

Tinanguan din ni Mr.Kim ang mga estudyante at dumiretso sa Teachers Table.

"Go put the Phone's away." Utos ng Guro sa kanyang estudyante. At inilapag ang libro sa lamesa.

"Yes Sir!" Sagot ng Lahat.

"Sick of Studying, right?"  Pag uumpisa ng  Guro

"No!" Sagot ng iba, ang iba ay nanatiling nakikinig.

"But be Proud. Only the elites are here."

Sabi pa ng Guro. Nanatili paring nangongolekta si Giro ng Cellphone.

"Yes!" Sagot uli sakanya.

Napansin ni Mr.Kim ang isang upuan na walang nakaupo.

"Sinong nawawala?" Tanong nito habang nakaturo sa upuang iyon.

"Wala pa po si Taylor, sir." Sagot ni Jackson

"Hindi ko siya nakita buong umaga." Sagot naman ng katabi ni Taylor na si Ellie, ka dorm niya.

"Dadating siya." Sabi na lang ni Mr.Kim sa estudyante habang nakangiti.

"Lets show them what we got." Kompiyansa nitong sabi patungkol sa pagdating ng Eaton High, kinuha nito ang inilapag na libro at ipinatayo iyon.

"Yes!" Sabay sabay na sabi ng Buong Special Class at mahihimigan din ang kumpiyansa sakanila.

"Alright." Huling sabi ni Mr.Kim at umalis na.

...

Lumabas si Giro panandalian upang ilagay sa storage room ang nakolektang Cellphone.

Habang pababa ng hagdan ay may narinig siyang tumatawag sa pangalan niya.

"Giro......"

Napahinto ito sa pagbaba at  luminga sa paligid.

Pumunta siya sa C.R  dahil doon niya naririnig ang isang tinig.

Nadako sa kisame na may hugis parisukat na butas ang paningin niya  nasa loob ito ng cubicle. Unti unting lumapit doon si Giro habang nagtatakang nakatingin doon.

Ng makalapit ay hindi inaasang natumba siya dahilan para malaglag ang mga Cellphone na dala niya. Napahawak siya sa binti niya dahil may kung anong mahigpit na nakatali doon.

....

Pumasok si Grayson sa Faculty room. Hindi na nag atubiling kumatok, sumilip siya doon.

"Bakit ka nandito?" Takang tanong ni Mr.Lee sakanya habang nakaupo ito sa swivel chair at nanunuod.

"Pinapapunta ako dito ni Mr.Kim" Sagot niya dito napokerface at biglang dumating si Mr.Kim

"Oh andiyan kana pala."  Bati dito ni Mr.Kim  habang  may hawak na Baso.

"Morning, sir." Bati ni Grayson sa Guro.

"Ano pong gagawin ko?" Tanong ng binata  sa Guro.

"Nag aral ka sa ibang bansa diba?" nakangiting tanong ni Mr.Kim.

"Opo."

"Nag aral ka?" Sabat naman ni Mr.Lee

"Dapat pasalamatan mo ang magulang mo, papuntahin sa ibang bansa ang kagaya mong loko"  nakataas ang paa sa lamesa nitong sabi.

Hindi na lamang ito pinansin ni Grayson.

"Mr.Lee!" Saway ni Mr.Kim dito.

Tumalikod na lang si Mr.Lee at pinagpatuloy ang panunuod ng Golf sport.

May kinuha si Mr.Kim sa lamesa na makapal na papel at ibinagay kay Grayson.

"Lahat ng yan ay English, can you Organize it?"  Hinging pabor ni Mr.Kim kay Grayson. Tinanggap ni Grayson ang makapal na papel na iyon at tinignan muna bago sumagot.

"Sure!"

"Maupo ka don" Turo ni Mr.Kim sa isang Silya doon na nakaharap sa isang Computer.

Tumango si Grayson at naglakad papunta doon.

Kinuha ni Mr.Kim ang baso niya atsaka humigop ng Kape at bumaling kay Mr.Lee at sa pinapanood nito sa TV  na nasa ding ding ni Faculty.

"Tumigil ka nga sa kakanood niyan."
Lumapit si Mr.Kim kay Mr.Lee at saka tinulak ang Sandalan ng Inuupuan ni Mr.Lee dahilan para matumba patalikod ang Guro.

....

Sigaw ng sigaw si Giro dahil sa sakit ng binti nito. Nag dudugo na iyon dahil sa higpit ng pagkakatali non.

Hinihila siya ng kung sino papasok sa Cubicle kung saan niya naririnig na may tumatawag sakanya.

Pinipilit niya kunin ang isang Cellphone na nasa sahig para may matawagan ito ng Tulong, ngunit hinihila parin siya ng hindi niya kilala.

Nag pupumiglas parin siya sa kakahila ng kung sino. Nadudumihan ng dugo at dumi ng Tiles ang uniporme niya. Nakadagdag naman ang mga dugong iyon para dumulas ang kamay ni Giro at wala siyang makapitan na kahit anong bagay doon.

Sigaw siya ng sigaw doon pero walang nakaka rinig sakanya, dahil narin kakaunti lang ang tao sa Eskwelahan.

Hindi mawari ang takot at ang sakit na nararamdaman ni Giro sa lagay na iyon. Pilit niya paring nilalabanan ang nanghihila sakanya ngunit hinihila parin siya pabalik nito.  Napapakapit na lamang si Giro sa magkabilang gilid ng Pintuan ng Cubicle na iyon pero hindi parin sapat yon.

Naubusan na ng lakas si Giro kakahatak sa sarili kaya nahatak na siya ng kung sinong humahatak sakanya. Hinatak ang binata papasok sa itaas, sa kisame na may hugis parisukat na butas. Wala ng malay si Giro, kaya nahatak na siya ng walang kahirap hirap kahit na may bigat ang binata.

......

Nag uumpisa na ang klase ng Special Class at si Ms.Choi ang kanilang Guro.

"Quiet! Magsisimula tayo sa panonood ng DVD."

Pagsisimula niya sa Special Class.
May TV kasi ang bawat Room sa Paeton pati narin sa Hallway. Bawat madadaanan mo sa Hallway ay May TV. Flat screen iyon na may Sukat na sakto lang ang laki para makita.

"At english ito." Dagdag niya pa.

Patuloy na nanonood ang Special Class ng isang interview. Hindi alam ng Guro na may dalawa siyang estudyanteng nawawala.

Tahimik na nakikinig ang mga ito at paminsan misay isinusulat.

Nakakabinging katahimikan at ang tanging ang pinapanood nila sa TV ang maririnig mong ingay.

.....

Tingnan niyo sa multimedia, ganun ang lagay ni Giro. :)

Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon