Class 1

101 3 0
                                    

Narrator's POV

Tila isang nawawalang bata ang Dalagang nagngangalang Shakira o Kira, hindi alam kung saan pupunta hindi alam kung saan tutungo hindi alam ang kinalalagyang lugar at hindi alam ang gagawin, palinga linga sa isang lugar na hindi niya alam.

Makikita sa lugar na iyon ang mga silyang ginagamit sa eskwelahan,
Iisipin mong katapusan na ng mundo dahil sa itsura ng Lugar na iyon, Nag aapoy na mga papel sa ibabaw na lamesa , sira sirang upuan at nakakatakot na paligid.

Luminga linga si Kira sa paligid, naupo siya sa isang gawi na may Buhangin, hinawi niya ito at tila may hinahanap na isang bagay o kung may mahahanap ba ito

Hindi niya lingid na may isang babae na nakaupo sa isang silya na animoy pinapanood ang bawat galaw niya,

Pinagpatuloy ni Kira ang pag hawi doon at sa hindi inaasahan ay may lumabas na kung sino, natakot at nagulat si Kira kaya napatayo at tumakbo ito papalayo doon. Hinabol siya nito at Parang kabute ay may mga sumulpot pang iba at parang mga Zombie kun g maglakad at hindi maipaliwanag siya ang hinahabol nito,

Takbo ito ng takbo dahil sa mga hindi kilalang Kapwa estudyanteng humahabol sakanya, napahinto siya sa pagtakbo ng makita niya ang babaeng kanina pa nagmamasid sakanya nagtama ang paningin nila at gulat sa nakita dahil hindi maipaliwanag ang Makikita sa mukha nito. 'Kate!'

'Wake up, wake up sleepy head! Wake up!'

"Ouch!" naiusal ni Kira dahil Nauntog ito at dahil narin sa ingay ng bagay na iyon na parang Helicopter na lumipad lipad sa Dorm ng apat na dalagita doon, ang alarm clock nila.

Di rin alintana na nagulat at natakot ito dahil narin sa Masamang panaginip na iyon.

"Hahahahaha! Eh? You Klutz, akala mo ay may Lindol."

Masayang at pabirong bungad ng kaibigan ni Kira na si Riley mula sa taas ng Doble deck, sa itaas ito nakapwesto matulog at sa ibaba naman si Kira, kaya nakadungaw ito sa ibaba.

Hindi parin nakakarecover si Kira sa Sakit ng ulo nito dahil nauntog, kaya hindi nito tinugon ang sinabi ng kaibigan at patuloy sa paghimas sa ulo niya.

"Huh? Bakit pawis na pawis ka?" Takang tanong nito kay Kira.

Hindi niya nasagot ang tanong ng kaibigan, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

Babangon na dapat si Kira ngunit may nakita siyang pulang mantsa sakanyang hinihigaan.

"Ano?" tanong uli ng kaibigan ngunit hindi niya ulit ito nasagot dahil saka niya lang napagtantong kung bakit siya nakakaramdam ng kakaiba.

"Ugh! Damn Period! Wag naman sana ngayong Huling Exam. Ang daming Dugo."

Parang batang nagmamaktol si Kira habang sinasabi iyon,

nakababa na mula sa itaas si Riley upang tingnan ang kaibigan.

Tumayo na si Kira at naghanap na ng Napkin upang kanyang Gamitin.

"Meron kapa bang Pads?"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nag sisipasukan na ang mga estudyante sa Paeton High, ito ang huling Exam nila o Midterm

May isang Ginang na nakatakip ang mukha at halos hindi makita ang kanyang mata dahil nakasumbrero ito, meron itong pina mimigay na papel sa mga estudyanteng nagdadaan. Kinukuha ito ng mga ilang estudyante ngunit itatapon din sa harap nito. Napapaupo na lamang ang ginang sa pagod at sa mga inaasta ng mga estudyante.

"Halika dito,Ang iksi naman ng palda mo!" Saway ni Mr.Lee sa isang Dalagita, tumungo na lamang ito, pinatabi ito ni Mr.Lee.

"At ikaw!" Tukoy niya sa lalaking naka-earphone. Ngunit hindi ito narinig. Pinalo niya ito sa ulo ng hawak niyang Stick kaya natinag ito.

"Anong pinapakinggan mo?" Tanong nito sa binata ngunit kamot ulo lang ang naging sagot sakanya.

"Today is the last day of our midterms. Good luck, everyone!"

Maririnig sa buong Eskwelahan ang tinig naiyan.

Kakatapos lang ni Mr.Lee maireport ang kaniyang resposibilidad na mag obserba.

"Morning!" Bati ni Mr.Lee kay Mr.Kim pagkarating sa Faculty at tumabi sa abalang si Mr.Kim

"That stinks! Ilan ang nainom mo?" Baling na tanong ni Mr.Kim kay Mr.Lee

"A Lot, Thanks to you Mr.Kim, iniwan mo ko sa Ere." usal ni Mr.Lee kay Mr.Kim na animoy nanunumbat

"Nanatili akong nire-rewiew ang mga tanong sa exam, at nakapagod to"sabi ni Mr.Kim dito at pinagpatuloy ang kaninang ginagawa.

"You really go overboard with exams, Kopyahin mo na lang ang test ng iba."

"Nag iiba ang rankings ng mga student kahit 1point lang ang pagitan, kailangan nating magingat."

Sabi na lang ni Mr.Kim sa kapwa guro, naintindihan namam iyon ni Mr.Lee kaya hindi na ito umimik pa.

"Morning, Ms.Choi" Bati ni Mr.Lee kay Ms.Choi na kapwa guro din nila, dumaan kasi ito sa likod nila papunta sa kanyang Lamesa. Lumingon naman si Mr.Kim dito, senyales na pagbati rin.

"Good Morning." Tugon ni Ms.Choi sa Dalawa at tumango na lamang ito, seryoso ito at walang makikitang ngiti o saya.

"Hindi ko pa siya nakikitang tumawa kahit isa." Wala sa sariling nasabi ni Mr.Kim pagka alis na pagka alis ng Guro.

......

Short Update
@Just_Khaye

Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon