A/N: Wala pa ring nagbabasa neto. I'm so hurt. Chos.
Dedicated to: TheMysteriousGal kasi request niya. Haha. Follow her. She's nice. Eww. Hahah joke.
PS: 5 Votes for the next chapter. Para alam ko kung may nagbabasa.
BABALA: May mga words dito na baka hindi niyo magustuhan. (Like mga mura, etc.) Please, wala pong personalan. Kahit ako hindi madalas magmura. Hindi po mabait ang character ni Elique dito, pagpasensyahan niyo na siya. Lol.
--<3
Chapter Two.
Elique's POV
"Sh!t."
"Sorry po ma'am. Traffic po talaga dito tuwing ganitong oras." Tinignan ko yung relo ko. It's 1:00 pm. Dapat pala sumabay na lang ako kay Zeejae kanina. Edi sana nakauwi na ako ngayon at nakababad sa bathtub. Kasalanan ito ni Zeejae e! Kung sana hindi niya ako pinaunang umalis, hindi ito mangyayari.
Aish! I hate waiting!
"Anong sorry?! Mababalik mo ba yung nasayang kong oras dito sa taxi mo? Ha?" pasigaw kong sabi sa kanya. Nakakainit ng ulo. Kumukulo na naman yung dugo ko.
"Ma'am, sorry po talaga." Iyon na lang yung nasabi niya.
"If you're really sorry, humanap ka ng ibang daan! Common sense!"
"Ma'am. Sorry po wal--"
"Ano?! Don't tell me walang ibang daan?"
"Ah..eh."
"Argh!" Dumukot ako ng pera sa pitaka kong kulay violet. Inabot ko ito sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Nag-cross arms ako.
"Paolo p-po."
"Pablo?" Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita dahil nasa backseat ako.
"Eh, P-paolo po. P-paolo R-rivera."
Lumapit ako sa tenga niya at bumulong."Be ready. I'm gonna fire you...soon."
"M-ma'am huwag po! May limang anak po ako. Lahat po pinapaaral ko blablabla." Ano ito? Autobiography? Hindi ko na lang siya pinansin. Binuksan ko ang pintuan ng taxi at lumabas na.
Sh*t. Traffic.
Pumunta ako sa gilid at naaninag ko sa malayo yung The Cafe. Hindi ko naman na kailangang sabihin kung ano yung The Cafe, 'no? Sa pangalan pa lang ng lugar na iyon, malalaman mo na kung ano siya. Maliban na lang kung wala kang common sense.
Tumakbo ako papunta roon pero biglang naputol yung takong ng high heels ko. Shit. Kung hindi nga naman ako minamalas ngayon.
No other choice tuloy ako. Tinanggal ko yung heels kong ang design ay galaxy at naglakad nang nakapaa. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga tao na nandito. Kung hindi sana tatanga-tanga yung Paolo, hindi ako pinagtitinginan ng mga tao ngayon sa daan! Kasalanan ito nung driver na iyon eh!
Gusto kong pinagtitinginan ako pero hindi sa ganitong sitwasyon. Gusto ko kapag tumitingin sila sa akin, humahanga sila! Hindi yung ganito.
Pumasok ako sa The Cafe at umupo sa isa sa sa mga upuan. Common sense! Alangan sa table.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Buttler Lee. Obviously, buttler ko siya. And isa pang obviously, lalaki siya. Buttler nga eh. Tch.
"Hello?" sabi nung sa kabilang linya.
"The Cafe near Shihaya Mall. Exactly, 1:30 pm. Bring my favorite heels."
"Okay ma'am."
Matagal ko nang katulong si Buttler Lee. Parang ama-amahan ko na siya kahit madalas ko siyang sungitan. Since kasi nung four years old ako, kilala ko na siya. 24 siya nun, bata-bata pa. Akalain mo yun, 13 years ko na siyang buttler. I won't do the Math. Solve his age if you want.
"Hindi ka ba bibili, Miss?" isang babaeng may curly'ng brown na buhok ang lumapit sa akin. Hanggang balikat lang ang buhok niya. Maputi siya pero mas maputi ako. Maganda siya pero mas maganda ako. Tss.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang worker siya dito dahil sa uniform niya. Nakakulay blue siyang shirt at white fitted pants which is yung suot din nung ibang workers dito.
"Mukha ba akong bibili?"
Tumingin siya sa taas at huminga ng malalim. "Aba, matapobre." Ako pa ang matapobre ngayon?! Worker lang siya dito, kung makasagot akala mo, aish!
Napangiti ako. May naisip kasi akong kalokohan.
Inirapan ko lang siya at hindi pinahalata yung inis ko. Sa mga bagay na ganito, ang unang bumigay, siya ang talo.
Tumingin siya akin nang masama."Kung hindi ka bibili, ano pang ginagawa mo dit--"
"Water please." Sabi ko habang nakatingin sa labas since see through naman ang salamin dito. Ayaw kong tumigin sa kanya. Baka mamaya, masabunutan ko siya sa inis.
Hindi na siya nakasagot pa at kinuha na lang yung order ko. Hindi na siya nakapagreklamo pa. Yes! First step, win! Haha.
"Eto na." Binigay niya yung tubig pero inirapan niya ako. Tumalikod siya sa akin na mas lalo ko pang kinainis. Nanginginig na ako sa inis, swear. Hindi pwedeng ganito lang.
Aish! Hindi ako nagpapatalo sa ganito.
"Hey Miss." Lumingon siya.
"Wh--Oh my gosh!" O my gosh talaga! Binuhusan ko lang naman siya ng tubig. Haha. Second step, win.
Naramdaman ko na lang na nag-buzz yung cp ko, siguro si Buttler Lee na iyon. Kinuha ko yung cellphone sa bag ko at titignan ko na sana yung message pero biglang tinabig nung babaeng echusera yung kamay ko. Nabitawan ko yun kaya naman nalaglag ito. Nagkawarak-warak ang cellphone kong binili pa sa Paris nung nagvacation ako doon last week!
O my gosh! This girl is really making me angry!
Tinignan ko siya ng masama. Nakakamatay na titig. The one that only Queen Elixara Alcantara Zamora can do. My name says it all.
Biglang may lumapit sa amin na lalaki kaya nawala ang atensyon ko sa kanya. Infernes, gwapo. Singkit ang mata. Matangos ang ilong. Mapupula ang mga labi. Maputi. Medyo magulo ang buhok na kulay brown. Hindi ba't gwapo?
Nalipat ang tingin ko sa suot niya. Nakablueng shirt siya at gray pants. Eww nga lang ang style. Baduy. Ayy, wait. Worker din ba siya dito? Totally not my type. Pero ang gwapo niya talaga eh. Sige na nga, my type. Argh, medyo.
"Oppa!" Bigla kong narinig na sigaw nung babae kanina. Anong oppa? Oppakan ko kaya siya? Argh. Arte!
Kumapit siya sa braso nung lalaki at yung lalaki naman nagpalandi! Aba, malandi pala tong lalaking to eh! Totally not my type!
Ngumiti siya dun sa babae. Ang gwapo, shet. Totally my type.
May inabot siyang basong may laman na malamig na tubig dun sa babae. Nginitian lang siya nito.
Bago pa ako macurious kung anong gagawin nila doon, bigla akong binuhusan nung babae!"Arghhhhhh! What the hell?!" Kinakalaban ba nila ako? No! I'm gonna fire them!
"That's the payment for what you did to her." Galit na sabi nung lalaki. Aba, feeling niya ba superhero siya?!
Nag-buzz yung cellphone ko pero hindi ko ito pinansin. Lumapit ako sa isang babaeng nakaupo sa gilid at kinuha ang iniinom niyang tubig.
Binuhos ko yung tubig sa mukha nung lalaki."F*ck!"
Ngumiti ako ng nakakaloko. "That's the payment for what you did to me."
He's totally not my type.
Lumabas ako ng The Cafe nang basang-basa.
BINABASA MO ANG
She's Not That Evil
RomanceMagkapatid na nag-aagawan sa trono. Isang inaagawan. Isang nang-aagaw. Parehas matapang. Parehas ayaw magpatalo. But believe it or not, the other one is not too evil. Yes, she's not that evil.