Chapter Five.
"Today's my birthday, too." Mahina kong sabi sa kanya. Poker face lang ako. Hindi ako masaya na birthday ko, puro malas ang nangyari sa akin. And now, I'm stuck with this kid.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pagkatapos, humarap ulit siya sa harapan.
"Okay." sabi niya habang nakapoker face rin. !@#$%
Leche! Akala ko pa naman babatiin niya ako! Argh! Sana hindi ko na lang pala sinabi. Bwiset!
Bago ko pa siya masakal sa isipan ko (ulit), may dumating bigla na babae. May kasama siya na pulis na nagstay lang sa gilid. Hindi kaputian yung babae, pilipinang pilipina. May suot siyang plain na black t-shirt na nakafold sa magkabilang braso at maong shorts. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok na bagsak na bagsak. Matangos ang ilong niya at pinkish ang mga labi, dahil siguro sa lipgloss. Naka-doll shoes siyang itim rin.
Tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa.
Sabay irap. Mas maganda pa ako! Tss.
"Shin! Naku, ikaw talagang bata ka! Ang dungis-dungis mo na. Saan ka ba nagpunta?" Lumapit yung babae sa batang katabi ko at hinawakan sa braso. May kasama naman pala siya eh! Bakit sa akin pa siya nagpabili ng ice cream? Bwiset. Pati ba naman bata, pineperahan ako? Tch.
Yumakap yung bata dun sa babae.
"Waaaaaaa." Bigla na lang itong umiyak. Ako naman sitting pretty pa rin. Ayokong makisali sa usapan nila 'no. Madamay pa ako.
"Sa susunod, huwag kang lalayo sa akin! Paano kapag nawala ka? Paano kapag may kumuha sayo. Teka, nasaktan ka ba?" Kinalas niya yung pagkakayakap nung bata at lumuhod para mapantayan ito. Chineck-check pa nito si Shin. Bakit kaya? "Buti naman at wala kang galos."
Ah. Yun pala iyon. Sorry naman daw. Wala naman kasing nag-aalala sa akin noong bata ako. Walang nagtatanong sa akin kung may galos ako o wala. Kahit makidnap pa ako, wala pa ring pakeelam ang mga magulang ko. Noong ngang huli akong nakidnap, ako pa yung sinisi. Kesyo daw ano na lang sasabihin ng mga kasosyo nila sa negosyo, na pabaya silang magulang? Sh*t. Hindi ko naman gustong makidnap 'no!
Teka, ba't napunta ako tungkol sa akin? Tss.
Patuloy lang ito sa pag-iyak. Bakit ba siya umiiyak kung nahanap na siya nung kasama niya? Kanina nung nawawala, ngumingiti. Ngayon namang nahanap na, umiiyak. Tss. What's wrong with this kid?
"Saan ka ba talaga nagpunta, ha? Alalang-alala ako sa iyo, e!" Hay nako, ang drama naman dito! Makaalis na nga lang. Maggagabi na kaya! Siguro naman hindi na traffic ngayon,'no. Magtataxi kasi ako. Ayokong sumabay kay Jomar, marape pa ako. Alam ko namang may hidden desire siya sa akin. Hindi ko naman siya mafire-fire kasi daw sabi ni Daddy, sumosobra na raw ako, blabla. Ano namang pakeelam nila! Bwiset. Kapag ako narape, bahala sila! Actually, si Jomar talaga iyong driver namin, mas gusto ko lang na sumusundo sa akin sa Buttler Lee. Mas may tiwala ako sa kanya e.
Tumayo na ako at nagpagpag. Maka-tsupi na nga lang. Bahala silang magdrama diyan. Leche. Ayaw ko ng batang umiiyak. Naiirita talaga ako, swear.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo nang bigla itong nagsalita.
"Shwis w-with m-me! Waaaaa!" Hindi malinaw yung pagkakasabi nung bata dahil sa nagsama niyang luha at uhog. Eww. Pero ang pagkakaintindi ko na sinabi niya ay "she's with me". Aba, dinadamay pa talaga ako neto!
Lumingon ako at hindi ko inaasahan ang masamang tingin sa akin nung babae. Makatingin naman ito! May kasalanan ba ako sa kanya?!
Tinignan ko rin siya ng masama. Anong tingin niya sa akin? Pipitsugin?
"Miss, dito ka lang." may diin na sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin ng masama.
Huminga ako nang malalim dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya."Inuutusan mo ba ako?"
"No. But you have no other choice."
Napakunot ang noo ko. "What?! Hey, FYI, I have three choices. First--"
"I don't care." F*ck. Kinakalaban ba niya ako?!
Bwiset kasi yung batang iyon eh! Pinapahamak niya ako!
Hindi na ako nakapagsalita pa. No way! Hindi pwede to! Parang namamanhid yung dila ko.
Binuhat niya si Shin na medyo tumahan na sa pag-iyak at sinabihan yung pulis na bantayan ako. Umupo na lang ako sa ulit sa bench. Okay, fine! I'll stay but I swear gagantihan ko siya! Wala pang nang-uutos sa akin ng ganyan sa buong buhay ko! I'll be her karma!
Pinanuod ko lang siyang maglakad palayo habang buhat-buhat yung bata. Sinakay niya ito sa isang tricycle (eww, wala man lang ba silang car?) at bumalik sa akin. May binulong siya dun sa pulis. Tumango-tango naman yung pulis.
Bwiset! Kung maguusap lang naman sila, bakit dinamay pa nila ako. Hindi ko naman matawagan si Buttler Lee dahil iniwan ko na ang cellphone ko kanina sa The Cafe nung nagkawarak-warak ito. Wala na yun silbe sa akin. Bibili na lang ako ng bago. Tss.
Tinignan nila akong parehas at umiling-iling. Tinaas ko ang isang kilay ko."Why are you looking at me like that?"
"Sa presinto ka na magpaliwanag."
Halos isang minuto pa bago magload sa utak ko yung sinabi nung pulis.
"WHAT?!"
Mommy! Daddy! Swear, sa buong buhay ko, ngayon ko lang sila tatawagin.
--
"WHAT?" Iyon na lang ang nasabi ko. Nandito na kami ngayon sa presinto daw kuno. I don't really know! Ngayon pa lang ako nakapunta rito, 'no!
Birthday na birthday ko, makukulong pa ako?! Wow. Unbelievable. Ano bang ginawa ko?! Bwiset! Kung dahil ito sa mga sinesante ko sa trabaho, edi bibigyan na lang ulit namin sila ng work. Huwag lang nila akong ikulong! Madudumihan pa ang pangalan ko!
"Bakit mo kinidnap yung bata?" sabi nung pulis.
Tumawa lang ako nang malakas. Hindi ako makapaniwala! Matapos kong ilibre ng ice cream si Shin, ilalaglag niya ako! FYI, hindi ko siya kinidnap! Mukha ba akong kidnaper?!
Napatayo ako dun sa upuan."I can't believe this! Do you know who I am, old man?!" sigaw ko dun sa pulis.
Siya naman yung tumawa nang malakas. Bwiset! Inaasar niya ba ako?
"Sino ka nga ba, miss?" Tinignan niya ako nang masama.
Huminga ako nang malalim. I don't think maniniwala siya sa akin kung mainit ang ulo ko. Umupo ulit ako at pinilit kumalma."Hindi ko siya kinidnap, okay? Binilhan ko pa nga siya ng ice cream eh!"
Ngumiti lang siya. Creepy, err.
"Yun na nga! Sa wakas, umamin ka rin! Binilhan mo ng ice cream yung bata kaya naman sumama siya sayo! Akala mo siguro matutuloy yung plano mo, 'no?"
Napaface palm na lang ako."Hindi nga sabi! Bobo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na talaga. Ang bee ow bee ow (you know I mean) naman kasi ng pulis na 'to. Magsasabi na nga lang, mali-mali pa!
Hindi makapaniwala yung pulis. Feeling ko nga umusok ang butas ng ilong niya at ang tenga eh. Oh no!
"Mario! Ipasok mo na 'to!" May lalaking humawak sa dalawang braso ko at pinilit akong hilain patayo.
O geez. My life is f*cked up.
Really.
![](https://img.wattpad.com/cover/6845628-288-k186417.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Not That Evil
RomantizmMagkapatid na nag-aagawan sa trono. Isang inaagawan. Isang nang-aagaw. Parehas matapang. Parehas ayaw magpatalo. But believe it or not, the other one is not too evil. Yes, she's not that evil.