A/N: Pasensya na talaga kung hindi ako nag-online ng matagal. Nakalimutan ko kasi yung password ko eh. Funny, right? Ulyanin na ako. Haha.
Dedicated to: chasingHisheart kasi siya yung pang-apat na nag-post sa M.B. ko. Yehey!
PS: Hindi ko ito inedit e. Eto pa rin yung nakasave sa "my works" ko a year ago. Pasensya na po.
--<3
Chapter One.
Elique's POV
"Let's all welcome! Our one and only queen!" Nagsigawan ang mga tao. Gustong-gusto nila ako. Syempre, ako pa. Ang dami-dami ko kayang pera. Mwahaha.
Naglakad ako sa red carpet na may suot na itim na gown. Ang ganda-ganda ko talaga. Para akong kinakasal pero black ang theme ng wedding. Weird. Pero ayos lang, I love black.
Ang isa pang weird ay nasa simbahan ako pero ang nasa dulo ay hindi pari, kundi dalawang malaking kulay gold na upuan. May nakaupo sa isang upuan na lalaki pero sa kabilang upuan naman ay wala. Unang kita ko pa lang, alam kong nakalaan na yun sa akin.
Tumitig ako doon sa lalaki. Ano ba yan! Panira! Blurred ang mukha niya. Pero kahit na ganun, alam kong ang gwapo-gwapo niya. Para siyang prinsipe. Ay hindi pala, para siyang hari. Ako kasi ang reyna!
Habang papalapit ako ng papalapit sa upuan, mas lumalakas ang sigawan ng mga tao.
Ayan na, ayan na. Naglalakad na ako sa stairs. Maikli lang naman ito. Mga tatlong palapag.
Inilahad ng aking hari ang kamay niya para alalayan ako nang biglang may tumulak sa aking babae. Nakaputi siyang damit. Parang wedding gown rin. Kinuha niya ang kamay ng aking hari at nginitian lang siya nito. Parang nag-slow motion ang lahat nang umupo siya sa aking trono.
Anong nangyayari?! Mang-aagaw! Akin lang ang hari ko! Akin lang ang trono ko!
Hindi pa rin nagbabago ang sigawan ng mga tao. Malakas at maingay. Lumingon ako sa kanila at nagulat nang biglang nagbago ang kulay ng mga damit nila. Imbis na itim, naging puti. Kasing kulay nung damit ng babae.
Humarap ulit ako dun sa babae. Blurred din ang mukha niya pero alam kong nginitian niya ako na nagpakilabot sa akin. Hindi yun ngiti eh! Ngisi yun!
"This is my throne."
Isang sentence, four words na nagpaulit-ulit sa isip ko.
"Hindi!! Akin lang ang trono ko!!" sigaw ko.
"Asa ka! Mwahahahahaha!" Nageecho ang boses nya sa tenga ko. Paulit-ulit.
Nooooooo!
"Hey! Elique! Wake up!" Napabalikwas ako ng bangon. Unti-unti kong minulat yung mga mata ko. Ramdam na ramdam ko yung pawis sa likod ko.
"Bad dream again?" Zeejae asked.
"Ahh...Yeah." I answered habang umuupo. Saglit kong nilingon yung paligid.
May kalahating cake sa lamesa na parang nilamutak. May basag na bote ng wine sa sahig. May nagkalat na lipstick at makeup sa harap ng tv. May medyas sa taas ng refrigerator. May sulat ng kung ano-ano sa pader. May nakasulat na "f*ck yeah" sa salamin na ginamitan ng lipstick. In short, sobrang dumi.
"Saan yung iba?" I asked her na medyo irritated. Paano ba naman kasi, AKO yung may birthday tapos iiwanan nila ako? Kaibigan ko ba talaga sila? Oh. I forgot. Wala nga pala akong kaibigan. I smiled bitterly.
"Who?"
"DUH! Edi yung mga kasama natin kagabi!" Tss. Common sense. Ayoko sa mga taong walang common sense. Nakaka-irita. Buti na nga dito sa isang 'to mabait ako kahit wala siyang common sense. Yeah, mabait na ako sa lagay na 'to.
"Oh! Haha. Umuwi na!" sabi niya habang naglalagay ng lipstick. Red lipstick.
"Kelan pa?"
"Kagabi pa 'te! Ikaw lang kaya yung nalasing! Tss." 'Di ko na lang siya sinagot. Wala talaga silang utang na loob. Buti nga inimbitahan ko pa sila eh!
Tumayo siya at nagpagpag. Naka-upo siya kanina sa floor eh. Naka-indian sit at nakaharap sa malaking salamin na nasa left ko. Magka-usap kami ng hindi siya lumilingon sa akin since nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin.
"Anyway, napapadalas na yang pagkakaroon mo ng bad dream ha. Baka pangitain na 'yan." pabirong sabi niya habang umiiling.Tinignan ko lang siya. Ngayon naman ay nagtatali na siya ng buhok.
"What? Pangitain?" Tumawa ako nang sobrang lakas. "Zeejae, 'pangitain' doesn't exist!" I said while rolling my eyes. Sisiguraduhin kong walang makakaagaw sa trono ko.
"Okay! Sabi mo eh. Chill. Haha." Kinuha niya yung bag niya at inayos na ang sarili. "Tara na. Baka hinahanap ka na rin sa inyo. Baka NAG-AALALA na rin SA'YO yung FAMILY mo." Zeejae said. Kelangan ba may diin talaga yung 'nag-aalala' at 'family'? Tss. BITCH.
"AS IF." I answered coldly. And tumayo na rin ako at nag-ayos-ayos.
Bubuksan na sana niya yung pinto ng bigla siyang napahinto. "Ay! Shocks. Saan ko ba nailagay yung susi ng kotse ko?!" she said habang kinakalkal yung Gucci bag niya. "Wala dito, pwede ka bang maghintay saglit? Hahanapin ko lang."
"What? Are you stupid?!"
Tinitigan niya ako na parang nag-iisip ng sasabihin. "Maybe." She said sarcastically.
"Tss. Yeah right." Umupo na lang ulit ako sa sofa'ng kaninang tinulugan ko. Nagsindi ako ng cigarette at muling nagsalita...
"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Go look for it." Sabi ko na lang. Wala talaga siyang common sense no?
Buti nga natitiis ko siya eh. Ayaw ko kasi talaga sa mga taong di ginagamit ang common sense nila. Buti na lang talaga matagal ko na siyang kilala. Simula pagkabata kasi magkakilala na kami because of 'business' or whatever. Close kasi yung parents namin ni Zeejae kaya ayan naging mag-kaibigan kami---o wait---Let me rephrase that. Tss. Wala nga pala ulit akong kaibigan. Siguro siya kaibigan niya ako, pero di ko siya kaibigan. AYOKO ng kaibigan. Manloloko lang sila. Gagamitin ka lang nila. Tapos ilalalag ka kapag walang wala ka na.
"HEY! Zeejae! Nahanap mo na?" Sigaw ko. Mainipin akong tao. Ayokong naghihintay ng mahaba.
"Mauna ka na kayang umuwi?!" Sigaw niya sakin pabalik. Nasa kusina siya ngayon, nangangalkal sa cabinet. Doon pa talaga niya hinanap yung susi, huh? Ano yun naglakad?
"Tutal nabayaran mo naman na 'tong hotel." tuloy niya pa. See? Sabi ko na nga ba, pera lang habol nila sa akin.
"K." Walang gana kong sagot. Mag-tataxi na lang ako kesa maghintay ako.
BINABASA MO ANG
She's Not That Evil
RomantizmMagkapatid na nag-aagawan sa trono. Isang inaagawan. Isang nang-aagaw. Parehas matapang. Parehas ayaw magpatalo. But believe it or not, the other one is not too evil. Yes, she's not that evil.