[Accidental Meeting]

8 0 0
                                    





*Lucy's PoV*







Ughhh.... I hate mornings talaga. Yakk ! Ang arte. Pero seriously, alam niyo yung feeling na gusto mo pa matulog pero alam mong may pasok kaya no choice ka kundi bumangon. Feeling ko tuloy buntis ako, dahil sa katamaran ko ngayon.







"Lord, patawad, ayaw ko pa po bumangon." Opo, ganyan ako sa umaga pag may pasok, kinakausap ko ang sarili ko. Para kahit konti, maenganyo akong tumayo.








I sat abruptly, feeling my head cracking into two, because of my sudden action. Phew ! Ang sakit talaga. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa biglaang hilo ko. Napatingin ako sa bedside table ko, para makita ang oras. At 0_0 holy cow !! 6:45am na, eh ang pasok ko 7:30am. Patay na naman ako.





Automatic akong napatayo pero napaupo ulit dahil biglang nag cramps ang paa ko. Bakit ngayon pa ako tinamaan ng malas, sobra sobra pa. Grrr ! Tayo Lucy, tayo !!! Wala ng oras para maupo.








Dali dali akong tumakbo sa C. R. Para maligo. Nag half bath na lang muna ako, pag uwi ko nalang mamaya ako maliligo. Wala na akong time para mag ayos ng todo eh, maligo pa kaya... Ano yun naging si wonderwoman ako.










Habol hininga akong nag suot ng uniform ko. Aray ! Feeling ko nagkasugat yung mga gums ko, masyado ko kasing nadiinan yung pagbrush. As in kung sapatos pa yung gums ko, sobrang shiny na. Nagsuklay nalang ako ng konti at hinayaang nakalugay, tutal wala na rin naman na akong time para magtali o mag headband man lang... Nag apply lang ng konting powder para nga lang winisik ko lang sa mukha ko eh. Napaubo pa tuloy ako, nainhale ko yata yung pulbos. Pwe !










Chineck ko ang oras at Tadah !!! 7:00am na. Noooo ! I grabbed my bag at tuloy tuloy akong tumakbo pababa. Bakit ba kasi hindi nag alarm yung cellphone ko ? Ayy, bahala na nga. Sandali ! Nakalimutan ko pa ata yun ahh... Huhuhu aakyat na naman ako nito. Che ! Bahala yun dun. Siya naman may dahilan kung bakit ako na late eh.










"Papa !!!!!" Bongga !!! Naging The Voice tuloy ang peg ko ngayon. Narinig kong bumukas yung pinto nung kwarto nila papa. Tarantang bumaba si mama, habang hawak hawak yung perang pambaon ko.








"Nak, sabi ng papa mo, mag commute ka na lang daw muna dahil pagod pa daw siya sa lakad niya kagabi."









"Ano po ?!!" Huhuhu ! Papa naman, ngayon ka pa talaga nag relax... Ako nga wala pa nga ako sa school, feeling ko haggard na itsura ko. Sana may maabutan pa ako sa first subject ko.







"Sige na anak, pagbigyan mo na ang papa mo."







"Hay nako ! Sige na nga po. Bye ! Pasabi nalang po kay papa na I Shall Return." Napatawa ng mahina si mama sa sinabi ko. Tumango nalang siya. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako tumuloy sa pagiging racecar ko sa daan. I just hope talaga na may teacher pa pagdating ko doon.


++++






*Aslan's PoV*







Habang nagdadrive papunta sa school ay pinaandar ko muna yung radyo nitong sasakyan ko. Pwede na akong magmaneho kahit 20 years old pa lang ako, dahil may student driver's license naman ako. Buti nalang at may kaibigan si Daddy na nagwowork sa isang company na nagtetrain ng mga students na kagaya ko, sa driving...






{Playing: Photograph - Ed Sheeran}

'So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans.

Holding me closer 'till our eyes meet-----screech'






Feel na feel ko pa naman ang pagkanta ko ng sa isang iglap, may biglang sumulpot na babae sa kung saan. Ano ba naman itong babaeng toh... Parang nasa park lang ahh, idadamay pa ako. Muntik muntikan ko pang masagasaan, buti nalang at matalas ang mata ko at nakapag preno ako, kung hindi, nasa bermuda triangle na siguro siya.








Inis akong bumaba at pinuntahan yung babae. Aish ! Malelate pa tuloy ako dahil sa ka****** niya.








Tinatlong hakbang ko lang ang agwat namin at nasa harap niya na kaagad ako. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya dahil medyo naka side view siya. Pero alam kong nakapikit siya, dahil sa haba ng pilikmata niya.









"Miss, magpapakamatay ka ba ?! Kung oo, dun ka sa San Juanico bridge tumalon at wag kang mandamay ng ibang tao." Napalingon siya nang marinig niya ang gwapong boses ko. Nanlalaking mga mata siya tumingin saakin. Habang ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkabigla. Hindi ako kaagad naka react.











Bigla bigla siyang tumakbo kaya nabalik ako sa ulirat. Sinundan ko ng tingin yung babae. Geez ! It's a small world talaga oh. Bakit sa dinaming daming babae pa eh yung instik pa na yun.








Tignan nalang natin sa school kung anong reaksyon mo, pag nagkasalubong tayo.



++++






*Lucy's PoV*









Patawid na sana ako ng kalsada nang biglang may isang itim na kotse ang biglang sumulpot sa daan, !!! Papunta pa saakin, Betchabaygulay !! Mamamatay na yata ako. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam kila mama at papa, kay ate atsaka kay Edmund. Pumikit nalang ako ng makita kong konting layo nalang ang agwat ng kotse saakin.










3.....










2.....











1......









Eh ? Bakit parang wala naman akong naramdaman na masakit  sa akin. Huhuhu ! Siguro nasa langit na ako at hindi ko naramdaman yung pagbangga saakin. Pero nakapikit pa rin ako.








"Miss magpapakamatay ka ba ?! Kung oo, dun ka sa San Juanico bridge. Wag kang mandamay ng ibang tao !" Teka ? Parang pamilyar saakin yung boses na yun ahh, sana nagkamali lang ako ng rinig at baka guni guni ko lang yun.









Marahas akong lumingon sa kung sinong mamamatay tao na ito, feeling ko natanggal yung leeg ko sa katawan ko sa sobrang paglingon ko. Tumingin ako sa lalaking boses na yun at hulaan niyo ang naging reaksyon ko.....







0_0








°>_<°






Yan ang naging facial expression ko. Para akong naging estatwa ng mapagtanto kung sino ang muntik nang makabangga saakin. Sa sobrang pagkataranta ko ay napatakbo ako papunta sa gate ng school... Wew ! Muntik na yun ah. Sana hindi niya ako namukhaan. Shunga ka talaga Lucy, malamang namukhaan ka non, humarap ka eh.







Buti nalang at malapit na ako sa school kaya minadali ko nalang ang pagtakbo ko. Binigay ko sa guard yung I. D. Ko bago ako pumasok sa klase ko.








Salamat naman at may teacher pa. ;) Thank you po Lord ",







Sana di kami magkita nung Aslantang yun.




++++



Bah !! Hahaha ang epic ng kapalpakan ni Lucy noh ? Thank you po sa umabot dito :* muahhh....




~MauMau

The Road To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon