Chapter 3

24 0 0
                                    

Chapter 3

(JADE 's )

!!! tiiing Tiingg !!!

Hay sa wakas, uwian na rin.Ang boring kasi ngayon. Wala ako halos ginawa buong araw. Sa klase, laging vacant kasi wala namang teacher na pumapasok.Tapos Pagdating ng lunch, mag-isa ko lang kumain. Si bhest Annie kasi iniwan ako, gusto daw kasi niyang makasamang kumain yung boyfriend niyang si ....... uuhhmmm hehe , hindi ko pa pala kilala yung boyfriend ni bhest...aahh basta ....boring talaga ngayon.

Buti na lang ngayong uwian, sabay kami ni bhest. Hinintay ko na lang siya sa may gate ng school. After 5 minutes, nakita ko na rin si bhest.

" Oh Annie, tagal mo ah. Kanina pa ako naghihintay sayo." Mukhang may problema yata si bhest. Hindi niya kasi ako pinapansin. Nakayuko lang siya .

"Oyy Annie, may problema ba? " Yumuko ako at sinilip yung mukha niya.

"Uyy bhest!! Anu bang nangyari sayo? May nakaaway ka ba? " 

nakita ko kasi na ang pula-pula ng mukha niya tapos parang nanginginig. Naka close fist pa siya ah...

" Bhest may sasabihin ako sayo."

Nagulat naman ako kasi bigla siyang nagsasalita. Umupo na muna kami sa may bench sa tapat ng school.

" oh ano yun bhest?" - ako

"eh...k-kasi ....si.......AAAHHHHHHH!!!" nataranta naman ako, kinuha ko na yung panyo ko at ibinigay sa kanya. Bigla na lang kasi siyang umiyak.

"Anong problema? May sakit ka ba? Anong masakit sayo?" -ako

"Ito ang masakit. " Sabi niya habang nakaturo sa may chest niya.

"HA? May BREAST CANCER ka?" gulat kong tanong.

" BRUHA!!! wala akong breast cancer.... hhmmnn ...si Jacob kasi- " -Annie

"Bakit? Anong ginawa niya sayo? Gugulpihin na ba natin? " sumuntok-suntok naman ako kunwari sa hangin.

"Tumigil ka nga" pagtigil sa akin ni Annie. Hinawakan pa nga niya yung kamay ko para tumigil na ako sa kakasuntok sa hangin.

"Eh bakit ba kasi?" Anong ginawa niya sayo?" -ako

"Wala siyang ginawa sa akin, nakita ko lang siya na may kasamang ibang babae kanina." -Annie

" Anong ginagawa nila?" -ako

" Hindi ko alam basta nakita ko na may kasama siyang babae kanina. Magkatabi pa nga sila eh. May iba kaya ang boyfriend ko? AAAHHHHH !!! " -Annie

" Hhhhmmnn siguro bhest...wala naman silang ginagawa di ba? OA ka lang talaga magselos" - ako

" Hindi ako nagseselos nuh " - Annie

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Matapos ang mahaba-habang pag-uusap namin ni bhest, Pauwi na rin ako.Hinatid ko na lang si Annie sa bahay nila. Grabe ! Pansin ko talaga na malungkot si Annie. Alam kong seryoso siya sa boyfriend niya. Kapag nalaman ko lang na niloloko lang siya  , patay sa akin yung boyfriend niya. Pati yung babaeng ipagpapalit nun kay bhest.

Buti ako hindi namo-mroblema sa lovelife ko. Matatag kami ng boyfriend ko kahit pa nasa states siya.

Ano ba yan. Story ko ito pero parang supporting actress lang ako ni bhest.

Naglalakad lang ako mag-isa pauwi ngayon. Hay naku! Ang boring talaga.

" Will this day get any worse? Aahhhh.... aray k-"

napa-upo pa ako, nauntog kasi ako sa likod ni kuyang naka-hood.

"Oh...... sorry miss. Tignan mo kasi yung dinadaanan mo pwed-" tumigil siya sa pagsasalita. "Ikaw yung kaklase ko di ba? ikaw yung sa damuhan! " sabi niya sabay tanggal ng headset.

You taught me all the Important ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon