Chapter 6

14 1 0
                                    

Chapter 6

JADE'S P.O.V.

Buong klase , hindi ko pinansin si Jacob.  Eh panu ba naman, masisira ang pagkakaibigan namin ni Annie ng dahil sa kanya. Mahal ko si Annie na parang tunay kong kapatid. Gagawin ko ang lahat, huwag lang masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Annie ganito kasi, naglalakad lang naman ako eh tapos may bumangga sa kanya kaya...."

Hahaha.. si Jacob ba nagsabi nun? Ay oo nga pala. Nasa likuran ko lang yung upuan niya. Siya nga siguro nagsabi nun. Wow ah... Nagprapraktis na siya para sa mga pambolang linya niya kay Annie. Nakinig din pala ito sa akin eh. 

Discuss lang ng discuss yung teacher sa harapan. Hindi ko na naiintindihan yung sinasabi ng teacher namin . Hindi ko kasi mapigilang tumawa sa mga naririnig kong linya ni Jacob. Tawa lang ako ng tawa habang nakayuko. Pagtingin ko sa teacher namin, Nakatingin siya ng masama sa akin. Parang may gusto siyang sabihin  pero hindi ko maintindihan. Hinayaan ko na lang. Maya-maya...

(Ttiiinggg... Tttiinggg)

" Ok class dismissed. Don't forget you're assignments for tommorrow." - teacher

" Yes sir." - Sabi namin at nagsilabasan na mga classmates ko.

Agad ko namang nakita si Jacob na tumatakbo palabas. Akala mo naman kung makikipag-racing siya . Inayos ko na mga gamit ko. Kinuha ko na rin yung bag ko at paalis na ako ng room. Kaya lang...

"Jade," -teacher

"Yes, sir?" - ako

"You're a top student pero bakit hindi ka good role model sa mga classmates mo? " -teacher

Nagtaka naman ako sa sinabi ni sir. Wala naman akong masamang ginawa ah. O baka naman nakita niya ako kanina na tumatawa. Baka iniisip niya na siya yung tinatawanan ko.

" Sir. sorry po. Hindi naman po kayo ang tinatawanan ko kanina eh .Si Jacob po. Ang korni po kasi nung mga linya niya kaya hindi ko napipigilang mapatawa. At nakikinig din naman po ako. Medyo boring nga lang po yung lessons kanina . Pero nakikinig parin ako kahit nakayuko pa ako and sir-"

" That's not what I'm talking about here. At huwag mo ngang sabihing boring ang klase ko." hindi na pinatapos ni sir yung sinasabi ko. Nagsalita na agad siya.

" Ay ganun po ba." sabi ko. Nakakahiya naman " Eh ano pu bang nagawa ko sir?"  hindi naman ako gagawa ng masama eh. Mabait kasi ako.

" You're wearing this." sabi ni sir ....sabay kuha ng cap na nasa ulo ko? " you're wearing a cap inside the classroom. That is against the classroom's rules and regulations. It's like you're disrespecting the teacher in front." - sabi ni sir na medyo tumataaas na yung boses.

OO nga pala.. Suot-suot ko pa pala yung cap ni Jacob. Kailangan ko itong ibalik sa kanya.

" Ay. sorry sir. Hindi ko po namamalayan na nakasuot pa pala sa akin yang cap na yan. I'm sorry sir. It won't happen again." -sabi ko habang habang nakayuko.

" Ok. You can go."- teacher

"Thank you sir." umalis na ako. Hinahanap ko na naman si Jacob. Parang lagi ko na lang siyang hinahanap. Mahirap kayang maghanap ng lalaking ang bilis maglakad.Hinanap ko siya sa buong school kaya lang wala siya. Next time ko na lang siguro ibabalik ito kapag nakita ko na siya. Pinuntahan ko na lang si Annie sa classroom niya.

Pagkarating ko naman duon, nakasara na ang classroom nila.

" Nauna na siguro  si Annie. Nagpapakalonely na naman yata yun eh." sabi ko sa sarili ko. Sinimulan ko ng maglakad pauwi. Nakita ko naman si Jacob sa may school gate.

You taught me all the Important ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon