Chapter 2

42 0 0
                                    

Chapter 2 : Jealous?

"Oo .. ako nga bakit?" - jacob

Hhmmn.... nagtanong pa siya kung bakit siya hinahanap. Malamang mag-s-start na ang klase.

" Uhhh .. klase na kasi natin. Ako nga pala si Jade. Kaklase mo ako." sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya at iniabot ang kamay ko sa kanya para makipagkamayan.

"Inutusan ako ni ma'am na hanapin ka, bigla ka na lang kasing nawala" - ako

" Ah. Hinihintay ko kasi yung girlfriend ko. Dito kami magkikita." sabi ni Jacob habang nagbabasa pa rin.

Hindi niya rin inabot yung kamay ko kaya binaba ko na. Hindi naman ako nangangarap na mahawakan yung kamay niya.

" Eh maaga pa lang. May klase pa siguro yung girlfriend mo, kaya para hindi ka mainip, magklase ka na rin. Magagalit na si ma'am." Sabi ko sa kanya pero parang walang epekto yung sinabi ko. Naka-upo pa rin siya at nagbabasa.

"Ikaw na lang. Masyado na akong matalino.Hindi ko na kailangan pang mag-aral." - Jacob

"Ewan ko sayo. Makaalis na nga, masyado nang mahangin dito." umalis na ako pagkasabi ko nun. Pero bago pa ako makalayo, titignan ko sana ulit siya kaya lang wala na siya duon.Hay wala naman akong pake dun. Bahala siya sa buhay niya.

Jacob's POV

Hi. Ako si Jacob Fuentes. 16 years old na ako. Galing ako sa Bright Academy pero lumipat ako dito sa ISHI MA KAKE School kasi nandito yung girlfriend ko, si Annie Murry. Kilala niyo ba siya?...Hindi siguro

Pagkarating ko kasi kanina dito sa bagong school, nakita ko si Annie na palabas ng CR. Nadulas pa nga siya eh. haha pero maganda pa rin. Sabi ko sa kanya, magkikita na lang kami sa may damuhan sa ilalim ng isang puno. Malilim duon eh.Hindi na ako pupunta sa klase ko ngayon kasi puro naman introduction 'pag first day. Papunta na ako sa meeting place namin kaya lang nakita ako nung adviser ko kaya sumama na lang ako sa kanya. 

Nakarating na kami sa classroom pero hindi pa ako pumasok. Hinayaan ko munang mauna yung adviser ko para 'pag nakapasok na siya, makakaalis na ako.

"Good morning class" - adviser

Yun na lang ang narinig ko sa classroom kasi tumakbo na ako palayo.

Tumambay na ako sa may ilalim ng puno at nagbasa habang nakasuot ng headset.

"Uuhhmm ...Excuse me, ikaw ba si Jacob Fuentes? " Biglang may nagsalita sa harapan ko. Ang ganda niya ah... pero mas maganda pa rin ang girlfriend ko. 

"Oo .. ako nga bakit?" - ako

istorbo naman tong babaeng to !...

" Uhhh .. klase na kasi natin. Ako nga pala si Jade. Kaklase mo ako." Jade pala ang pangalan niya. Tumabi pa siya sakin ah...Well... Kahit maganda siya, nang-iistorbo siya ng buhay.

" Ah. Hinihintay ko kasi yung girlfriend ko. Dito kami magkikita." sabi ko na lang sa kanya.

" Eh maaga pa lang. May klase pa siguro yung girlfriend mo, kaya para hindi ka mainip, magklase ka na rin. Magagalit na si ma'am." Ang kulit naman talaga niya oh.

"Ikaw na lang. Masyado na akong matalino.Hindi ko na kailangan pang mag-aral." - sabi ko na lang sa kanya, totoo namang matalino na talaga ako. hehehe

"Ewan ko sayo. Makaalis na nga, masyado nang mahangin dito." umalis na siya. Napansin ko naman yung girlfriend ko, si Annie na parang naglalakad palayo sa lugar kung na saan ako. Tumayo na ako agad at pinuntahan siya.

Annie"s POV

Pagpasok ko sa classroom, sumunod naman na pumasok yung teacher namin. Buti na lang hindi ako na-late . Napahaba-haba naman yata ang pag-uusap namin ni Jacob. 

Sa klase, Nagpakilala lang kami tapos after 15 minutes, wala ng teacher ang pumasok sa classroom. Nainip naman ako kaya napag-isip-isip kong pumunta na lang ako duon sa sinabi ni Jacob na pagkikitaan namin.

Naglakad-lakad na ako papunta kay boyfriend ko pero nung palapit na ako,may nakita akong girl na kasama ni Jacob. At magkatabi pa silang naka-upo sa may damuhan. Gusto ko sanang makita kung sino yung girl kaya lang hindi ko makilala kasi nakatalikod sa pwesto ko yung babae.

Nakaramdam tuloy ako ng selos.Lagot sa akin yung babaeng yun kung sino man siya.Umalis na ako duon baka sumabog pa ulo ko sa galit.

Pero nagulat na lang ako kasi may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Babe, you ok? - jacob

Si Jacob lang pala. Pag nalaman ko lang na may iba siya,lagot talaga ito sa akin.

"Ayos lang ako, ako pa!" - ako

"Eh bakit ganyan yang mukha mo? parang puputok na oh.." pinindot-pindot niya pa yung pisngi ko.

"Ayos lang nga ako. Pupuntahan sana kita duon sa may damuhan kaya lang mukhang makakaistorbo lang ako sa inyo ng kasama mo." sabi ko sa kanya at nagkunwaring aalis na. Pero pinigilan niya ako.

"Nagseselos ka na naman eh." - jacob

"H-hindi ah... Bakit naman ako magseselos?" sabi ko at nagfold arms. taray mode ako ngayon.

"hehe...Yung babae kanina, hindi ko yun kilala. Tinawag niya lang ako kasi simula na ng klase namin." - jacob

"Eh hindi naman ako nagseselos eh. Papasok na ako. Baka ma-late pa ako sa next subject ko."

nagsimula na akong maglakad. Iniwan ko na yun dun. Nakakainis kasi...hindi naman ako nagseselos di ba? di ba?

Tumakbo na ako papasok sa classroom. 

You taught me all the Important ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon