Chapter 7

9 0 0
                                    

Chapter 7

(MICO'S P.O.V )

Akala niyo siguro na si Jacob ang nagbigay ng bag kay Jade nuh..!! Pwes, nagkakamali kayo. Ako lang naman ang gumawa nun. Sa totoo lang kasi, nagmumukha na akong stalker ni Jade.Sunod ako ng sunod sa kanya. Kahit saang lupalop pa siya mapadpad, nakabuntot pa rin ako. Masaya kasi ako na muli kong nakita si Jade. Alam niyo naman na siguro kung anong nangyari sa aming dalawa di ba?

Mico Salvador ang name ko. Maniwala man kayo o hindi, ex ko si Jade. Hindi ko lang alam na may mangyayaring ganun sa amin. 

Alam ko galit siya sa akin ngayon. Kung ako si Jade, Magagalit din ako sa sarili ko. Hindi ko dapat siya iniwan ng ganun-ganun lang. Hindi lang siya ang nasaktan. Pati rin ako. Kaya gagawin ko ang lahat para mapakita ko sa kanya na nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko. Kaya ngayon, buntot niya ako.

Buong araw hanggang makarating siya sa waiting shed sa may tabi ng bahay nila Annie, nakasunod ako sa kanya. Nakita ko nga rin na may lalaking biglang hinugot yung bag ni Jade.Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinabol ko na agad yung magnanakaw na yun. Nasagi ko pa nga si Jade eh. Pero mukhang hindi naman niya ako nakilala.

" HOY!! Snatcher... Akin na yan." - Inagaw ko sa kamay nung lalaki ang bag ni Jade. Pero nabitawan ko rin ito, bigla ba naman kasi akong suntukin sa may bibig. Dumugo tuloy. Buti sugat lang ito, kung hindi papatulan ko tong lalaking to. Sayang naman ang gwapong kong mukha nuh.

Sabihin niyo nang sinuntok ko rin siya. Ginawa ko na lahat para makuha lang ang bag ni Jade. 

 " Tama lang yan sayo. Sa susunod na nanakawin mo pa ang bag ng girlfriend ko, hindi lang yan ang makukuha mo." - natakot naman siya. haha....

" Sorry po. Pasensya na po. Hindi na po mauulit. " - nakaluhod pa siya ah. Parang muslim na nagdadasal. 

Umalis na ako doon. Kailangan ko pang ibalik itong bag ni Jade. Pagkarating ko, bigla naman siyang tumakbo palapit sa akin. 

" Bag ko to ah. Salamat kuya." - kinuha naman niya agad yung bag niya. Ang lapad nga ng ngiti eh. Halata kong masaya siya. Kahit ito lang magawa ko para sa kanya, masaya na ako. Pero pagtingin niya sa akin, biglang nawala yung ngiti niya. 

 " Ha? IKAW? Anong ginagawa mo dito?" -Sabi niya na parang galit na naman kung magsalita.

 " A-ah U-Uhhmm-mm k-kasi eh-h " - grabe , ngayon pa ba ako mauutal sa kanya?

 " Anong nangyari sayo?" - sabi niya nang mapansin niyang may sugat sa bibig ko. " Halika nga dito. Gagamutin ko na muna yan. Pasasalamat na rin sa pagkuha mo ng bag ko." - dagdag pa niya.

Umupo muna kami sa waiting shed. Dito lang naman ang mauupuan eh.Kahit ganito lang kami ngayon, masaya na ako.Makasama ko lang siya, buo na agad ang araw ko. 

" A-aray naman." - imbis na gamutin eh parang pinalalala naman niya itong sugat ko .

" Ano? May angal ka? Buti na lang lagi kong dala-dala itong First Aid Kit ko. Bakit kasi nakipagsuntukan ka pa? Bag lang naman yun eh." - sabi niya habang nilalagyan ng gamot yung sugat ko.

" Ayoko kasing mawala mo na lang ng basta-basta yang bag na yan." - mukhang hindi na niya naaalala . Ayos lang kahit hindi na. At least alam kong nasa kanya pa rin ang bag na yan.

" Oh yan ah. Wala na akong utang sayo. Ginamot ko na yang sugat mo. " - tumayo na siya agad pagkasabi niya nun. " Aalis na ako. " - nagsimula na siyang maglakad.

" Sandali lang Jade "- may kailangan pa akong malaman sa kanya. " U-uhmm galit ka pa rin ba sa akin? " - napahinto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

You taught me all the Important ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon