Vans Aldrix Albereigh at the mediaVans Aldrix Albereigh
"Whooh! Sa wakas nakalipat na tayo ng bahay." Masayang sabi nitong Nike na toh.
"Eh anong masaya dun?" Tanong ni Zach.
"Tanga nito. Bakit gusto mo ba dun?. Namiss mo ba yung bakla mong stalker.?" Sabi ni Nike. Sabay tawa. Agad naman siyang binatukan ni Zach.
"Tangina masakit ah." Sigaw niya. Hindi naman siya pinansin ni Zach."Ang bakla mo tumahimik ka nga". Sabi ko sa kanya. tumawa naman si Zeke.
*************
"Mag-doorbell ka na kaya. Hindi tayo matatapos dito eh." Utos ni Nike kay Zeke."Ayaw ko nga. Ikaw na kaya." Balik utos ni Zeke.
"Eh kung kayong dalawa na kaya." Sabi ko. At sabay naman nilang ginawa.. Pffft.! Mga uto-uto. Napatawa naman ng mahina si Zach.Hinintay namin na may mag bukas. Sino ba kasing nakatira sa bahay na toh. Kabagal magbukas. Kung tinatanong niyo kung nasaan kami. Nandito kami sa katapat naming bahay. May pinapatanong kasi si tita Vianne sa may-ari ng bahay. ang tamad kasi. Kainis! Kung siya na lang sana nagtanong diba. Nagutos pa kasi. Si tita Vianne ang may-ari ng subdivision na toh.
Takte! Ang dami ko nang nasabi wala pa bang magbubukas ng gate. Pipindutin pa sana ni Zeke ang door bell nang may lumapit sa aming bakla at isang babae. Tsk.
"Naku mga kuya. Wag niyong bulabugin ang evil dyan. Kahit mga wafu pa kayo. Hindi kayo tatabla dun." Sabi nung bakla at umalis. Nagkatinginan kami nila Nike sabay takbo sa loob ng bahay. Alangan namang sa labas diba?. "Pfft mga dude. Bakit kayo tumakbo? "Tanong ni Nike. "Kayo kaya ang nauna" si Zach na umupo sa sobrang pagod...
"Itong duwag na ito kaya ang nauna" ako sabay turo Kay Zeke.. "Sino ba naman ang Hindi tatakbo kung sabihin na may evil dun. Sayang ang kagwapuhan ko kung patayin ako nun." Si Zeke sabay pogi sign. Ang yabang talaga ng lalaking ito. Binatukan naman siya ni Nike na siyang pinakamalapit Kay Zeke.
"Tangina. Masakit ah." Sigaw ni Zeke. Ang bakla tangina. "Tumahimik na nga kayo! Ang iingay niyo." Sigaw ko sa kanila. Agad naman silang tumahimik. Dapat lang kundi papalayasin ko sila sa dito sa bahay KO.
I call tita that I am not able to ask my neighbor about that something. At sinabi ko na rin na sya na lang magtanong. Hindi na ulit ako babalik sa bahay na yun. Sayang ang kagwapuhan. Tsk. Nahawa na ako Kay Zeke sa kayabangan..******
Kinabukasan pumasok na kami sa school na pinagtransferan namin. Pagbaba namin sa kotse namin agad naming nakuha ang atensyon ng lahat lalo na ang mga babae.
"Gosh! Ang hot nila. I'm gonna faint na ata." Tili ng isang babae. Tsk.
"Tumahimik ka. Pag narinig ka ng evils lagot ka. Itago mo na lang yang kilig mo." Sabi nung isang babae. Tumahimik naman ung babae.Naglakad na ako papunta sa first class ko. Sumunod naman sila Zach at Nike. Si Zeke naman inuna pa ang pakikipagflirt tsk. But who cares?.
Thannia Williams
That 2 bitches!! Hindi naman sila ang may sakit pero kung makapag absent akala mo naman sila. Tsk. Kung Hindi lang ako grade conscious maga absent din ako. Arrgh!!
I went to my first class wearing my poker face. Marami naman ang napatingin sakin siguro nagtataka sila kung bakit magisa ko lang aba dapat magsaya na sila habang wala pa ang 3 bitches na yun. Yung iba ngumingiti na siguro alam nila na Hindi papasok ung tatlo. Enjoy lang sila dahil pag dumating yung mga yun time's up sa happy life nila...
"Yes! Mukhang wala ung tatlong evils" that ugly frog said. Napatingin ako sa kanila.
"Aba sobra ka naman atang natuwa at sinigaw mo pa" sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Napayuko na lang siya at nagsorry.Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko. Nakasabay ko pa ang Prof ko sa first class. "Mag-isa ka ata Ms. Williams" sabi niya. If I know tuwang tuwa din yan at wala sila Celiene at Nicoline. Binabasag din kasi siya nung dalawa. "Yeah. May sakit po kasi si Celiene" sabi ko.
"Oh! Is that so?"
"Yeah!" Sagot ko sa kanya.
Malapit na kami sa classroom at rinig ko ang mga ingay nila. Pumasok si Prof. At tumahimik naman sila. Sumunod ako Kay ma'am at naupo na sa upuan ko. Ramdam ko naman ang tingin nila sa akin. "What are you staring at ? Bitches!!" napaiwas sila lahat ng tingin. "OK your attention please!" The prof. Said. Tumingin lahat sa kanya except me. I'd rather sleep than to listen to their voices..
"OK! So we have 4 transferees from ***** University. Please come in front and introduce yourselves" the prof said. I just put my earphone and listen to a music. Better!!!Umub- ob na lang ako sa desk ko. I don't care about the transferees..