"Wala kang regalo sakin ah." -Alli
"Sorry di ko kase alam mga bagay o gusto ng mga babae e. Wala akong idea anong ireregalo ko sayo" -sambit ko.
Magkausap kame ngayon ni Allison ngayon sa phone. At naitopic namen yung tungkol sa mga nangyare nung debut nya at naalala niyang wala akong regalo sakanya.
"Hindi naman basta material na bagay gusto ko e. Di naman ako mapili e" -Sagot niya in a way of her sweet tone.
"Eh anong gusto mo? (Ako? sa loob loob ko. Hahahaha) - sagot ko
"Ipagluto mo ko." - Siya
What? Ako? Ipagluluto siya? Nagluluto ako pero... siya ang ipagluluto ko? Ipagluluto ko yung babaeng mahal ko?
"Ahh. Eh. Ano naman?" - Sagot ko na kinakabahan
"Hmmm? Gusto ko ng Sopas." - Sagot nya.
"Ah eh. Sige. Kelan mo ba gusto?" - Ako
"Kung kelan ka pwede :)" - Sambit niyang may pagka excite.
"Sige. Punta ka sa bahay wednesday." - ako
"Sure :) Papanuodin kitang magluto ha?" - Sagot nya.
Whaaaattt?!!!! Kinakabahan ako. Baka di siya masarapan sa pinapaluto niya. Baka hindi swak sa taste niya. Nai stress ako. First time ko magluto para sakanya. Bahala na! -_-
------------------------
On that dayFrom : Allison <3
Papunta nako Jay.
Kakatapos ko lang maligo galing kase akong palengke para mamili wala na kaseng supplies. Naka shorts lang ako na kaki ang kulay at naka sando na puti. Sa bahay lang naman ako e. Di naman kame magdadate sa labas.
To : Allison <3
Okey. Ingat ka :) Mamahalin pa ulet kita. hahaha :) Text me up pag nasa tapat kana.
Ganyan ako sa text. Pero... Torpe ako sa personal -_-
From : Allison <3
Che. Hahaha
Sobrang kinakabahan ako. Nanginginig yung tuhod ko, parang may butterfly sa tiyan ko. Jusko po! Bat ganito yung nararamdaman ko. Pupunta yung babaeng mahal ko sa bahay.
Bumaba na ako sa kusina para magasikaso dahil ilang minuto lang ay dadating na si Alli. Hinubad ko yung sando ko at nag apron. Inumpisahan ko ng hugasan lahat ng sahog sa aking lulutuin. Mga gulay at karne ng manok.
Habang hinihimay ko yung karne ng manok ay may nag doorbell.*Ding! Dong!
Mga ilang beses nagdoorbell yung nasa labas ng bahay namen. Grabe to. Di makapag hintay pepektusan ko talaga to pag nakita ko to! Siya ikakabit ko dun sa doorbell pag nasira yun. Hahaha
Dali dali akong lumabas ng bahay at tinungo yung gate upang mapagbugksan yung damuhong grabe maka-doorbell.
"SINO BA YAN!???! ANOO..." - bigla akong natigilan ng pagbukas ko ng gate ay nakita ko yung nasa labas ng gate ng aking bahay. Isang babaeng simpleng naka white shirt, fitted jeans na blue at naka sling bag.
"Hi" - bungad niya sakin na may matamis na ngiti.
"Uhhh. Tara. Pasok ka." -paanyaya ko
Fuck. Andito na nga talaga siya. Wala ng makakapigil. Napahinto ako sa may gate at dahan dahan ko itong sinasara.
Andito na siya... Andito na si Allison."Uy. Are you okey?" - Alli.
Ngayon palang ako natauhan ng biglang may tumapik sa likod ko.
"Uhh. Yu-yuh :) T-tara pasok na tayo. Di pa ako tapos magluto e." - sagot ko
BINABASA MO ANG
When I Fall Inlove
RandomAng kwento na to ay tungkol sa second chance. Pano mainlove ng totoo at seryoso ang isang womanizer? Matatanggap pa kaya sya ng babaeng kanyang napupusuan sa kabila ng lahat? Masyado bang madrama ang bawat katagang aking sinasambit? Wag kang magalal...