Chapter 14

621 19 12
                                    


AWW..LAST CHAPTER WAS A HEARTBREAK! </3 SANA MARELIEVE KAYO THIS CHAP! KAYA VOTE NA!! :)))


UY GUYS!! KELAN YUNG GUESTING NG JHABEA SA THE RYZZA MAE SHOW?? THIS WEEK BA?? DI AKO UPDATED EH :p HAHAHA TSAKA NAPANOOD NYO BA YUNG LS?? ANG KV!! :"""> LALO NA YUNG KISS SA FOREHEAD!! OHEHMGEEEEE!!! HAHAHAHA


ANYWAYS..


HERE'S CHAP 14


---

Dylan's POV


Nakita ko si Bea pababa ng hagdan at umiiyak. Tsk..sabi ko na nga ba eh. </3 Kaya nilapitan ko sya agad.


"Sssh..tahan na"

"D-dylan?"

"OO, ako to. Tahan na. Wag ka ng umiyak"

"Dylan ang sakit kasi eh. Alam mo yung umasa ako. Na akala ko mahal nya rin ako. Sabi nya kasi mahal nya daw ako pero bakit ganun? May ipapakilala syang babae saken."


Niyakap ko sya ng sobrang higpit at patuloy parin syang umiiyak. Hinahaplos ko lang yung likod nya para tumahan sya. Pinapakinggan ko lang yung mga sinasabi nya.



"Bakit ganun?? Lagi nalang akong bigo sa pagibig. Kelan kaya ako sasaya?."


Ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso nya. Kawawa naman to. Kung pwede ko lang sana syang mahalin, ginawa ko na.


"Alam mo ba na dati meron akong minahal na lalake. Matagal na kaming magkakilala, at sobrang close namin. Hanggang sa naging crush ko sya. Akala ko crush lang pero mahal ko na pala sya. Masakit din yung ginawa sakin nung lalakeng yun, pero tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang talaga tingin nya sakin"


Ilang beses na pala to nabigo, hindi man lang nya kinkwento sakin. Naawa na ako sakanya. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon.


"Sssh..tahan na..wag ka ng umiyak. Nandito naman ako eh. Wag mo na silang pansinin. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan."


Kumalas sya sa pagkayakap sakin at tiningnan nya ako sa mata. Nakikita ko yung agos ng luha nya. Ayokong nakikita kang ganito. Ayokong nakikita kang nasasaktan kasi nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bakit.


"Dylan, pwede ba ako humiling sayo?"

"Oo naman. Kahit ano. Ano yun?"





















"Pwede ko bang hiramin yung puso mo? Pwede nya ba akong mahalin? Pwede nya bang gamutin at alagaan tong puso kong sugatan? Pwede nya bang protektahan to para hindi na masaktan muli?"



Habang sinasabi nya yung mga salitang yun, biglang tumibok yung puso ko. At alam na alam ko yung tibok na to. Tumitibok lang to pag mahal ko ang isang tao. Ibig sabihin...








Mahal ko na si Bea?





Pinunasan ko yung mukha nya at hinalikan sya sa noo.



"Wag mo ng hiramin. Kusa ko syang ibibigay sayo. Pangako ko, mamahalin kita. Aalagaan at gagamutin ko yung sugat dyan sa puso mo. Hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan, hindi kita papabayaan. Pangako yan"



At niyakap nya ako ng sobrang higpit. At dahil sa yakap na yun, napatunayan kong mahal ko na pala talaga sya. Matagal ko na syang mahal. Mamahalin ko sya ng buong puso, hinding hindi ko na sya sasaktan pa, pangako yan. Kahit na alam kong, rebound lang ako.



---


MAYONNAISE'S POV



Bigla akong nanghina at ramdam kong nadurog yung puso ni Bea sa ginawa ko. Ang sakit palang makitang nasasaktan mo yung taong mahal mo. Habang pababa si Bea sa hagdan may sumalubong sakanya, lalake.




Si Dylan.



Nakita ko silang naguusap. Nakita kong niyakap sya ni Dylan at niyakap nya si Dylan pabalik. Kahit sobrang sakit, kailangan kong tanggapin. Wala akong magagawa eh. Mas masakit pa yung mararamdaman nya pag minahal nya ako.

May I Borrow Your Heart? (JHABEA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon