Love at One Night Stand

13K 175 3
                                    

"Kasalanang nagawa sa gabing puno ng kamalian. Dalawang tao na susubukan kung malalampasan ba nila ang problemang kanilang nasimulan."

○○○

Malakas na tugtog, mga taong nagsasayawan, amoy alak na ang paligid at nagkalat na ang usok ng sigarelyo sa loob ng bar.

Malalim na ang gabi, nagsiuwian na ang ibang mga kaklase ni Chela. Kaunti nalang ang taong makikita sa loob ng bar na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang matalik na kaibigan.

Si Chela ay isang anak mayaman, spoiled brat, at lahat ng gusto ay nakukuha. Maganda ito, may makinis at maputing balat at may hubog ang katawan.

Malapit na ang kanilang graduation, kaya naman naisipan nilang magparty kasama ang kaniyang mga kaklase sa bar nina Kim, bago man maghiwa hiwalay ang kanilang mga landas pagkatapos ng kanilang college years.

"Chel, tara ihahatid na kita sa itaas. Anong oras na oh, ihahatid pa kita sa inyo bukas," saad ng matalik na kaibigan ni Chela na si Kim, ang may ari ng bar na kanilang pinagpapartyhan.

Si Kim ay anak mayaman din. May lihim itong pagtingin sa kanyang kaibigan, ngunit hindi niya maamin dahil sa natotorpi siya tuwing makakaharap niya ito.

Hindi sumagot si Chela kaya naisipan ni Kim na dalhin na ito sa taas, sa pangalawang palapag ng bar kung saan nandun ang kwartong ipinagawa ni Kim para lamang sa kanyang kaibigan. Pinagawa niya ito para sa kung sakaling malasing si Chela sa kakainum ay sa itaas nalang niya ito dadalhin at dun muna patutulugin.

Binuhat na ni Kim si Chela na parang bagong kasal. Maglalakad na sana si Kim, ngunit natigilan siya nang bigla nalang haplusin ni Chela ang kanyang makinis na pisngi. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, hindi siya makakilos at ang tanging pagtitig lamang sa mukha ng kanyang kaibigan ang kanyang nagawa.

Naglakbay pa ang kamay ni Chela sa mukha ni Kim, napunta ito sa matangos na ilong ng kaibigan, sa mapupulang labi nito, at sa huli ay sa itim na itim na buhok ni Kim.

"Aba K-kim! Dumadamovs k-ka na ha!" Rinig ni Kim na sigaw ng isa niyang kaklaseng nasa likuran niya. Laking pasasalamat ni Kim kasi dahil sa kanyang kaklase ay muli siyang napabalik sa kanyang sarili.

Hindi pinansin ni Kim ang sinabi ng kanyang kaklse at dinala na lamang si Chela sa itaas kahit na hinahaplos parin nito ang kanyang mukha.

Pagkarating sa kwarto, dahan dahan na inilapag ni Kim si Chela sa malambot na kama. Tatalikod na sana siya at iiwan si Chela sa kwarto nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay.

"B-bantot.. Bantot d-dito ka lang," saad ni Chela kahit tulog pa ito. Napangiti na lamang si Kim dahil sa tinawag sa kanya ng kanyang kaibigan. Bantot kasi ang tawag sa kanya ni Chela simula pagkabata nila.

"Pupunta lang ako ng kwarto Panghi," ani Kim. Ngunit alam niyang hindi ito maririnig ni Chela dahil tulog ito. Panghi ang tawag niya kay Chela dahil nung bata pa sila ay minsan mapanghi ang palda na suot ng kanyang kaibigan tuwing lumalabas ito ng bahay.

Umungol si Chela at dahan dahang binitawan ang kamay ni Kim.

Lumapit si Kim sa kanyang kaibigan. Hinalikan niya ito sa noo at ginulo gulo ang buhok bago lumabas ng kwarto.


Makalipas ang ilang minuto pagkatapos lumabas ni Kim, may dalawang lalake na kasing edad ni Chela ang pumasok sa kwarto na kanyang tinutulugan. Hindi kaklase ni Chela at Kim ang dalawang ito, hindi rin nila ito schoolmate.

Ang isang lalake ay lasing na lasing na nag ngangalang Jake. Inaalalayan ito ng kasama niya na medyo lasing din at nag ngangalang Nik. Hindi napansin ng dalawang lalake na ibang kwarto ang kanilang napasukan. Sa pangatlong palapag pa kasi ang kanilang tunay na kwarto at nalito lamang sila dahil sa kalasingan.

Pagkapasok nila sa kwarto, inilapag ni Nik si Jake sa gilid ng kama. Pagkatapos ay lumabas muna ito at pumunta sa kanyang kotse. Ngunit doon na siya sa loob ng kotse nakatulog dahil sa pagkaantok. Si Jake naman ay naiwan sa kwarto na nakahiga sa tabi ni Chela.

Dahil sa kalasingan, hindi napansin ng dalawa na mayroon silang katabing hindi nila kakilala.

~~~

Love At One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon