I am good, but not an angel. I do sin, but I am not the
devil. I am just a small girl in a big world trying to find
someone to love.
- Marilyn Monroe○○○
Bilang isang nag iisang anak si Chela ng kanyang mga magulang, tudo ang pagmamahal ang nakukuha niya mula sa kanila na halos tanggapin parin siya ng kanyang mga magulang kahit na may nagawa itong malaking kasalanan.
Ngayong nalaman nilang nagbunga ang kasalanang nagawa ng dalaga, ginagagawa na ng kanyang mga magulang lahat ng kanilang makakaya, mahanap lamang ang ama ng bata kahit na nasa malayong probinsya man ito.
Pinuntahan nina Chela kasama si Nik at ng kanyang mga magulang ang probinsiyang inuwian ni Jake. Si Nik ang kanilang naging gabay upang mahanap si Jake.
Nang makararing sina Chela sa naturang probinsiya, isang lalakeng may maputing balat na kaedad niya ang biglang tumawag sa pangalan ni Nik. May kagwapohang taglay ang lalakeng ito. May matangos na ilong, may saktong katawan, at may saktong katangkaran.
Nakipagyakapang-panlalake ito kay Nik at nagkamustahan silang dalawa. Nalaman lang nila na ito si Jake nang ipakilala siya ni Nik kay Chela at sa kanyang mga magulang.
Ngunit nagulat sila nang biglang suntukin ng ama ni Chela si Jake. "Walang hiya ka pinagod mo kami sa kakahanap sayo! Ano, pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko, magtatago ka nalang dito at mamumuhay na parang walang nangyari habang ang anak ko ay naghihirap dala-dala sa sinapupunan 'yang anak niyo?! " Sigaw ng ama ni Chela kay Jake na ngayon ay nakaupo sa damuhan habang pinupunasan ang dugo sa labi.
Kaagad namang nilapitan nina Nik at Chela si Jake at inalalayan nila itong makatayo. Ngunit biglang nagtaka si Chela. Bakit, bakit parang may kulang? Hindi niya maintindihan kung ano ito, basta nang hawakan niya si Jake, nakaramdam nalang siya na parang may kulang.
"M-mawalang galang na po pero, 'di ko po kayo maintindihan," ani Jake nang makatayo na ito ng maayos. Nakakunot ang noo nito na halatang nagtataka.
Napakuyom ng kamao ang ama ni Chela habang pinipigilan ito ng kanyang asawa sa pagbabalak na sugurin ulit si Jake. "Mag mamaang maangan ka pa! Nabuntis mo ang anak ko walang hiya ka!" Malakas na sigaw ng ama ni Chela. Pinagtitinginan na sila na mga taong dumadaan ngunit di nila ito pinapansin.
Biglang natigilan si Jake dahil sa sinabi ng ama ni Chela. Napatingin siya kay Chela sa kanyang tabi na nakatingin din pala sa kanya.
"S-so may nangyari nga," nanginginig at kinakabahang saad ni Jake habang dahan dahang inilalapit ang kamay sa pisngi ni Chela. Hinaplos niya ito dahilan para mapapikit ang dalaga. "Ikaw.. Ikaw yung babaeng nakatabi ko sa isang kwartong napasukan ko, diba?" Tanong ni Jake kay Chela.
Napatango na lamang si Chela bilang sagot, kahit na nagtataka parin ito kung ano ba ang kulang na kanina pa niya iniisip. Hindi niya talaga alam kung ano ito, basta ang alam niya ay may kulang.
"Pananagutan ko yung bata. Ang totoo niyan, mahal kita Chela. Matagal na kitang kilala, di mo nga lang ako napapansin dahil nasa sa kaibigan lang palagi ang atensiyon mo," ani Jake na nagpagulat sa pamilya ni Chela, pati na rin ang dalaga at si Nik.
Pagkatapos sabihin ni Jake ang mga katagang iyon, dun na nalaman ni Chela kung ano ang kulang na kanyang iniisip.
Ang spark. Ang pagmamahal na kanyang naramdaman noong gabing may nangyaring kasalanan. Yun yung kulang kay Jake, wala ito sa kanya. At nakasisigurado si Chela na,
Hindi si Jake ang ama ng batang kanyang dinadala.
~~~
BINABASA MO ANG
Love At One Night Stand
Storie brevi"Kasalanang nagawa sa gabing puno ng kamalian. Dalawang tao na susubukan kung malalampasan ba nila ang kanilang problemang nasimulan." Date and time Started: 01/24/2016 7:19 AM Date and time Finished: 01/26/2016 9:35 AM © LemiShowYouAHotBody