Love at One Night Stand

6.7K 132 6
                                    

Mistakes you can learn from; sins stay with you forever.
- Corey Taylor

○○○

Nagising na lamang si Chela na walang saplot ang buong katawan, at ang tanging nakatakip lamang sa kanya ay ang makapal na kumot na may mantsa ng kanyang sariling dugo.

Alam na alam niya ang buong nangyari kagabi. May nangyari sa kanya at sa lalakeng hindi niya kilala dahil sa madilim ang buong kwarto kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Maski ang boses ng lalake ay hindi niya nakilala dahil sa malakas na tugtog ng bar sa unang palapag.

Nakuha na ng lalakeng hindi kilala ni Chela ang kanyang pagkababae. Ang dapat ay nagagalit at umiiyak na siya ngayon, ngunit iba ang kanyang nararamdaman. Parang nararamdaman niya ang pakiramdam na ito araw araw at mas lumala pa ito nung gabing may nangyare sa kanya at sa lalakeng di niya kilala.

Kakaiba ang pakiramdam na ito at nung una ay hindi niya ito matukoy kung ano, pero kagabi, habang may nangyayari, duon niya lang napatunayan kung ano ito. Love. Pagmamahal.

Weird pero alam niyang yun ang sagot sa kanyang tanong tungkol sa araw araw na kanyang nararamdaman. Nainlove siya sa taong una niyang nakasiping kahit hindi man niya ito kilala.

Ang nakakapagtaka ay kung bakit araw araw niya itong nararamdaman. Yun bang bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso at abot langit na saya ang kanyang nararamdaman, kagaya ng kagabi. Bakit kaya?

Paika ikang bumangon si Chela mula sa kama at isa isang pinulot ang kanyang damit sa sahig. Pagkatapos niyang magbihis ay lalabas na sana siya ng kwarto nang may marinig siyang tunog ng isang cellphone. Dun niya lang naalala ang kanyang cellphone kaya kaagad niya itong hinanap sa kama.

Ngunit hindi Cellphone ang kanyang nakita, kundi isang itim na wallet. Pagkakuha niya sa wallet ay tumigil na sa kakatunog ang kanta ng kanyang cellphone.

Alam niyang ito ang kasagutan sa kanyang tanong tungkol sa taong nakasiping niya. Tatlo lang naman ang pumasok sa kwartong ito; siya, si Kim, at yung lalakeng di niya kakilala na kanyang nakasiping. Hindi naman niya pagmamay ari ang wallet, hindi din naman ito kay Kim dahil iba ang wallet ni Kim at dala dala niya ito palagi, at malabo rin na makasiping niya si Kim dahil kaibigan niya ito. Kaya siguradong may isa pang taong nakapasok sa kwarto at yung taong yun ang may ari ng wallet na ito at ang kanyang nakasiping.

Dahan dahan niyang binuksan ang wallet. Nang mabuksan niya ito, isang wallet size na picture ng isang lalake ang kanyang nakita. Hindi pamilyar sa kanya ang lalake, ngunit dun na niya napatunayan.

May iba pa nga talagang taong nakapasok dito sa kwarto maliban sa kanila ni Kim. At ang taong ito,

"Si Nik Murphy," basa ni Chela sa nakasulat na pangalan sa ibaba ng letrato.

~~~

Love At One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon