Love can only be found
through the act of loving.
-Paulo Coelho○○○
Nagpasundo si Chela sa kanyang papa pauwi. Kaagad niyang pinagtapat sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Nung una ay nagalit sa kanya ang kanyang mga magulang, ngunit di nag tagal ay tinanggap na lamang nila ito. Ano pa nga ba ang magagawa nila eh nangyari na ang hindi dapat mangyari?
Dahil sa nagiisang anak lamang si Chela at mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang, kahit na spoiled brat siya, tinanggap parin siya ng mga ito. Napag-isipan nila na ipahanap ang taong nakasiping ni Chela nang malamang buntis ang dalaga.
Ginamit nila ang wallet na nakita ni Chela sa kanyang kamang pinaghigaan noon. Malakas kasi ang kutob nila na ito yung taong nakabuntis kay Chela.
Hindi sila nabigo sa paghahanap. Kaagad nilang nakita si Nik dahil sa address na nakasulat sa maliit na card sa loob ng wallet.
Kaagad namang nagpaliwanag si Nik sa mga magulang ni Chela na hindi siya yung nakabuntis sa dalaga. Hindi naman daw siya natulog sa kwartong pinagtulugan ni Chela kundi sa kotse niya ito natulog. Wala rin daw siyang nakasiping nung gabing iyon dahil ang naaalala niya ay mahimbing ang kanyang tulog sa loob ng kanyang kotse.
Ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga magulang ni Chela dahil sa wallet na kanilang ebidensiya. Kung hindi man daw siya natulog sa kwarto ni Chela sa bar nina Kim, eh bakit daw nandoon sa kama ni Chela yung wallet niya?
At dun naalala ni Nik ang barkada niyang si Jake. Naalala niyang nung gabing iyon, pinabulsa na muna niya kay Jake ang kanyang wallet. At naisip ni Nik na baka yung barkada niya ang nakabuntis kay Chela.
Unti-unti nang nauunawaan ni Nik ang mga nangyari nung gabing iyon. Naalala niyang sa ibang kwarto niya pala nailagay ang kanyang barkadang si Jake. At nagkataon pang sa kwarto ni Chela niya ito nailagay dahil sa kanyang kalasingan.
Ipinaliwanag ni Nik sa pamilya ni Chela ang tungkol sa kamalian nila ng kanyang barkadang si Jake. Mula sa pagpabulsa muna ni Nik sa kanyang wallet kay Jake, paglagay niya sa kanyang barkada sa maling kwarto na kwarto pala ni Chela, at pagiwan niya kay Jake sa loob ng kwartong iyon at dun siya nakatulog sa kanyang kotse.
Naunawaan naman siya ng pamilya ni Chela. Kaagad naman nilang pinahanap si Jake na barkada ni Nik. Ngunit nahirapan silang hanapin ito dahil sa nalamang balita na umuwi pala ito ng probinsiya.
At dahil sa balitang iyon, nagkaroon na sila ng hinala. Maaring nagtatago na si Jake dahil sa kanyang nagawa kay Chela.
Si Jake na kaya ang tunay na ama ng batang dinadala ni Chela?
~~~
BINABASA MO ANG
Love At One Night Stand
Cerita Pendek"Kasalanang nagawa sa gabing puno ng kamalian. Dalawang tao na susubukan kung malalampasan ba nila ang kanilang problemang nasimulan." Date and time Started: 01/24/2016 7:19 AM Date and time Finished: 01/26/2016 9:35 AM © LemiShowYouAHotBody