Characters:Wilma
Luis
Greta
Jun
Aling LolitaLimang taon nang magkasintahan sina Luis at Wilma.
Sa loob ng limang taong iyon ay matiyagang hinintay ni Wilma kung kailan siya yayayain ng kasal ng kasintahan"Ano ba ang balak mo sa ating dalawa? Ganito na lang tayo habang buhay?" Inis na ang dalaga.
"Alam mong ako ang tumatayong padre de pamilya sa amin. Hindi maaaring basta ako mag-asawa," paliwanag ni Luis.
"Paano naman ako?… Tayo?" Ibig maiyak ni Wilma.
Napatungo si Luis.
Naaawa siya sa nobya pero wala siya magawa.
Padabog na tumayo si Wilma.
Pigil ang luhang hinarap ang binata."Hindi ko kayang maghintay kung kailan ka lalaya sa mga responsibilidad mo. Siguro naman karapatan ko rin ang lumigaya." Ani Wilma.
Sa pagkabigla ni Luis ay hinubad ng dalaga ang engagement ring sa daliri nito at inilapag sa mesa.
"Tinatapos ko na ang lahat. Kanya-kanya na tayo." Galit, determinado si Wilma.
Hindi agad nakakilos si Luis sa pagkabigla nang na dumiretso palabas sa restoran ang dalaga.
Labis na dinamdam ng dalaga ang pambabalewala ni Luis sa damdamin.
Ang huling nalaman ng binata ay sumasama na itong makipag-date sa isang kaopisina na matagal ng may gusto sa babae.Unang pagkakataon mula nang maging magnobyo sila na ginawa iyon ni Wilma.
Natakot si Luis.
Alam iyang hindi ito simpleng pagtatampo lang.
Maaaring mawala sa kanya si Wilma kapag hindi siya nagdesisyon.
BINABASA MO ANG
Sukob Sa Taon
Short StoryShort story of horror.. Follow me I'll follow you back. Author by: monsterrhookie97