Sukob sa Taon

42 1 0
                                    


Continue:

PUTOL ang maliit na mga kamay pero lumalakad.
Tila may isip na alam kubg saan pupunta.
Tumigil ang mga kamay sa tapat ng kama Nina Luis at Wilma.
Umakyat.
Nang tumapat as tiyan ni Wilma bay tumigil.
Pagkatapos ay dinaklot nito ang tiyan ng babae.
Ang matutulis na mga kuko at bumaon sa tiyan hanggang maabot ang sanggol doon.
Ang walang kalaban-labang sanggol ay tinusok ng matutulis na kuko hanggang mapiga at bumulwak ang dugong lumunod dito.
Ang tili ni Wilma ay naging igik nang balingan siya ng mga kamay.
Tinusok ang leeg niya.

Sumigaw na napabalikwas ang sindak na Wilma, hawak ng dalawang kamay ang tiyan.

Kapanabay niya halos bumangon si Luis na nahintakutan sa lakas ng tila ng asawa.

"May kamay ... may kamay!" Habol ang hininga na sambit ni Wilma.

Pinayapa ni Luis ang babae pero umurong din ang sila niya nang makita ang bakas ng duguang mga kamay sa damit ng asawa.

Sukob Sa  TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon