Sukob sa Taon

50 0 0
                                    


Continue:

Dalawang linggo makaraan ang kasal,dumating ang problema.

Isang gabi ay may dumating na dalawang lalaki kina Luis.
Nalaman nila na nabuntis ng bunsong si Jun ang nobya ang nobyong so Greta.
Ayaw pumayag ng mga magulang ng babae kung di makasal ang dalawa kaya pinapunta ang mga Tito nito na kapwa militar.

Gayon na lang ang takot ng mga magulang ni Luis.
Baka raw kung ano ang gawin kay Jun.
Histerikal nga agad ang ina nilang si Aling Lolita.
Ayaw tumigil sa pag-iyak at kinailangan pang pasaksakan ng pampakalma para makatulog.

Ilang linggo mula noon, ikinasal si Jun kay Greta.
Hiniling ng paryentes ng babae na maghanda kahit maliitan lang.
Nagamit ang emergency money ni Wilma, nangutang so Luis sa opisina at naghiram din ng fix-six so Aling Lolita para hindi mapahiya.

Ngitngit na ngitngit si Wilma.
Kung hindi lang naiisip na baka mabaon sa lutang si Luis ay wala siyang balak ipagamit ang ipon niya.

"Naku, sukob pala kayo sa taon ng bayaw mo at ngayon ay kasabay ka pang nagbubuntis ng iyong hipag." Alarmadong sabi ni Sonia, kaopisina ni Wilma.

Ikinwento kasi niya sa babae na buntis na siya.

"Dapat ay maging ganda ka sa mangyayari. Hindi biro ang maging sukob sa taon." Takot na paalala ni Sonia.

A/n:
Vote and comment

Sukob Sa  TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon